4th: Meet my Bestfriend

305 11 5
  • Dedicated kay Jasper Edsel Lao
                                    

Chapter Four [proofread]

Meet my Bestfriend

~~~~

Mga bandang hapon ay umalis ako ng bahay para abangan ang paglabas ng mga kaklase ko. Dahil sa maaga nga akong nakauwi , hindi ko na napasukan ang ibang klase ko. Sakto namang palabas na ng school ang mga kaklase ko at sa kamalas malasan nga naman oh, si Rayne pa ang unang makakasalubong.

Nakakapit sya sa braso ni Marwin habang naglalakad papalapit sakin. Napailiing ako sa nakikita ko sa kanilang dalawa. Kapit na kapit sya sa braso ni Marwin na akala mo ay ayaw na nyang bitawan samantalang si Marwin naman ay busy na nakikipag-usap kay Meicy. Kung tutuusin mas bagay pa sila kaysa dyan sa malditang Rayne na yan.

“Nga pala,Daniel. Ikaw na ang gumawa lahat ng visuals sa report natin tutal wala ka naman kanina.Take it or Leave It . Bahala ka,basta kapag hindi mo nagawa hindi ka namin isasama sa grade ng groupings. “ halos mapanganga ako sa sinabi nya. Wala man lang konsiderasyon yung pagsasalita nya.

“Eh kayo? Anong gagawin nyo ? “ tanong ko sa kanya na mabilis nya namang sinagot.

“Kami magpapaliwanag ng visuals mo. Alam mo ang dami mo pang tanong eh no.Gawin mo na lang nauuna pa reklamo mo eh. “ Daming sinabi nagtatanong lang naman ako. Eto ayoko sa groupings eh kapag may mga taong masyadong nagmamarunong tapos hindi kayang hatiin ang gawain ng pantay pantay sa lahat. Sino ba namang matutuwa ? Nawala lang ako, ako na lahat gagawa. Ok lang sana kung iisa lang yung visual na gagawin eh kaso hindi eh, visual with s sa dulo ang gagawin ko para lang sa kanila.

Medyo kumalma ako ng makita ko ang siraulo kong kaibigan na nakabuntot pa rin hanggang ngayon sa grupo nila Summer. Sa sobrang inis ko ay lumapit ako sa kanya at hinila sya palayo kila Seven.

“B-bukas na lang ah. Ako ng bahala gumawa ng assignments nyo basta payagan nyo lang ako manligaw ah. Bye ! “ binatukan ko nga sya pagkatapos naming makalayo sa kanila. Topak talaga to, gagawin yung assignment ng iba payagan lang syang manligaw. Sa tingin nya naman O-oo yung mga yun? Pero kapag ako nagpapagawa ng assignment …  mas madami ang dahilan para hindi nya lang ako magawan.

“Baliw ka na talaga no ? Ang tanda tanda mo na, ganyan ka pa rin mag-isip. “ sinabi ko sa kanya habang nakalagay ang kamay ko sa dalawang bulsa ng pants ko.

“Ano ka ba ? Age doesn’t matter. Matanda na nga ako pero slight lang tsaka at least mukha pa din akong bata. Tsaka sabi nga nila lahat ng bagay makukuha mo kung pursigido ka. “ sagot nya sakin habang kinakapa ang likod ng ulo nya na binatukan ko.

“Shunga-ers ka rin eh no! Hindi pursigido ang tawag dyan sa ginagawa mo. Desperado ! Alam mo nakakadagdag bad trip ka lang eh. Uuwi  na nga lang ako, ililbre pa man din sana kita ng man inasal. “ minsan talaga galante ako lalo na pag nasa bad mood ako,manlilibre ako kahit walang dahilan. Pero sa oras na ito ayoko muna makipaglokohan sa kanya. Alam ko namang alam nyang ayokong niloloko ako lalo na pagseryoso ako, dun kasi lumalabas ang pagkabrutal ko,as in brutal talaga.

Habang naglalakad kami ay pumunta muna ako sa isang tindahan..

“Akala ko ba ililibre mo ako ng mang inasal? Bakit sa tindahan ka dumideretso? “ngumiti lang ako sa kanya. Lumalakas na rin ata ang topak ko. Bumili ako sa tindahan ng mang inasal yung tig pipiso. Short ang bulsa ko ngayon eh..

“Ano to? Alam mo ang gulo mo. Hay naku, pasalamat ka bestfriend kita kaya kahit pano may konsiderasyon ako. “ tumingin ako ng masama sa kanya habang kumakain ng mang inasal.

Meet IV-Einstein (Whom Will You Trust?) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon