22nd: From the Top

109 8 2
                                    

Thanks to AileenSeokyu para sa new cover >>>

Chapter Twenty-two

From the Top

~~~

Running is the best way I know for me to escape everything. Right now, blanko ang utak ko sa kung anong dapat kong isipin o gawin. Yung natuklasan ko kay Summer hanggang sa iba pa namin kaklase and to think ang layo na ng nalakbay ko malaman ko lang ang lahat, hindi ko na ito pwede pang takbuhan pa.

“May hindi ka pa sinasabi sa akin.”tanong ko kay Uno. Well para malinawan kayo. Matapos ang pag-uusap namin ni Rayne ay hindi ko na sya sinagot pa at minabuti ko na lang hanapin si Uno. After all ,sya pa rin naman ang punotdulo ng lahat ng ito.

 Ginagawa ko ito hindi lamang para sa sarili ko kundi para rin sa kanya.

“Hey, baka ikaw ang may dapat sabihin sa akin.”humarap sya sa akin at sumandal sa pader.

“I don’t know. As far as I know, ikaw ang nakakaalam ng lahat. “ wow. Hindi ko alam na kaya ko palang maging matapang. Napakunot ang noo ni Uno pero pumorma rin ng ngiti ang kanyang mga labi.

“Really ? Bakit hindi natin balikan ang pinagsimulan ng lahat?” napangiti ako sa sinabi nya.

“Not here. Mamaya. Same time,same place. “tumango sya at naglakad palayo sa akin.

Nakakapanibago lang ang samahan namin ngayon. Ang lamig namin sa isa’t isa.Siguro tanggap ko na. Tanggap ko na , na hindi na nya ako mahal pero hindi ko kailanman kayang kalimutan ang ginawa nya sa akin.

~~~

Natapos ang klase namin at nagsiuwian na ang lahat. Dumiretso na ako agad sa lugar na napag-usapan namin at hinintay syang dumating. Ilang saglit pa ay naglakad na sya papasok papunta sa kinauupuan ko.

“Sigurado ka bang gusto mo na ngayon natin ito pag-usapan?”paglilinaw nya sa akin habang nakapatong ang baba nya sa dalawa nyang kamay. Ngumiti ako at tumango naman sa kanya.

“ You know what, ang tapang mo. “huminga ako ng malalim. Iniiba pa nya ang usapan as if naman na may pupuntahan ang topic na yan.

“So from the top ?”tanong ko sa kanya at sumandal sya ng maayos sa upuan nya. Umorder muna kami ng coffe at cake bago magsimulang mag-usap.

“Tell me, what do you remember from the past?”tanong sa akin ni Uno. Ano bang dapat kong isagot sa kanya? Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko pa ba sya matapos ng lahat ng natuklasan ko pero still dapat kong tapusin ang nasimulan ko.

“Ikaw at ako, nag-aaway lang tayo kasi pinagpalit mo ako. T-tapos.. “napahinto ako at napalunok. “nasaksak daw kita.”mahina kong sabi. Ayokong may ibang makarinig sa pinag-uusapan namin ngayon. Mamaya ano pang isipin nila sa akin.

Seryoso lang naman nakatingin sa akin si Uno. Tumingin ako sa mga mata nya na direktang nakatingin sa akin. Nakakailang lang dahil pakiramdam ko hindi ako makagalaw at makahinga sa titig nya sa akin.

“I see.”

“Anong I see? Di ba dapat nililinaw mo na sakin ang lahat ngayon?”

“Uhmmm..right. So ano pa bang gusto mong malaman ?”napairap ako sa kanya. Nasisiraan na ba sya? Anong gusto ko malaman? Marahil lahat kaya nga kami nag-uusap ngayon.

Meet IV-Einstein (Whom Will You Trust?) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon