18th: Meet the Witness

152 6 3
  • Dedicated kay Paolo Banog
                                    

Chapter Eighteen

Meet the Witness

~~~

Itong araw na ito ang pinakamasaya sa lahat (bukod sa araw na sinabihan ako ni Uno na mahal nya ako). Lahat kami ay natahimik sa sinabi ng principal sa amin. Heto kaming lahat nakaupo at nakikinig para sa mga susunod nya pang announcement.”Bilang isang principal,inaalala ko lang kayo pati na ang eskwelahan. Sad to say.. kailangan kong ipatigil ang tinatawag nyong DOA. “napanganga ako sa sinabi nya. Ipahinto ang DOA ? seryoso ba sya. Bukod sa balitang mapapalitan na sya ay mukhang mas magiging masaya ako kung matutuloy rin ang pagpapahinto sa larong iyon. “No ma’am! I object ! “sigaw ni Rayne. Napatingin kaming lahat sa kanya. “I’m sorry Ms.Rein pero hindi mo mababago ang iniisip ko. Pinag-usapan na namin ito ni Summer and to think na section one kayo ,you are supposed to be the role model,the cream of te crop. “so alam na rin pala ni Sum ang lahat pero wala man lang syang sinasabi sa amin? Err. Nakahinga ako ng maluwag sa mga narinig ko sa principal. Sayang dahil lilipat na sya ng school pero sana yung papalit sa kanya ay yung matino.

“No ! pero ma’am …”

“Will you please shut up Ms.Rein?! Tama na ang mga narinig ko sayo. Ayokong madawit ang pangalan ko kung saka sakaling may mapahamak sa inyo sa larong iyan. Tama na ang nangyari kay Mr.Cordova. “ Speaking of Uno.. nakuha nya ang atensyon ng lahat ng maglakad sya sa harapan papunta sa lugar ni Rayne. “Excuse me ma’am. May kailangan lang po kaming pag-usapan. “paalam ni Uno.”No. No one will leave the social hall. Mamaya nyo na yan pag-usapan. Mas mahalaga pa ba yan kesa dito ?”seryosong tanong ng principal pero hindi ito naging dahilan para hindi sumagot si Uno.”Yes ma’am. Mas mahalaga pa po ito kesa sa inyo.”sagot ni Uno. Walang nagbalak ni isa na sumabat dahil sa galit ng principal. “How dare you talk to me like that Mr.Cordova ?Wala kang galang! “sigaw ng principal. Buti na lang at puro mga Einstien lang ang nandito sa loob kundi malaking gulo ito panigurado.

Hindi na muling sumagot pa si Uno at hinila na lang palabas ng social hall si Rayne. Anong ginagawa ni Uno? Tsaka ano naman kayang mahalagang bagay ang pag-uusapan nila ? Mukhang may alam silang hindi ko alam. Tumayo ako at sumunod. Ininda ko ang pagsaway sa akin ng principal. Aalis na rin naman sya eh kaya wala na syang pakealam.

Tumakbo ako para habulin silang dalawa pero hindi ako nagtagumpay.  Sa huli ay napagod lang ako sa kakahabol sa wala. Napaupo ako sa bench. Napatingala ako ng biglang may tumapik sa likuran ko. “Bakit andito ka?”tanong ni Myk sa akin habang papaupo sa tabi ko.”Wala lang. Eh ikaw bakit wala ka doon sa social hall?”tanong ko sa kanya. Tama, hindi ko sya nakita kanina sa loob. “Walang kwenta naman sasabihin nun eh. Puro sermon na lang palagi.”sagot nya sa akin.

“Tungkol doon sa deal natin. Nagawa mo na ba?”tumingin sya sa akin. Seryosong seryoso sya ngayon. Tumango sya sa akin at nginitian ko naman sya. Pinagpapawisan ako sa sobrang kaba at excitement malaman kung anong nakuha nya. Napalunok ako nang magsimula na syang magsalita.

“Ayon doon sa birth certificate mo. Ang tunay mong pangalan ay Daniel Grugh Winters. Bukod doon wala naman na akong ibang napansin na kakaiba. Pareho lahat kaulad ng pinakita mo sa aking birth certificate na sinasabi mong bigay ng mama mo.”tumango ako. Kung ganoon, pangalan ko nga lang talaga ang binago sa akin pero bakit ?

“Gusto ko sanang malaman kung nalaman mo na rin ba yung isa ko pang pinapahanap sa iyo?”nanginginig ang kamay ko at basang basa na ito ng pawis. Tingin ko ay dala ito ng sobrag kaba na nararamdaman ko ngayon. “Ahh… at tungkol naman pala doon sa aksidenteng sinasabi mo noong bakasyon tingin ko ay totoo iyon.Nasa dyaryo pa nga iyon eh tsaka nagresearch na rin ako. Naaksidente ka nga.. pero ito ang kakaiba. “napahinto sya sa pagsasalita ng bigla akong hilahin ni Uno sa braso. Parang nagiging agresibo sya ngayon. Nakakatakot tignan ang mga itim nyang mata na nanalalaki sa galit. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Napatayo si Myk at pilit inaawat  si Uno pero wala syang magawa.

Meet IV-Einstein (Whom Will You Trust?) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon