Someones's POV
"Oy guys, wait lang! Ihinto n'yo ang van!" Nagmamadaling sigaw ng isang lalaking nakadungaw sa bintana ng kanilang sasakyan sa mga kasama habang kinakalampag ang pintuan.
"Ano ba'ng problema mo?" Natatawang tanong ng isa pang lalaki na nagmamaneho ng sasakyan. Inihinto nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
"'Wag mong sabihing natatae ka na naman!" Natatawang wika naman ng isang babae na nasa kabilang bahagi ng sasakyan.
"Mga siraulo! Tingnan n'yo 'yung malaking bahay sa labas, abandunado na yata. Parang ang exciting pasukin." Sabi nang lalaking sumigaw pagkatapos ay binuksan ang sliding door ng kanilang van.
"Woooh! Ang creepy ng atmosphere!" Sigaw ng babae.
"Oy guys! Akala ko ba magro-roadtrip tayo?" Tanong ng isa pang lalaki na nasa backseat.
"'Wag ka nga! Naduduwag ka ba?" Naghahamong tanong ng isa pang babae sa tabi ng driver's seat.
"Oh-owww! Duwag ka pala P're hahaha!" Natatawang wika ng isa pang lalaki sa tabi ng unang nagsalita.
"'Oy, kayo! Inaano n'yo na naman ang bakla ng bar--" Naputol ang sasabihin ng isa pang babae sa backseat nang halikan ito ng lalaking tinawag na duwag.
"Hindi ako bakla 'no! At lalong hindi ako duwag!" Sabi ng lalaki at nauna nang lumabas ng kanilang van.
Nagtatawanan na sumunod na rin sa kanya ang kanyang mga kaibigan sa labas.
"Hohoho! Adventure is in the air!" Masayang wika ng isa sa mga babae.
"Pasukin na natin guys!" Sabi ng lalaking naunang lumabas ng van.
Siya na rin ang naunang maglakad papasok ng malaking bahay ngunit bago pa siya makapasok ay may kung sinong sunud-sunod na pumukol ng bato sa gate. Kaya napaatras ulit siya sa kanyang mga kasama. Sabay-sabay silang napasigaw nang biglang may sumulpot na matandang babae sa may gate.
"ANONG GINAGAWA N'YO DITO? WALA KAYONG KARAPATANG PUMASOK SA PAMAMAHAY NA 'TO! LUMAYAS NA KAYO!" Galit na sigaw ng matandang babae.
"Hala! Si lola oh, ang sungit!" Sabi ng isa sa mga babae na ikinatawa ng lahat.
"Hala! Nasaan na si Lola?" Tanong ng isang lalaki nang mapansin niyang wala na ang matanda.
Nagkatinginan silang lahat at dahan-dahang pumasok sa loob ng gate.
Ngunit bago pa sila makapasok sa gate ay biglang may humagis na malaking bato sa may gate, dahilan para magtakbuhan sila pabalik ng kanilang van.
"Bumalik na lang tayo sa susunod, guys!" Sigaw ng lalaking unang nakakita sa malaking bahay.
End
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Vote and Comment is Much Appreciated.
BINABASA MO ANG
Exemplum De Morte: Warning Of Death (COMPLETED)
TerrorBeing a teenager, ADVENTURE is all what we wanted and CURIOSITY in everything is eating us. Pero paano kung mapasobra ang ating pagiging mausisa sa lahat ng bagay? YOU CAN RUN BUT SHE WILL GO AFTER YOU. Enjoy reading.