Five

180 6 0
                                    

Divine's POV

Pagkatapos ng ilang minutong pilitan at pangungumbinsi sa mga kaibigan naming takut na takot, sa wakas ay pumasok na kami sa bahay pero hanggang sa sala lang kami. Inurong ng mga lalaki ang mga sofa palayo sa coffee table na naroon para makaupo kami ng maayos sa sahig. Pinilit naman naming mga babae na alisin ang nangangapal na alikabok sa mahaba at malaking carpet na pinapatungan ng coffee table para hindi madumihan ang mga pang-ibaba namin.

Inilapag ni Timothy ang Ouija board niya at isang plain na baso sa coffee table at pinalibutan namin iyon. Dahil siya ang mas nakakaalam kung paano laruin ang Spirit of the Glass, umupo si Timothy sa harap ng board kung saan kita niya ang lahat ng letra, salita at mga simbolo. Pumuwesto ako sa harap niya kaya lahat ng nasa board ay nakabaliktad sa akin, bale kami ang nasa gitna, nasa kaliwang gilid naman namin sina Lenessia, Sky, Krystelle, Drew at Keisha. Sa kanan naman ay sina Syvil, Jino, Cloud, Marcus at Spencer.

Napabuntong hininga si Timothy habang inaayos ang pagkakalapag ng board sa sahig.

"Okay guys, this is it!" Sabi pa nito na tumingin ng matiim sa bawat isa sa amin.

"It's so exciting guys!" Parang batang kinikilig na sabi ni Keisha.

"Paalala lang, guys! Kahit anong mangyari, walang tatakbo o mag-aangat nitong glass." Sabi ni Timothy na inangat ang baso na gagamitin namin para makita namin lahat. Nang ipatong niya sa board ang baso na gagamitin namin, nakabaliktad na iyon.

"Guys, hindi ba delikado 'to?" Tanong ni Lenessia na halatang kinakabahan.

"Hindi, kung tatapusin natin ang laro." Sagot ni Timothy. "At oo, delikado kung hindi natapos."

"Hey! Don't be scared! I'm here!" Sabi ni Sky sabay yakap kay Lenessia.

"So guys, game?" Hamon ni Timothy sa amin.

"GAME!" Sagot naman naming lahat.

Umayos na kami ng upo, pinuwesto na rin namin ang aming mga hintuturo sa puwetan ng baso.

Nagsimula nang magdasal si Timothy sa salitang Latin nang bigla na lang tumili si Lenessia habang may tinuturo sa may harap niya... sa likod ni Syvil.

Sinundan naming lahat ng tingin ang itinuturo niya.

Napasigaw kaming lahat. Nagtakbuhan ang lima na nasa kanan papunta sa likod ng mga nasa kaliwa na hindi naman makakilos dahil sa takot. Si Spencer ay nanatili lamang sa tabi ko.

Ang nakita namin ay ang matandang lalaki na nagtaboy sa amin nang unang punta namin dito. Nakamulat ang mga mata nito ngunit kadiliman lamang ang makikita, walang eyeballs--umaagos mula dito ang masaganang dugo. Nakanganga din ito na tila nasa kalagitnaan ng sigaw ngunit walang tinig na lumalabas. Kapansin-pansin ang nakatabingi nitong panga na mukhang tanggal na mula sa pagkakakabit sa bungo nito at tanging balat na lamang sa pisngi ang pumipigil upang tuluyang matanggal ang panga mula sa mukha nito.

Mayamaya ay itinaas ng matanda ang isang kamay na tila ba may tinuturo. Takot na sinundan namin ng tingin ang itinuturo nito.

Isang malakas na sigaw ang kumawala sa bibig ko.

Nakita ko sa likuran ni Timothy ang babaeng nakita ko kanina sa salamin. Ang babaeng mukha ko ang ginagamit. Walang ibang makikita sa kanyang mata kundi itim.

"Divine..." Kinilabutan ako sa paraan ng kanyang pagtawag sa akin. Animo'y nanggagaling ito sa kailaliman ng lupa at napakalamig ng boses nito.

Pumunta na rin sa kaliwa si Timothy.

"Sino ka?" Matapang na tanong ni Timothy, halatang sanay na sa ganitong mga engkwentro.

"B-bakit g-ginagaya mo ang m-mukha ko?" Nauutal na tanong ko.

Exemplum De Morte: Warning Of Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon