Bonus Chapter: Meet Someone

148 5 1
                                    

Bonus Chapter

Meet Someone

~~~

Tuwang tuwa ako nang makita ko sya. Mahal ko sya pero sa tingin ko wala na iyon ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nang yakapin ko sya. Andoon na ang pagkakataon para patayin sya pero hindi ko pa rin nagawa. May parte sa puso ko na nagsasabing mahal ko pa sya kahit paano.

Ngayong nagkita na kaming dalawa. Maitutuloy ko na lahat ng napag-usapan. Sa tingin ko naman ay sinimulan na nila ang mga plano namin. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman sa kanya ngayon. Alam kong mahal nya pa rin ako ngayon pero wala na iyong saysay sa mga ginawa nya sa akin noon.

Matapos naming magkita ay tinawagan ko na agad sya. “Magkita tayo sa dating lugar.” Matapos kong sabihin iyon ay hindi ko na sya sinagot pang muli. Binabaan ko na sya agad. Dali dali akong umalis.

“So nagkita na kayo ?Anong sabi nya?”tuloy tuloy nyang tanong sa akin habang hawak hawak ang isang baso ng kape. Umupo naman ako agad .”Nagkita na kami at sa tingin ko paniwalang paniwala na sya sa akin.” Tumango naman sya sa akin bago nya higupin ang kapeng iniinum nya. “ Lyk, gusto kong ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo. “

Napahinto sya sa pag-inum at inilapag ang baso sa mesang nakapagitan sa aming dalawa. Tumawa sya ng malakas.”Bakit ? Sa tingin mo ba titiwalag ako sayo ? Di ba sinabi ko gusto kong sumali ? Kapag sinabi ko sinabi ko. “napatingin na lang ako sa basong hawak nya. Tama sya, ano bang kinakatakot ko? Wala dapat akong ikatakot .Nasa panig ko ang lahat. Ngumiti akong muli at binalik ang tingin sa kanya.

“Kaya natin to. Dapat pagbayaran nya ang mga pagkakautang nya sa atin. “ hinawakan nya ang kamay ko. Bumitaw sya agad sa pagkakahawak sa kamay ko para inumin muli ang kape nya.

“Anong ginagawa nyong dalawa dito?” naagaw ng pansin namin ang taong nagsalita. Bumilis ang tibok ng puso ko. Paano kung mahalata nya ? Umayos ako ng pagkakaupo. “Nag-uusap lang kami.”

Alam kong hindi na sya gulat sa presensya ko dito,dahil matagal na din nyang alam. “ Pwede ba akong sumali sa usapan ninyo ?” tinuro ko ang upuan sa harapan nya. Umupo naman sya agad.

Tinignan naming mabuti ang isa’t isa. “So, may balak ba kayong sabihin sa akin kung ano ang plano?” wala akong tiwala sa taong to kahit na sabihin pa nilang mukha syang anghel o sya pa ang pinakamaamo sa kanilang lahat . Tinignan ko syang mabuti.”Pasensya ka na pero kailangan ko na talagang umalis. Baka sa susunod nating pagkikita...malaman mo rin. “tumayo ako at dali daling lumabas. Mas maganda nang umiwas kesa mag-imbento pa ako ng storya. Ayokong magsayang ng laway.

~~~

Pumasok na ako ng school. Masyadong maraming pangyayari ngayon sa eskwelahan na ito. Katulad pa rin ng dati. Nagkita kita na naman kaming lahat. Magkasama pa rin kaming dalawa. Medyo nandidiri ako sa ideyang hawak hawak ko ang kamay nya. Konting tiis pa…

Nagulat ako nang lumapit sya sa amin. “Kuya Uno.. bakit sumasama ka pa dyan sa babaeng yan? Hindi mo na rin ba naaalala? You almost died because of that girl ! “ halos hindi ko malaman ang sasabihin ko o ang mararamdaman ko.

Tuloy tuloy lang ako sa pag-arte para hindi nya mahalata ang mga kinikilos ko, ang mga plano ko. Matapos ang mahabang nakakatuliling na usapan ay nandito kami ngayon nakaupo sa isang tabi. Hindi ko alam kung titingin ba ako sa kanya. Naaawa rin ako sa kanya kahit paano. Nakakaawa ang isang mahinang katulad nya. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo o kung papaikutin ko lang din sya sa mga palad ko. Pero hindi na magiging masaya ang laro kung matatapos ito ng maaga. Kaya nagpasya ako na ipagpatuloy ang napag-usapan.

Pero bakit ganoon? Pakiramdam ko ako ang napaglalaruan dito ? Bakit parang lahat ng plano ko bumabaligtad sa planong sinabi ko sa kanila ? Hindi ko alam pero kutob ko lang ito.Sana mali ang kutob ko..sana….

~~~

-End

Next Chapter: Meet the GC

A u T h O r’ S n O t E

Nalilito ako sa ginagawa ko. Pagpasenysahan. Haha ! Sana nabigyan ko kayo ng clue kung sino sila. Follow me on twitter @HeyDaniee. Please vote/ fan/comment or whatever. More revelations to come ^_^ ! Until next time. Dahil nakapag-update pala ako ng morer than two times this week. I’ve decided to update the story next week Tuesday. Pahinga mode muna si Ateng !

Thanks ,

Daniee

Meet IV-Einstein (Whom Will You Trust?) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon