Divine's POV
Pagkaakyat namin ng rooftop, nakita namin si Jino na nasa labas na ng bakod ng rooftop, kung hindi siya nakakapit sa chicken wire kaunting galaw lamang niya ay posibleng malalaglag siya. Nandoon na din sina Drew at Timothy na pinipigilan si Jino sa gagawing pagtalon.
Mabilis na lumapit kami kina Drew at Timothy.
"Jino! Ano ba'ng ginagawa mo? Umalis ka d'yan!" Sigaw ko.
Hindi siya sumagot. Napasinghap ako at napaatras ng bahagya nang matalim na tumingin siya sa akin at ngumisi na parang demonyo. Ngunit hindi lang iyon ang aking ikinagulat. Ang mukha niya... Hindi siya si Jino, kung 'di si Faith--ang babaeng gumagaya ng mukha ko!
Dahil ang nakita ko sa mukha niya ay ang mukha ko at hindi ang kay Jino.
"Faith, parang awa mo na! Tigilan mo na kami!" Umiiyak na sigaw ko. Agad naman akong dinaluhan ni Spencer na laging nasa tabi ko lang.
"Sinabi ko na sa iyo." Sabi ni Jino sa nakakatakot na boses, lumingon siyang muli sa amin. "Ang mamamatay ay mamamatay! Hindi mo iyon mapipigilan!"
Bigla na lang ay bumitiw si Jino sa pagkakahawak niya sa chicken wire. Lahat kami ay walang nagawa kundi ang panoorin siyang bumulusok pababa.
"JINOOOO!!!" Sigaw naming lahat na napakapit na lang sa barandilya ng bakod. Ilang palapag din ang ospital na ito kaya basag ang bungo ng kaibigan namin pagkalagapak niya sa sementadong parking lot. Umiiyak na yumakap ako kay Spencer nang makita ko ang walang buhay na katawan ni Jino.
"Wala na siya Spence..." Umiiyak na sabi ko sa kanya. "Wala na si Jino..."
"Sshh! Everything will be okay, babe." Sabi ni Spencer habang hinahagod ang likod ko.
"Mamamatay... tayo? H-hindi! Ayoko pang mamatay!" Hysterical na sigaw ni Krystelle. Napaatras ito palayo sa amin.
"Ano bang sinasabi mo Krystelle!" Lalapitan na sana ni Drew si Krystelle nang...
"'Wag kang lalapit! Dahil lang naman sa 'yo kaya ako sumama dito! Sana--sana nakinig na lang ako kay lola na 'wag munang umalis ng bahay!"
Humakbang ulit palapit si Drew. "Makinig ka muna Krys--"
"SABI NANG 'WAG KANG LALAPIT!" Pinutol ng sigaw ni Krystelle ang mga sasabihin pa ni Drew.
Agad namang huminto si Drew sa kanyang pag hakbang. Tumungo si Krystelle at biglang nanahimik. Nagkatinginan kaming lahat. Mayamaya lang ay bigla siyang tumawa.
Biglang nanindig ang lahat ng balahibo namin nang mag-iba ang kanyang boses.
Biglang lumaki.
Nakakatakot at nakakapanindig ng balahibo.
"K-Krystelle?!" Tawag ko sa kanya.
Wala kaming ibang narinig na sagot mula sa kanya kung 'di ang nakakatakot na tawa lang. Mayamaya lang ay nagtaas na ulit siya ng ulo habang patuloy na tumatawa na parang baliw. Ngunit hindi lang iyon ang ikinabigla namin.
Nanlaki ang mga mata namin nang makita namin ang kanyang mukha. Mukha ko na naman ang aking nakikita.
"Faith! Parang awa mo na! Tigilan mo na kami! Apat na sa kaibigan namin ang pinatay mo!" Muli ay sigaw ko.
"ANG MAMAMATAY AY MAMAMATAY!" Ganting sigaw ni Krystelle sabay mabilis na tumakbo papunta sa pinakadulo ng rooftop.
"'Wag Krystelle!" Sigaw ni Drew sabay harang sa daraanan ni Krystelle pero hindi siya nagpatinag.
Lahat kami ay napasigaw at iyak nang sabay silang malaglag mula sa rooftop.
"Kailangan na nating bumalik sa malaking bahay." Nanlulumong wika ni Timothy.
"Tama! Kailangan na din nating makausap 'yung matanda!" Pagsang-ayon ko.
Pagkatapos namin magbigay ng statement sa mga pulis, patunayan na inosente kami sa pagkamatay ng mga ito at ipaliwanag sa mga magulang ng namatay ang mga nangyari, tahimik na bumiyahe na kami papunta sa malaking bahay.
'Ano ba talagang nangyayari?' Naisip ko habang nakadungaw sa bintana ng van (na napa-tow at napaayos namin habang nasa ospital kami). 'Hindi ba't hindi naman namin naumpisahan ang aming laro? Ngunit bakit nangyayari ito? Totoo kaya 'yung sinasabi ni Faith? Na mamamatay kaming lahat? Nakatadhana ba sa 'ming mangyari 'to? O pinaglalaruan kami ng demonyo?'
Nahinto ako sa pag-iisip nang biglang may humawak sa kamay ko. Paglingon ko...
Si Spencer...
"Ano iniisip mo?" Tanong niya.
"'Yung nangyayari..." Pag-amin ko. "Hindi ko kasi maintindihan kung bakit nangyayari ito sa atin."
Sinandal niya ako sa kanyang dibdib at hinagod ng isang kamay ang aking buhok. "Maski ako ay napapaisip sa bagay na iyan. Pero Divine pangako ko sa iyo... kahit anong mangyari ay poprotektahan kita kahit ikamatay ko pa."
"No! Hindi ka mamamatay! Kahit sino sa atin! Wala nang mamamatay!" Madiing sabi ko sa kanya habang lumuluha.
"Sshh! Tahan na!" Pang-aalo ni Spencer habang tumatango.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Vote and Comment is Much Appreciated.
BINABASA MO ANG
Exemplum De Morte: Warning Of Death (COMPLETED)
TerrorBeing a teenager, ADVENTURE is all what we wanted and CURIOSITY in everything is eating us. Pero paano kung mapasobra ang ating pagiging mausisa sa lahat ng bagay? YOU CAN RUN BUT SHE WILL GO AFTER YOU. Enjoy reading.