27th: It's Complicated

120 4 4
                                    

Chapter Twenty-seven

It's Complicated

~~~

Pinunasan ko agad ang luha sa mga mata ko at hinarap sya. PISTI to ! panira ng moment.

"Ano bang ginagawa mo dito?" inis kong tanong sa kanya. Napakunot naman ang noo nya. Kung hindi ko lang kilala kung sino gusto nito iisipin kong may gusto din sya kay Uno.

Ngumiti muna sya bago sumagot sa akin. "Binibisita si Uno. Bakit masama ba? "sira ata to eh. Nakita nang umiiyak ako. Magtatanong pa sya sa akin ng ganyan?

Sa sobrang inis ko ay hindi ko napigilan ang sarili ko na sagutin sya. "Baka nakakalimutan mo..may alam akong ayaw mong ipaalam sa iba."ako naman ang napangiti ngayon. Dahan dahan ay naglakad ako papalapit sa kanya. Pinagmamasdan ko lang ang reaksyon nya.

Nang makahakbang ako ay bigla kong naramdaman ang paghawak sa braso ko. Napalingon naman ako agad.

Nagtagpo ang titig namin sa isa't isa. Napako ang titig ko sa mga mata nya at ganun din sya. Hindi ko alam pero nanginginig ako. Nanghihina ako. Hawak nya lang ako sa braso pero ano to? Bakit ganito ang epekto nya sa akin? Napailing na lang ako.

Pagkatingin ko muli sa kanya ay nakatitig lang sya. Wala. Yun lang ang laki na ng epekto nya sa akin. Namamiwis na ang kamay ko. Siguro dahil lamang ito sa kaba? hindi. Alam ko may ibang dahilan. Alam ko pero ayokong maniwala.

"Baka matunaw kayo nyan."naalis ang tingin namin sa isa't isa ng biglang magsalita si Aileen. Napabitaw na si Uno sa braso ko.

Naglakad sya papalapit sa amin at hinila si Uno papalayo. Teka, ano pa bang ginagawa ko dito. Di ba dapat nagwalk out na ako?

Katulad ng nasa isip ko, diredretso na nga akong umalis palayo sa nakakainis na Uno na ito. Ano naman kayang kailangan nya kay Uno ngayon? Tsk. Bahala sila sa buhay nila. Magsama sila.

~~~

“Hello… Seven? Asan ka ngayon?”tanong ko sa kanya. Nakatayo ako sa labas ng mall at nag-aaya ng kung sino sino na lang. Kainis ! Pagkauwi ko kasi kanina ay agad akong naligo at nag-ayos at dahil sa badtrip ako. Nagpasya akong lumakad kahit saanman ako dalhin ng mga paa ko at heto na nga, nandito ako sa labas ng mall na ito.

“Wag mong sabihing pati ikaw may gagawin.”inis kong sabi. Lahat na lang ba ng tao sa mundo, palagng busy? Ginulo ko ang buhok ko sa inis. Letse ! Agad ko syang binabaan.

Sa sobrang inis ko ay pumasok ako mag-isa sa loob. Saan naman kaya ako pupunta aber? Napahinto ako pagkapasok ko. Boring talaga promise.

Tumalikod ako para lumabas pero nagdadalawang isip ako dahil hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta. Dahil nga sa matino akong mag-isip, wala akong ibang nagawa kundi ang lumabas ulit at sumakay ng taxi.

Lahat sila may ginagawa, ako lang ata ang wala eh. Pagkapasok ko sa taxi ay tinanong agad ako ni manong.”Saan po tayo ma’am?”

Iniwas ko ang tingin ko at sumagot.”Kahit saan. “walang kabuhay buhay kong sabi.

“Ang sungit nyo naman po.”this time napatingin ako sa kanya. Pagkatingin ko sa kanya ay nanlaki ang mga mata ko.

“What the… ! ANONG GINAGAWA MO DITO?!” sigaw ko sa kanya. Ano ba?! Kahit saan na lang ba ako magpunta andyan si Uno?

Nang akmang bubuksan ko na ang pinto ay hindi ko magawa. Walang hiya to ! nilock pa yung pinto. Ayan ! wala na akong ibang nagawa kundi ang umupo kasama ang ungas na ito. Mayaman na sya di ba? Bakit nagtataxi driver pa sya?

Meet IV-Einstein (Whom Will You Trust?) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon