19th: Meet the Nice Girl

134 5 3
  • Dedicated kay Aira Reyes
                                    

Chapter Nineteen

Meet the Nice Girl

~~~

“Anong nangyari dyan?”turo ni Meicy sa pasa malapit sa labi ko. Nakakainis ! Sa lahat ng pwedeng maiwanan ng pasa sa parte pa na makikita ng iba. Masakit pa rin ang buong katawan ko sa pagkakahampas sa akin ng magaling kong ina. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang sinabi nya sa akin kagabi.

“Alam mo ang lahat Daniel ! Wag ka nang magkunwari pa ! Ihinto mo na ang pag-arte mo na nakalimot ka ! Hindi ka nagka-amnesia sa aksidenteng iyon! “

Hindi totoo ang isa sa mga sinabi nya sa akin dahil kung totoo man iyon. Edi sana hindi ako nagpapakatanga para malaman ang lahat ng ito. “Hoy..”sita sa akin ni Meicy sapat na para alisin muna ang isipan ko sa gulong iniisip ko. “Huh? Ano bay un?”tanong ko sa kanya na may halong pagkairitable. “Sabi ko anong nangyari dyan?”sabay turo muli doon sa pasa ko sa may labi ko.Kinapa ko muna ito saglit bago sumagot.

“Ah ito ba.. kasi…nakipag-away ako kagabi.”really? Daniel?Mas mukhang tanong pa sya kesa sa sagot. Wala na akong ibang maisip na palusot kaya mas minabuti ko na lang na ito ang isagot. Tumango naman sya at hindi na muli pang nagtanong. Nakahinga naman ako ng maluwag.

Nakita kong maglakad papasok ng classroom si Uno. Nakasabit sa leeg nya ang earphone na palagi nyang ginagamit. Napangiti ako sa presensya nya pero inaalala ko pa rin kung anong sasabihin nya sa akin pagnakita nya ang pasang ito. “Goodmor…anong nangyari dyan?”agad syang napaupo sa tabi ko habang nakatingin mabuti sa pasa ko. Iniwas ko ang ulo ko para hindi na nya masyadong makita. “Wala ito. Ikaw? Hindi pa masyadong magaling yang mga pasa mo no. Umupo ka na sa upuan mo.”pagsaway ko sa kanya. Nakita ko ang malungkot na ekspresyon sa mga itim nyang mata. “Oo na po, nag-away kami ni mama,okay?”tumingin ako sa kanya. Wala pa rin syang iabng ginagawa at sinasabi. Nakatingin lang sya direkta sa akin.

“May dumi ba sa mukha ko?”pagkapa ko sa mukha ko,panigurado wala pero may pasa lang. Arghhh! Nakakainis talaga ! Umling lang sya. Tumayo sya at inilapag saglit ang bag nya sa upuan at bumalik sa tabi ko. “Anong pinag-awayan ninyo?”tanong nya sa akin habang nakapatong ang baba nya sa dalawa nyang kamay. Huminga muna ako nang malalim at kinuwento sa kanya kung anong nangyari sa amin kagabi. Matapos nyang marinig ang lahat ay umayos sya ng upo.Hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol doon sa sinabi sa akin ni mama tungkol sa pagkukunwari.”Wag mo na lang syang pansinin.”sagot nya sa akin. Ngumiti na lang ako sa sinabi nya. Di nagtagal ay dumating din ang adviser namin,si Mrs.Burnne.

“May importanteng announcement ang president ninyo.”napatingin ang lahat sa harapan kung nasan si Summer. “So guys, uhmmm..kailangan ko ang cooperation ng bawat isa. Okay lang ba na mang-ngolekta si Jv ng tig-lilimang piso sa inyo para sa kurtina ng room natin?”naghiyawan ang mga lalaki.”Hinde..bawal…Bawal..”inaasar nila si Summer. Nagtawanan naman silang lahat nang makitang mapikon pikon si Sum. Nagsimula naman mang-ngolekta si Jv hanggang sa makarating sya sa pwesto ko.”Limang piso.”tangi nyang sabi sa akin. “Pwede bang bukas na lang ?wala akong barya eh.”tanong ko sa kanya. Umiling sya, wala naman akong magagawa.Kinalabit ko si Jhun.”Jhun may lima ka ba dyan?”tumingin sya sa akin at umiling. “Ikaw Nam, pahiram naman ako ng lima.”sabi ko sa kanya. “Ayy.. napahiram ko na sa iba. Hindi mo agad sinabi.”sagot ni Nam sa akin.

Lagi na lang ganito. Naku ! “Uhmm, bukas na lang talaga. Tinatamad akong kunin yung wallet ko eh.”tumango na lang si Jv at nagpatuloy maningil sa iba. “Daniel..”napalingon naman ako agad kay Meicy na tumawag sa atensyon ko. Umalis saglit si ma’am sa room kaya nagsimula na naman ang ingay sa loob ng classroom.

Meet IV-Einstein (Whom Will You Trust?) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon