Nine

166 7 0
                                    


Divine's POV

Sa surveillance room ng ospital kami dinala nila Timothy at Marcus, naroon ang mga monitor para mapanood ang live feed ng CCTV sa palibot ng ospital.

Umiiyak na lumabas ang mga nanay nila Lenessia at Sky habang ang kanilang mga tatay naman ay masinsinan na kausap ang mga pulis, nang dumating kami lumabas din ang mga ito sa silid at ipinagpatuloy ang pag-uusap sa hindi kalayuan pero sapat para hindi marinig ang kanilang diskusyon.

"Nasaan si Jino at Syvil?" Tanong ni Keisha sa amin.

"Nagpunta sa restroom." Sagot ni Drew.

Kami na lang ni Spencer ang hinihintay kaya nang makalapit kami, tinapik ni Timothy ang balikat ng operator ng mga CCTV monitor na agad naman kumilos.

Ni-rewind ang recording namin sa malaking bahay tapos ay pinahinto sa oras na wala na kami doon.

"Oh my god!" Nanlalaki ang mga matang bulalas ko nang mapanood kung paano namatay si Lenessia sa malaking bahay.

Wala kaming makitang ibang tao sa video kung 'di si Lenessia. Ang wari ko'y nasa isa sa mga kwarto siya sa ikalawang palapag ng malaking bahay. Hindi ko alam kung saan inilagay ng mga lalaki ang Camera 4 na nagrerecord ng pangyayari.

Sa video, bumabalibag ang katawan ni Lenessia. Wari' y iwinawasiwas siya ng kung sino na may lakas ni Hulk ngunit wala kaming makita maski anino. Mayamaya lang ay biglang lumutang ang kanyang katawan hanggang sa nasa blindspot na ito ng ikinabit namin na CCTV. Nagkatinginan kaming lahat at sabay-sabay na mas lumapit pa sa mga monitor. Hinanap namin sa lahat ng monitor pero wala.

"Nasaan na siya?" Nagpapanic na tanong ni Cloud. Dahil buhay na buhay pa ang mga kaibigan namin sa video, saglit namin nakalimutan na patay na sila.

Lumipas ang ilang segundo na nakatitig kami sa mga monitor ay gulat na napasigaw kaming lahat nang bigla na lamang sumulpot ang mukha ni Lenessia sa camera at biglang nawala ulit na parang hinila siya sa kung saan.

At muli'y hindi na namin ulit siya makita.

"My God! Nasaan na siya?" Takot na takot na sabi ni Krystelle. Lahat kami ay nakatuon lamang ang paningin sa monitor.

At muli'y gulat na napasigaw kaming lahat nang bigla na lamang bumagsak sa sahig ang walang buhay na katawan ni Lenessia. Ngunit hindi lamang iyon ang ikinasigaw namin: parang tali na nakabuhol ang kanyang katawan, nakatabingi ang panga at nakabuka ang bibig na tila nasa kalagitnaan ng sigaw.

"Multiple trauma ang dahilan ng pagkamatay niya." Sabi ni Timothy. "Pumutok din ang ugat sa ilong niya..."

"Anong ibig sabihin nu'n?" Tanong ni Krystelle.

"Buhay pa siya nu'ng..." Napatingin kaming lahat kay Drew na halata ang pagkagimbal sa mukha. Nursing student ito kaya may alam sa mga medical na bagay. "Buhay pa si Lenessia nu'ng dinukot ang mga mata niya."

Napasinghap kaming magkakaibigan, lalong naawa sa sinapit ni Lenessia.

"Guys si Sky!" Sigaw ni Keisha sabay turo sa isa pang monitor, may nakapaskil sa ibaba ng video na 'Camera One'. Nakita namin si Sky na naglilibot sa buong bahay. Sinisigaw din nito ang pangalan ni Lenessia.

"Aakyat siya sa taas!" Bulalas ni Drew nang makita namin sa isa pang monitor na papunta na ito ng hagdanan.

"May babae!" Sabi ni Marcus sabay turo sa monitor na kanina ay tinitingnan namin.

"Faith..." Wala sa loob na sambit ko.

"Kilala mo siya?" Gulat na tanong ng mga kaibigan ko.

Walang pag-aatubiling kinuwento ko sa kanila kung paano ko ito nakausap nu'ng nahimatay ako. Hindi ko naikwento sa kanila agad dahil sa dami ng nangyari. Niyakap naman ako kaagad ni Spencer pagkatapos kong ilahad ang lahat ng naaalala ko.

Exemplum De Morte: Warning Of Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon