Seventeen

119 8 0
                                    

Divine's POV

Nang magkamalay ang dalaga ay agad siyang pinainom ng tubig ng matandang babae.

"Miss pasensya na pero ano 'yung sinasabi mo sa amin kanina?" Agad na tanong ni Marcus.

Huminga muna ng malalim ang dalaga bago nagsalita.

"Ako si Alliyah." Pakilala ng babae sa amin. "Ako ang bunsong kapatid ni Devonne."

"H-hindi ka namatay?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Nanlaki ang mga mata namin dahil sa rebelasyong iyon. "Pero paano?"

"Nagising ako nu'ng gabing iyon dahil may biglang humila ng aking paa." Sabi ni Alliyah na nagsimula nang magkwento. "Nangunot ang aking noo nang makita kong nakabukas ng kaunti ang pintuan ng aking kwarto. Dala ng kuryusidad ay tumayo ako ng aking higaan at dahan-dahang tumungo sa pintuan. Binuksan ko ng malaki ang pintuan at nakita ko si ate Devonne na mabilis na tumakbo pababa ng aming hagdanan. Sumunod ako sa kanya ngunit nu'ng nasa bungad na 'ko ng hagdanan ay may biglang tumawag sa akin. Paglingon ko ay laking gulat ko nang makita ko si ate Devonne. Lumingon ulit ako sa babaeng bumaba ng hagdanan namin. Nasisiguro kong iyon ang tunay kong ate dahil nakita ko ang binigay kong bracelet sa kamay niya. Unti-unti akong lumingon sa babaeng tumawag sa akin. At napasigaw ako sa takot nang paglingon ko ay ibang babae na ang aking nakita. Nakakatakot ang kanyang itsura at may malaking sugat sa kanyang leeg. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang sa isang kisap-mata lamang ay hawak niya na ako sa leeg. Narinig kong sumigaw si ate Devonne at humingi ng awa sa babae para 'wag akong patayin. At... at... s-sa-sabi niya kay Ate..."

Napahinto sa pagsasalita si Alliyah at humagulgol ng iyak.

"...P-patayin n-ni Ate a-ang k-kanyang s-sarili at h-hahayaan a-ako ng b-babae na m-mabuhay." Wika ni Alliyah sa pagitan ng kanyang paghikbi.

"Paano mo nalaman na hindi sa inyo ang malaking bahay?" Tanong ko.

Bigla itong napahinto sa pag-iyak at seryosong tumingin sa akin. Pinunasan din ni Alliyah ang mga luhang naglandas sa kanyang pisngi.

"Kapag sinabi ko ba sa inyo ay paniniwalaan n'yo ako?" Naniniguradong tanong ng babae.

Nagkatinginan kaming apat at sabay-sabay na tumango sa kanya.

"O-oo naman. A-ano ba iyon?" Kinakabahang tanong ko.

"Nu'ng gabing nagbigti si ate Devonne sa malaking bahay ay nagpakita sa akin sina daddy at mommy. Humihingi sila ng tawad sa akin dahil nagsinungaling sila. Nu'ng una ay natakot ako dahil nakita ko silang wala nang buhay sa kanilang kwarto tapos ay nakita ko silang nakatayo sa ilalim ng bangkay ni ate... Ngunit sabi ni mommy sa akin ay 'wag daw akong matakot sa kanila dahil gusto lang naman daw nila sabihin sa akin ang totoo bago sila tuluyang umalis kasama ang mga kapatid ko. Inamin nila sa akin na hindi talaga nila nabili ang malaking bahay at ninakaw lamang nila ang titulo ng bahay at lupa sa taong nangangalaga nito. At isa lamang palabas ang pinakita nila sa amin na pagbili ng malaking bahay." Malungkot na kwento ni Alliyah.

"Nakakakita ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo."

"So it means... Nakikita mo siya?" Paniniguro ni Cloud.

Marahang tumango si Alliyah bilang sagot.

"Pero bakit ganu'n? Bakit papatayin niya kaming lahat!?" Tanong naman ni Marcus.

"Dahil mga lapastangan din kayo... Binalaan na niya kayo bago kayo pumasok sa malaking bahay gamit ang dalawang matanda ngunit hindi kayo nakinig." Sagot ni Alliyah.

"Pero bakit nanggagaya siya ng mukha?" Tanong din ni Spencer.

"Dahil matutulad ang taong iyon sa kanya. Kay ate. Magpapakamatay din siya. Magbibigti rin siya sa tapat ng malaking bahay."

Umiiling na tiningnan ko siya, hindi makapaniwala.

"Hindi mangyayari 'yun!" Hindi napigilang bulyaw ko sa kanya. "Hibang ka na ba!"

Ngunit tumawa lang si Alliyah ng nakakaloko. "P'wede kayong tumakbo at magpakalayu-layo pero hindi n'yo matatakasan ang kamatayan n'yo." Tumayo na siya sabay talikod sa amin. "Makakauwi kayo sa ngayon ngunit hindi ibig sabihin nu'n ay hindi niya na kayo babalikan."

Napasinghap ang mga kasama ko sa sinabi ng babae, lalo silang natakot.

"Dahil ANG MAMAMATAY AY MAMAMATAY AT HINDI MO IYON MAPIPIGILAN..." Dugtong ni Alliyah bago tuluyang maglakad palayo.

Napanganga ako sa sinabi niya.

'Mali ka, Alliyah! Ano man ang mangyari, mabubuhay kaming apat.' Sabi ko sa isip ko.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote and Comment is Much Appreciated.

Exemplum De Morte: Warning Of Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon