Eighteen

134 7 1
                                    


Divine's POV

Ligtas kaming nakauwing apat sa aming mga tahanan. Pagkapasok ko ng aking kwarto ay nakita ko kaagad ang malaking litrato naming magbabarkada noong kumpleto pa kami.

Naluluhang umupo ako sa aking kama habang nakatingin sa katabing pader kung saan nakalagay ang malaking picture namin.

"Pupuntahan ko ba kayo? Pero kasi... Natatakot ako." Kausap ko sa malaking litrato na para bang sasagutin ako nito. "I'm sorry guys! Wala man lang akong nagawa."

Napapitlag ako nang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table ko.

"Hello?" Bungad ko. Hindi na ako nag-abalang alamin kung sino ang tumatawag.

"Divine!" Si Cloud pala.

"Oh Cloud?" Kinakabahang tanong ko, sa tono kasi ng pagsasalita ng kaibigan ko ay parang may hindi tama.

Nagulat na lang ako nang umalingawngaw ang isang malakas na sigaw mula sa kabilang linya dahilan para ilayo ko ang aparato mula sa aking tainga ngunit saglit lang ay rumehistro sa akin ang takot sa narinig.

  "Cloud, anong nang--" Naputol ang sasabihin ko nang dial tone na lamang ang naririnig ko. Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama. 

Tumindi ang takot at kaba sa aking dibdib. Ilang beses kong tinawagan ang cellphone ni Cloud pero puro lang iyon ring tapos ay dumidiretso sa voicemail. Pagkatapos ko siyang tawagan ng higit sa sampung ulit, bigla na lang namatay ang cellphone ko. Hindi ko na ito mabuksan kahit na anong pilit ko kaya dali-dali kong hinanap ang charger na sa malas naman ay parang ayaw magpakita. Natagpuan ko ang charger ko sa ilalim ng kama ko matapos ang labing limang minutong paghahanap, sinaksak ko ang cellphone at naghintay ng halos labing limang minuto pa ulit para mabuksan iyon. Hahawakan ko na sana iyon para tawagan muli si Cloud at ang iba pa nang magring na ulit ang cellphone ko, si Marcus naman ngayon ang tumatawag ayon sa caller ID.

Nanginginig ang mga kamay na dahan-dahan kong sinagot ang tawag. "H-hello?"

"D-Divine... s-si Cloud..." Umiiyak na bungad ni Marcus mula sa kabilang linya. "Nakita na lama--"

Hindi ko na narinig pa ang mga sinabi ni Marcus dahil nabitawan ko na ang cellphone ko nang mapatingin ulit ako sa malaking picture frame naming labing-isa.

Napasigaw ako sa takot nang makita kong sira na ang imahe ng mga mukha ng mga kaibigan kong namatay na sa picture na para bang kinaskas iyon. Lalo pang nanlaki ang mga mata ko nang makita kong burado na din ang mukha ni Marcus.

"H-hindi!" Umiiling na sigaw ko. Mabilis na kinuha ko ang cellphone, cord at powerbank saka nagmamadaling lumabas ng aming bahay, pumara at sumakay ng taxi upang magpahatid sa bahay nina Marcus. Tinawagan ko ulit si Marcus--sa sobrang lito at tuliro ko ay nakalimutan kong tanungin kung nasaan siya at basta na lang ako nag-assume na nasa bahay nila siya.

Sinabi ni Marcus na nasa morgue daw siya ng ospital na malapit sa bahay nina Cloud kaya doon ko na lamang pina-diretso ang taxi na sinasakyan ko. Ngunit nang medyo malapit na ko sa ospital ay nasiraan ng makina ang taxi. Mabilis na nagbayad na lamang ako at lumabas ng sasakyan. Rush hour ng mga oras na ito kaya wala akong ibang masakyan.  

Tinakbo ko na lamang ang papuntang ospital. Ngunit tumunog muli ang cellphone ko nang malapit na ako sa ospital. Tinatawagan ako ni Spencer.

"Hello!" Agad kong sabi pagkasagot ko sa tawag.

"Divine wala na si Marcus. Natagpuan ko na lamang siyang isang malamig na bangkay sa loob ng morgue."

Nanlulumong napaupo ako sa sahig at humagulgol ng iyak. Wala akong pakialam kung pagtinginan pa ako ng mga tao.

"Nasaan ka?" Narinig kong tanong ni Spencer mula sa kabilang linya. Sinabi ko kung nasaan ako at ang sabi niya ay magsalubong na lamang kami sa daan para sabay naming puntahan sina Marcus at Cloud.

Nanlulumong naglakad ako sa gilid ng kalsada. Dalawa na lamang kami ng mahal ko ang nabubuhay sa amin. Namatay na ang sampu naming kaibigan dahil sa akin.

Kung hindi lang talaga sana ako nag-aya noon ay hindi namin makikita ang malaking bahay na 'yun. Eh di sana... Hindi sila namatay. Naaalala ko pa ilang araw pa lang ang nakararaan.

"GUUUUUUUYS!!!" Kuha ko sa atensyon nilang lahat habang nakatingin sa cellphone ko.

Nakatambay ang mga kaibigan ko sa bahay namin at nanonood ng pelikula. Marvel movie marathon kami. Nakasalampak ang iba sa alpombra namin sa sahig at ang iba naman ay kanya-kanyang pwesto sa mga sofa.

"Ang ingay mo naman, Divine!" Reklamo ni Keisha na halatang naistorbo sa panonood.

"Ano ba 'yun?" Tanong ni Krystelle na umayos ng upo sa tabi ko para makiusyoso sa cellphone ko.

"Tingnan n'yo guys, oh! Sabi ng isa kong friend nu'ng highschool pa tayo. May isang malaking bahay daw sa may South na nakakatakot." Simula ko.

"Pa'nong nakakatakot?" Tanong ni Syvil na abala sa pagkain ng potato chips habang titig na titig sa abs ni Captain America.

"Baka may multo kaya nakakatakot." Pambabara ni Jino kay Syvil. Hindi na lang ito pinansin ng dalaga.

"Waaah! Exciting yan!" Sabi ni Cloud na nagpatalun-talon pa sa kutson ng sofa sa isa pang gilid ko, hindi naman halatang excited.

"Puntahan natin guys?" Expectant na tanong ko sa kanila.

"Tara! Mukhang exciting eh!" Anyaya din ni Lenessia na kumikislap ang mga mata sa excitement.

Pinatay ko ang 49 inch flatscreen TV namin kaya napilitan silang tumingin sa akin. Pumayag na ang mga babae, 'yung mga lalaki na lang.

"Gusto n'yo palang pumunta eh... Eh 'di sasama na din kami..." Kibit-balikat na sabi ni Spencer tapos ay tumingin sa mga kapwa nitong lalaki na parang nakikiusap na sumang-ayon na lang.

"Oo naman!" Mabilis na pagpayag ni Marcus. Hindi na pala kailangang pakiusapan.

"Kung nasaan kayo, du'n din kami!" Sabi naman ni Sky na pilit inaabot ang bandehado ng potato chips mula kay Syvil.

"Naman!" Sang-ayon ni Jino na inakbayan si Syvil.

"Kami pa ba?" Dagdag pa ni Drew.

"'Yun naman pala eh..." Sabi ni Syvil na inalis ang kamay ni Jino sa balikat niya tapos ay inabot ang remote mula sa kandungan ko.

"So kelan tayo pupunta?" Masiglang tanong ko.

"SA BIYERNES!!!" Sabay-sabay na sigaw nila.

Gulat na nagkatinginan kaming lahat saka humagalpak ng tawa.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote and Comment is Much Appreciated.

Exemplum De Morte: Warning Of Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon