2nd : Meet the Class President

346 12 2
                                    

Chapter Two [proofread]

Meet the Class President

~~~~

Great power comes with great responsibility. –Spiderman

~~~~

Mukhang alam na nga ng buong school ang mga pangyayari. Kanina bago kami umuwi ay kinausap muna kami ni Mrs.Burnne. Hindi nya naman kami pinagalitan dahil ang sabi nya naiintindihan nya daw kami. Hindi ko alam kung pano nya kami naiintindihan gayong wala naman sya doon ng mga panahong iyon. Baka pinipilit nya lang ang sarili nya na intindihin kami kahit hindi nya naman talaga alam ang lahat.

Pagkauwi ko ng bahay ay wala pa si mama. Workaholic kasi kaya palagi na syang late dumating. Mabuti na lang talaga at marunong na akong magluto kasi kung hindi, hindi ko kakayanin tipidin ang kakarampot na baon ko sa pang-araw araw. 

Nilapag ko muna sa sahig ang maliit kong bag. Umupo akong saglit para magpahinga. Nakakapagod talaga maglakad tapos yung bahay namin ay nasa 4th floor pa, isang maliit na kwarto na pang dalawang tao lang talaga. Sa isang paupahang building kasi kami nakatira eh nagkataon sa taas pa kami napunta.

Tumingin muna ako sa kisame ng bahay namin. Bakit ganun ? wala talaga akong maalala na taong nakilala ko na Daniel ang pangalan. Lalo lang gumulo ang nasa isipan ko ngayon. Tsaka ako nagdesisyon para kumilos na at magluto ng ulam ko,adobong manok. Tutal manok lang naman ang laman ng  ref namin, kaya no choice na ako. Gutom na gutom na talaga ako.

Habang naghahanda ako ng mga rekado eh naalala ko na naman si Uno. Dati, pinagluluto ko pa sya nito tapos sabay pa kaming kakain pero … ngayon wala na sya. Kung hindi lang sana nangyari iyon,kung buhay pa ngayon si Uno  edi sana pwede pa naming itama ang pagkakamali nya …

(Flashback)

“ Uno ! pagod na pagod na akong itama lahat ng bagay para sa’yo. Sawa na ako na magpakatanga sa’yo kaya pwede ba tigilan na natin ang kalokohang ito. “ tumutulo na ang luha sa mga mata ko habang naghihiwa ng mga rekado sa kusina pero sya, wala pa ring ekspresyon ang mukha nya.Nasa isang resort kami kung saan napagdesisyunan ng klase na magstay pagkatapos ng graduation para magsama-sama.Pero matagal ko naman ng napansin na wala naman na talaga syang pakialam sa akin simula palang ng una. Parang ginawa nya lang akong panakip-butas sa kanya pero ano ? diba hindi ko sya iniwan?

“ Next year, magkikita pa tayo sa Einstein pero don’t expect na magiging tulad pa rin tayo ng dati.” Unti-unti kong naramdaman ang pagdilim ng paningin ko. Hinawakan nya ako sa kamay pero …

(End of Flashback)

Sumakit ang ulo ko. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Basta ang alam ko lang eh pagkaraan ng ilang oras ay  natagpuan ko ng patay si Uno. Ang hirap talaga kapag tintandaan ang mga bagay na dapat ng kalimutan. Wala na akong magagawa, siguro nga hindi kami ang para sa isa’t isa.

~~~~

Papasok na naman ako sa school. Hindi ko na naabutan kagabi si mama,maaga na kasi akong nakatulog sa sobrang pagod. Pero ngayon di ko na papalagpasin ang pagkakataon para magtanong.

“Ma… “ paglapit ko sa kanya habang hinahanda ang baon kong kanin. Tumingin lang sya sakin bilang tugon.

“Kilala mo ba kung sino si Daniel? I mean, may naaalala ka bang kaklase ko dati na nagpupunta dito na may ganoong pangalan ? “ kumunot lang ang noo nya at bahagyang huminto sa paggawa. Muli syang tumingin sakin na para bang nagtataka.

Meet IV-Einstein (Whom Will You Trust?) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon