Divine's POV
Pinagpatuloy ko ulit ang pagbabasa.
...Kinabukasan ay lumipat na kaming buong mag-anak sa malaking bahay. At dahil ako ang panganay ay ako ang nahuling magpapahinga sa amin dahil naghugas pa ako ng aming kinainan ng hapunan. Pagkatapos kong itabi ang mga plato ay umakyat na ako sa aking kwarto. Ngunit pagbukas ko ng pintuan ng aking kwarto ay nangunot ang aking noo nang may makita akong nakaupong babae sa gilid ng aking kama, nakatungo lang at tahimik na tahimik. Tinanong ko kung sino siya ngunit nakakapangilabot na tawa lamang ang kanyang sinagot sa akin. Pagkatapos ay nag-angat siya ng mukha at tumingin sa akin. Nanlalaki ang aking mga mata, napaatras sa takot dahil ang babaeng nasa kama ko ay ginagaya ang aking mukha. Bawat kurap ng aking mga mata ay palapit siya ng palapit sa akin. Nang dahil sa takot at kabang nararamdaman ko ay hindi ko magawang makatakbo. Idagdag na rin ang panginginig ng aking mga tuhod. Hanggang sa makalapit siya sa akin ng husto. Pagkatapos ay nilamon ako ng kadiliman.
Nagising na lamang ako sa isang napakadilim na lugar nang biglang may lumitaw na babae sa aking harapan. Tinanong ko kung sino siya ngunit ngumiti lamang siya sa aking na parang demonyo.
'MAMAMATAY KAYO,' 'yan ang mga salitang binigkas niya sa nakakatakot at nakakapangilabot na tinig. Marahas na umiling ako sa kanya at sinabing hindi totoo ang kanyang sinasabi ngunit muli'y ngumiti siya sa akin at sinabing 'MAMAMATAY KA! KAYO NG PAMILYA MO! PATI NA ANG MGA TAONG MANGANGAHAS NA PUMASOK SA BAHAY NA ITO AY MAMAMATAY! WALANG SINUMANG PWEDENG MAGMAY-ARI O PUMASOK SA BAHAY NA ITO!' Pagkasabi niya nu'n ay bigla na lamang akong napabalikwas.
'Devonne, mabuti naman at nagising ka na, anak!' Bungad sa akin ng aking ina pagkamulat ko ng aking mga mata.
'Ma bakit po kayo umiiyak?' Tanong ko sa kanya nang makita ko ang mga masaganang luha na pumapatak sa kanyang pisngi.
'Pagkagising namin kanina umaga ay nadatnan ka na lang namin dito sa ibaba ng hagdanan na parang ikaw ay nahulog. Wala kang malay kaya binuhat ka ng iyong ama dito sa ating upuan. Ilang minuto ka na naming ginigising pero hindi ka pa rin nagkakamalay.' Umiiyak na sagot ng aking ina. Nakakapagtaka na ang huling naalala ko bago ako lapitan ng babaeng gumagaya sa aking mukha ay nasa may pintuan na ako ng aking kwarto. Paanong nangyari na napunta ako sa ibaba ng hagdanan namin?
"Devonne? Eh, sino si Faith?" Nagtatakang tanong ko.
"Baka siya 'yung babaeng nagpakita kay Devonne." Sabi ni Spencer. "D'yan sa gumawa ng sulat."
"Si Devonne naman ay katulad mong ginayahan ng mukha." Dagdag ni Timothy.
"So ibig sabihin, dahil nangahas tayong pumasok sa malaking bahay ay mamamatay tayong lahat?" Paniniguro ni Marcus.
"Parang 'yun na nga ang sinasabi ng liham." Sabi naman ni Spencer.
"Ayoko pang mamatay!" Naiiyak na sabi ni Cloud.
"What the hell, Cloud! Tapos na ba ang liham at nawawalan ka na ng pag-asa d'yan?" Mataray na sigaw ni Keisha kay Cloud.
"Ano bang problema mo, ha, at napakataray mo ngayon!" Ganting sigaw ni Cloud.
"Enough guys! Walang mangyayari kung mag-aaway-away tayo!" Awat ko sa kanila.
Parehas na nag-irapan ang dalawa saka tumingin sa magkaibang direksyon.
"Back to the topic tayo guys!" Pagbabago ni Spencer sa usapan.
"Ituloy mo na ang pagbabasa ng liham, Divine." Sabi ni Timothy.
"Sige."
Magbabasa na sana ako nang makarinig kami ng sunud-sunod at malalakas na katok.
May kumatok sa isa sa mga bintana ng van namin sa kaliwa.
Isang batang lalaki ang kumakatok sa amin. Binuksan naman ni Spencer ang bintana. "Bakit?"
"Pinapatawag po kayo ng aking ina. Magmiryenda daw po muna kayo." Magalang na sabi ng batang lalaki.
"Sino ba ang nanay mo?" Tanong na naman ni Spencer.
"'Yung may-ari po ng tindahan." Sagot ng batang lalaki. "'Yung nagbigay sa inyo ng liham."
Tiningnan muna kami ni Spencer, inaalam kung papayag kami. Tumango ako at narinig kong sumang-ayon ang iba pa.
"Sige. Teka lang, bababa na kami." Sabi ni Spencer sa batang lalaki.
Bumaba na kami ng aming van at magkakapanabay na sumunod sa batang lalaki.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Vote and Comment is Much Appreciated.
BINABASA MO ANG
Exemplum De Morte: Warning Of Death (COMPLETED)
HorreurBeing a teenager, ADVENTURE is all what we wanted and CURIOSITY in everything is eating us. Pero paano kung mapasobra ang ating pagiging mausisa sa lahat ng bagay? YOU CAN RUN BUT SHE WILL GO AFTER YOU. Enjoy reading.