Divine's POV
"Woah! Don't tell me--"
"Yes girls! Itutuloy natin ang paggo-ghost hunting natin sa malaking bahay na ito." Putol ni Marcus sa sasabihin pa sana ni Krystelle na iminuwestra pa sa amin ang malaking bahay na hinintuan ng van namin.
"Exciting nga 'yan!" Sabi ni Keisha na tuwang tuwa.
"Pero guys--hindi ba pinagbawalan na tayo sa bahay na 'to?" Nag-aalangan na sabi ko sa kanila.
Naalala ko nu'ng huling punta namin dito, gabi rin noon at excited ang lahat.
Pinuntahan namin 'yung sinasabi na pinakakinatatakutan na bahay dito sa South. 'Yung kaluluwa daw kasi dito nangunguha ng mga bumibisita dito. Papasok na sana kami ng gate nang...
"ANONG GINAGAWA N'YO DITO!?!" Sinigawan kami ng isang matandang lalaki. Nasa loob siya ng bakuran ng malaking bahay.
Bumilis ang tibok ng puso ko at kinilabutan din ako lalo nang makita kong wala siyang ulo.
"M-ma-manong b-ba--"
"LUMAYAS NA KAYO DITO! DELIKADO ANG BAHAY NA 'TO! 'WAG NA 'WAG NA KAYONG BABALIK PA DITO!" Pinutol ng sigaw ng matandang lalaki ang sasabihin ko.
"Manong sa inyo po ba 'tong bahay na ito?" Tanong ni Drew.
"LUMAYAS NA KAYO!" Sigaw muli ng matandang lalaki.
"Baliw na yata 'to eh." Natatawang sabi ni Sky, galit naman na umalis ang matandang lalaki.
"Wala na 'yung matanda, guys!" Sabi ni Lenessia.
"Tara na sa loob!" Anyaya ni Cloud.
Akala namin ay umalis na siya, kaya papasok na sana kami nang...
BANG!
May tumamang malaking bato sa gate.
"WOAH!" Hiyaw ni Spencer sabay iwas sa batong tatama sana sa kanya.
"Guys! Umalis na tayo dito!" Sigaw ni Syvil.
"Oo nga, baka matamaan pa tayo ng mga bato!" Pagsang-ayon ko.
Wala na silang nagawa kung 'di ang sumang-ayon kaya umalis na kami sa lugar na iyon.
"Oo nga! Baka batuhin na naman tayo ng matandang lalaki!" Sabi ni Cloud na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
"Hindi na ngayon." Sabi ni Jino at napatingin kaming lahat sa kanya. "Kasi wala na siya."
"Pa'nong wala na siya?" Tanong ko.
"Patay na." Si Sky ang sumagot at napaigtad ako.
"As in tigok na?" Paniniguro ni Lenessia.
"Hay naku, Lenessia! Ang slow mo! Patay na nga 'di ba... Malamang tigok na 'yun!" Naiiritang sabi ni Sky, na umani ng masamang tingin mula sa dalaga.
"Oh, enough na guys! Baka magkatuluyan!" Natatawang sabi ni Syvil.
"K-kelan pa n-namatay?" Kinakabahang tanong ko.
"Alam n'yo 'yung gabing pumunta tayo dito?" Tanong ni Marcus.
Tumango naman kaming limang babae, tumingin si Marcus kay Spencer kaya nalipat ang atensyon namin sa kanya.
"Kinabukasan nu'n, nakita na lang ang matandang lalaki na isa nang malamig na bangkay."
"At alam n'yo ba kung ano itsura ng matanda?" Sabi naman ni Drew.
Umiling naman kami ng sabay-sabay. Tumingin si Drew kay Jino.
"Bukas ang kanyang mga mata ngunit wala na siyang eye balls at nakanganga rin siya ngunit tabingi ang kanyang bibig." Sabi naman ni Jino.
"Ang creepy naman!" Komento ni Krystelle.
"Nakakatakot naman pala dito!" Sabi ni Lenessia.
"Grabe naman ang gumawa nu'n!" Kinikilabutan na dagdag ni Syvil.
"Sure akong hindi tao ang gumawa nu'n!" Anunsyo ni Cloud.
"Sino ang gumawa nu'n!?" Tanong ko naman.
"'Yun nga ang pinunta natin dito. Aalamin natin kung ano nga bang misteryo ang meron d'yan sa bahay na 'yan." Sabi ni Sky sabay turo sa malaking bahay.
"Pa'no natin malalaman!? Wala naman tayong kasamang espiritista!" Sabi ko.
"Sino naman nagsabi sa 'yong wala?" Taas-kilay na tanong ni Marcus.
Nakarinig kami ng isang motorsiklo na huminto malapit sa kinatatayuan namin.
"Sino siya?" Tanong ni Keisha nang lumakad papunta sa amin ang lalaking nakasakay sa motorsiklo.
Tinanggal niya ang helmet niya at nagpakilala sa amin. "Hi! I'm Timothy."
"O, 'ayan. May espiritista na tayo." Muwestra ni Marcus sa bagong dating.
"Tara na sa loob!" Anyaya ni Sky.
Sumang-ayon kaming lahat at pumasok na sa loob ng bakuran ng malaking bahay.
Pinagmasdan ko ang malaking bahay. May something talaga na nagpapatindig ng balahibo ko kapag tumitingin dito.
"'Wag na kayong tumuloy." Narinig kong bulong ng kung sino, boses lalaki ito. Bigla ring lumamig ang kaliwang bahagi ng aking katawan samantalang ang kanan naman ay ayos lang.
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may humawak sa kanang balikat ko. Sisigaw na sana ako nang...
"Ayos ka lang, Divine?" Si Spencer lang pala, siya ang nakahawak sa balikat ko. Itinikom ko na ang aking bibig at tumango sa kanya at ngumiti naman siya sa akin ng matamis.
Mahal ko siya pero inaantay ko lang na tanungin niya 'ko kung sasagutin ko na ba siya. Five months na rin siyang nanliligaw sa akin. Sa totoo lang, simula pa nung una kaming nagkakilala ay tinamaan na 'ko sa kanya.
"Tara na?" Untag ni Spencer sa akin sabay abot ng kamay niya.
Tumango ulit ako saka inabot ang kamay niyang nakalahad. Sabay na kaming pumasok sa loob ng malaking bahay.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Vote and Comment is Much Appreciated.
BINABASA MO ANG
Exemplum De Morte: Warning Of Death (COMPLETED)
HorreurBeing a teenager, ADVENTURE is all what we wanted and CURIOSITY in everything is eating us. Pero paano kung mapasobra ang ating pagiging mausisa sa lahat ng bagay? YOU CAN RUN BUT SHE WILL GO AFTER YOU. Enjoy reading.