Jino's POV
"Syvil, bilisan mo, ah!" Sabi ko nang buksan na ni Syvil ang bakal na pinto ng restroom.
"Papasok pa nga lang ako, gusto mo lumabas na agad." Naka-ingos na sabi ni Syvil sabay pasok at balibag ng sara ng pinto.
Malakas ang nilikhang tunog ng sumarang pinto at nakuliling ang mga tainga ko pero hindi ko na lang pinansin. Sumandal na lang ako sa dingding at nagsindi ng sigarilyo.
"Hay... Kelan ko kaya masasabi sa kanya?" Tanong ko sa sarili ko habang umiiling na nakatungo. Napa-angat ako ng tingin nang may dumaan na nakaputi at walang suot na sapin sa mga paa.
Isang babae...
Isang babaeng napakaganda... Pero gusot ang mahabang buhok, para tuloy itong baliw.
Napangisi ako. Sino bang matinong tao ang maglalakad sa basement ng ospital ng nakayapak at nakasuot pa ng puting bestida. Unless...
Halata namang hindi ito pasyente.
"Miss anong gimik 'yan? Nakatakas ka ba ng mental?" Natatawang tanong ko sa babae. Ngunit hindi ako pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa pagpasok sa restroom ng mga babae.
-------
Syvil's POV
Palabas na sana ako sa cubicle nang biglang magbukas-sindi ang mga ilaw. Narinig ko ding nagbubukas-sara ang mga pinto ng mga cubicle maliban sa cubicle na kinaroroonan ko.
Biglang sumalakay ang takot at kaba sa aking dibdib lalo na nang walang tinig na lumalabas sa aking bibig upang makahingi ng tulong. Naiiyak na rin ako sa sobrang takot ngunit pati ang aking paghikbi ay walang tunog. Nasaan ba ang Jino na 'yun? Hindi ba niya naririnig ang nangyayari dito sa loob?
Mayamaya ay kumalma ang paligid.
Nanginginig ang mga kamay na dahan-dahan kong inabot ang hawakan ng pintuan ng cubicle ngunit bigla naman itong bumukas na tila may tumulak ng malakas. Bumalandra ako sa pader, malapit sa inidoro.
Napaigik na lamang ako sa sakit ng likod ko.
"Syvil!"
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na iyon. "Le-Lenessia? S-Sky!"
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang dalawang yumao kong kaibigan sa harap ko. Pareho silang nakadilat ngunit wala silang mga mata, mula doon ay umaagos ang dugo. Tabingi ang kanilang bibig at nakabukas iyon na tila nasa kalagitnaan ng sigaw.
"B-bakit k-kayo n-nandito?!" Takot na takot na tanong ko. Oo, kaibigan ko sila... pero patay na sila!
"Nand'yan na siya..." Bulong ni Lennesia.
"Sumama ka na sa amin!" Sabi naman ni Sky.
"Magtago ka na!" Sabi ni Lennesia na tila takot.
"H-huh!?" Gulat na reaksyon ko. Hindi ko maintindihan...
"Nand'yan na siya!" Nakabibinging sigaw ni Lenessia.
Tinakpan ko ang dalawang tainga ko tapos ay bigla na lang na parehas silang naglaho. Nang masiguro kong wala na talaga ang dalawa, mabilis na lumabas ako ng cubicle habang nakatungo.
Napahinto lang ako nang may makita akong pares ng paa sa harap ko.
Pagtaas ko ng tingin...
"Divine!" Parang nabunutan ng tinik na tawag ko sa babae sa harap ko at sinugod siya ng yakap. Sobra-sobra ang takot ko kanina, pero nakahinga ako ng maluwag nang makita ang kaibigan ko. Sumubsob ako sa balikat niya at doon umiyak.
"Tahan na, sayang lang ang iyong luha!" Nanlaki ang mga mata ko at napatigil sa pag-iyak nang marinig ko ang nakakakilabot na tinig. Hindi iyon boses ni Divine.
Tila napaso na kumalas ako ng yakap sa kanya at lumayo. Lalong nanlaki ang mga mata ko nang masiguro kong hindi si Divine ang niyakap ko.
Kung 'di ibang babae...
Mabilis na umatras ako para makalayo sa kanya. Sumalakay ulit ang matinding takot sa aking dibdib. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang tumawa siya ng nakakakilabot at biglang tumingin sa 'kin na nanlilisik ang mga mata.
"Sayang lang ang iyong pag-iyak dahil isasama na kita!" Sabi ng babae.
Umiling-iling ako sa takot.
"Hin--" Naputol ang mga sasabihin ko nang bigla ay wala nang lumabas na boses sa aking bibig.
Napahagulgol ako ng iyak nang sa bawat kurap ko ay palapit siya ng palapit sa akin. Kahit naninigas ang mga binti ay pinilit kong umatras ulit habang umiiyak at umiiling sa kanya.
Halos panawan ako ng ulirat nang wala na akong maatrasan. Para akong daga na nasukol sa pagkakasandal ko sa de tiles na pader ng restroom.
Napatakip na lamang ako ng mga mata ko nang mabilis na lumapit siya sa akin. Naramdaman ko ang malalamig niyang daliri na pilit tinatanggal ang mga kamay ko sa pagkakatakip sa mata ko. Napakalakas niya kaya saglit lang ay nakikita ko na siyang muli.
Ang nakakikilabot na ngiti ng babae ang huli kong nakita bago nagdilim ang paligid.
--------
Jino's POV
Limang minuto na ang nakakalipas pero wala pa ring lumalabas. Nakadalawang stick na ako ng yosi, pangatlo na itong hawak ko nang mapagpasyahan kong sundan na siya sa restroom ng mga babae dahil masama na ang kutob ko.
"Syvil?" Pagtawag ko sa pangalan ng kaibigan pagkabukas ko ng pintuan. Isang paa lang ang ipinasok ko dahil baka biglang lumitaw at pagsasampalin ako.
Napaatras ako at napatingin sa sign sa pintuan para lang masiguro na nasa tamang restroom ako, wala kasing sumasagot. Napakatahimik ng paligid na para bang walang dalawang babae na pumasok dito.
"Syvil!?" Tawag ko ulit na dahan-dahang pumasok sa loob. Hindi naman ako matatakutin pero nagbibigay ng kilabot sa akin ang tunog ng pumapatak na tubig mula sa kung saan sa banyo na iyon pati na ang kukurap-kurap na ilaw.
Kung pinagti-trip-an man niya ako at tinatakot ay nagtagumpay na siya dahil sumalakay na ang kaba sa aking dibdib dahil hindi siya sumasagot sa tawag ko.
"Syv--" Naputol ang sasabihin ko at nanlaki ang mga mata ko nang sa pagliko ko sa kahabaan ng mga cubicle ay nakita ko siya sa may pader sa pinakadulo.
Napaluha na lang ako sa kalagayan niya ngayon. Nakita ko ang kanyang katawan na wala ng buhay. Katulad ng kay Lenessia ay parang taling pinagbuhol-buhol ang kanyang katawan. Nakadilat siya ngunit wala nang mga mata. Nakanganga at tabingi rin ang kanyang bibig.
Lalapitan ko na sana siya nang biglang lumitaw ang isang babaeng nakaputi. Iyong magandang babaeng kasunod lang ni Syvil na pumasok sa restroom, pero iba na ang itsura nito ngayon. Madumi na ang suot nitong damit, may bahid ng sa palagay ko ay natuyong dugo; maputlang halos magkulay gray na ang balat nito; may nangingitim na marka ng lubid sa leeg nito.
Nakatayo lang ang babae habang nakatingin sa akin pero sa tuwing kalahating segundo na mamamatay ang mga ilaw ay palapit ito ng palapit sa akin. Wala akong ibang nagawa kung 'di ang tumakbo palabas habang umiiyak para puntahan ang ibang mga kasama ko.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Vote and Comment is Much Appreciated.
BINABASA MO ANG
Exemplum De Morte: Warning Of Death (COMPLETED)
TerrorBeing a teenager, ADVENTURE is all what we wanted and CURIOSITY in everything is eating us. Pero paano kung mapasobra ang ating pagiging mausisa sa lahat ng bagay? YOU CAN RUN BUT SHE WILL GO AFTER YOU. Enjoy reading.