17th: Meet the Guy with the Name Plate

144 7 1
  • Dedicated kay Lorinz Rosales
                                    

Chapter Seventeen

Meet the Guy with the Name Plate

~~~

“A-anong nawawala si Uno?! Niloloko mo ba ako? Alex… sabihin mo nga kay Lawrence na hindi nawawala si Uno! “pagpupumilit ko kay Lawrence na walang ibang magawa kundi ang yumuko at makinig sa sigaw ko. Lumapit naman agad si Alex at hinawakan ang kamay ko pampakalma.

“Daniel.. easy ka lang. Magpahinga ka na muna. Tsaka na natin ito pag-usapan kapag okay ka na. “mahinahon nyang paliwanag sa akin. Bumitiw ako sa kamay nya. Bakit ba hindi nila ako maintindihan? Hindi nawawala si Uno. Imposible. Niloloko lang nila ako dahil panigurado ako ang napili..ako ang susunod na biktima.

Bumalik ako sa pagkakahiga at tumalikod sa kanila. Ayoko silang makita. Mga manloloko. Pare-pareho lang naman sila eh. Kunwari pa silang nag-aalala sa akin pero deep inside alam kong kaplastikan lang nila iyon.

“Pabayaan mo na sya. Kung ayaw nyang makinig sa atin. Humanap na lang sya ng ibang magpapaliwanag sa kanya. “sigaw ni Lawrence. Tumulo ang mga luha sa mata ko. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak, dahil kung totoo man na nawawala si Uno. Wala akong ibang alam na lugar na maari nyang puntahan. Tsaka bakit naman sya mawawala?

Narinig ko ang pagsarado ng pinto. Hindi na sila nagpaalam sa akin. Oo alam ko masyado akong naging harsh sa pagsasalita sa kanila pero anong magagawa ko? Hindi ako naniniwala sa sinasabi nila sa akin. Napakaimposible lang talaga mangyari.

Napabangon ako nang marinig kong bumukas ang pinto. Pagkabangon ko ay napatingin agad ako sa pinto. Wala namang tao. Pahiga na sana ako nang biglang may magsalita. “ Daniel…” isang lalaking nakasuot sa puting damit ang lumapit sa akin. Tama, sya ang doktor na nagbabantay sa akin dati, si Dr. Reyes.

“Kamusta ka na ngayon? Ayos na ba ang pakiramdam mo?” lumapit sya sa akin. Hawak hawak ang isang makapal na papel. Tumango na lang ako, wala ako sa mood para sumagot. “Doc, gaano na po ba ako katagal dito?”ngumiti lang sya sa akin.”Wag kang mag-alala. Pangalawang araw mo pa lang dito. Masyado ka lang depress at pagod kaya nangyari ito sayo. Siguro sa susunod na araw ay makakalabas ka na. “ palabas na sana sya nang muli ko syang tinawag. “Doc, pwede po ba tayong mag-usap tungkol sa nangyari sa akin… tungkol po doon sa aksidente nung bakasyon.”tumingin ako sa kanya. Nanatili pa rin ang mga ngiti sa kanyang labi.

~~~

Katulad ng sinabi sa akin ni doc. Pwede na akong lumabas ngayon. Inayos ko na ang sarili ko at handa nang lumabas nang biglang pumasok si Lawrence. “Ano Daniel ? ayos ka na ba ?” pagtapik nya sa balikat ko. “Oo na.”naiirita pa rin ako sa kanya kahit na sabihin pa nating silang dalawa lang ni Alex ang bumibisita sa akin dito. Napapaisip na nga ako minsan kung sila na ba o hindi.

“Tungkol pala doon kay Uno… totoo talaga iyon?”tanong ko sa kanya. Tumango sya at inalalayan ako palabas ng pinto. “Ano ng nangyari ngayon? Nahanap nyo na ba sya? “ Tumingin sya sa akin na para bang namatayan sya. Napakunot ang noo ko.”Nakita na si Uno.”nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang mga sinabi nya.”Pero…. kasi… nandito rin sya sa ospital na ito. “nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Akala ko ay ayos na ang lahat pero nagkamali ako. Agad kong tinanong sa kanya kung anong room number at tinakbo ko ito agad.

Pagkabukas ng pintuan ay nakita ko syang nakahimlay sa kama nya. Tahimik ang buong kwarto at ang tangi mo lang maririnig ay ang paghingal ko. Lumapit ako agad sa kanya at umupo sa tabi nya malapit sa kama nya. Hinawakan ko ang kamay nya at pinisil ito ng mahigpit. “Uno…”tangi kong nasabi.

Meet IV-Einstein (Whom Will You Trust?) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon