13th: Meet the Murdered Guy

167 7 3
                                    

Chapter Thirteen

Meet the Murdered Guy

~~~

“Sorry….A-akala ko kasi ikaw si…”Napayuko ako sa sobrang hiya sa kanya. Hindi pala si Uno ang lalaking kasama nya. Nakahinga ako ng maluwag sa ideyang hindi siya si Uno pero bumigat din ang pakiramdam ko sa sobrang hiya sa ginawa ko.

“Don’t mind her Jasril. Okay lang yan. “sabi ni Seven habang papalapit sa kanya. Muli syang kumapit sa mga braso nito at patuloy silang naglakad. Kung hindi ako nagkakamali si Jasril ay nasa section two, Mendel. Naiwan akong mag-isang nakatayo doon.

Naramdaman kong pumatak sa pisingi ko ang ulan. Napatingala ako at dinama ang bawat patak ng ulang bumabagsak mula sa langit. Napangiti ako . Naaalala ko pa noon. Kami ni Uno.

“Uno ! Ang bagal mo naman maglakad ! “ sigaw ko sa kanya. Sobrang lakas na ng ulan pero parang wala lang ito sa kanya. Tumakbo ako papalapit sa kanya. Hindi kasi nagdadala ng payong eh.

“Oh ! ikaw maghawak. Baka magkasakit ka pa nyan eh. “sabi ko sa kanya sabay abot ng payong. Pumorma ng ngiti ang mga labi nya habang nakatingin sya sa akin dahilan para mapangiti din ako. “ Mahal kita…”

Napahinto ako sa paglalakad matapos kong marinig iyon. Matapos ang matagal na panahon,ito ang unang beses na sya ang mismong nagsabi sa akin ng mga salitang iyon. Patulo na ang mga luha sa mata ko pero agad koi tong pinunasan. “Sira ka talaga. Halika na nga.”hinampas ko sya sa may braso nya, hindi naman kalakasan.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Kahit basang basa na kami dahil sa lakas ng hangin at ulan ay hindi pa rin kami huminto sa paglalakad. Wala riing kwenta tong payong na ito,nababasa pa rin kami. Pero kahit na basang basa pa kami ay wala akong pakealam basta andito sya sa tabi ko. Masaya na ako.

Pero dati pa iyon… bago mangyari ang lahat ng bagay na hindi dapat mangyari. Huli na, hindi ko na maibabalik pa ang mga bagay na wala na. Pinikit ko ang mata ko. Wala namang masyadong tao sa paligid kaya okay lang kahit magmukha akong tanga sa ginagawa ko. Miss na miss ko lang talaga sya pati ang mga bagay na ginagawa namin noon.

Napadilat ako nang maramdaman kong biglang huminto ang pagpatak ng ulan. Napansin kong may nagpapayong  na pala sa akin. Tumingin ako mula sa may hawak ng payong …Niyakap ko ang sarili ko sa sobrang lamig dulot ng pagkakabasa ko sa ulan. Pero mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayap ko sa sarili ng makita ko kung sino ang taong nagpapayong sa akin.

Niyakap nya ako. Niyakap nya ako na para bang wala nang bukas sa sobrang higpit. Tuloy tuloy na umagos ang luha mula sa mga mata ko.Hindi ko mapigilan. Totoo ba itong nakikita ko o bunga lang ito ng imahinasyon ko? Pinikit ko muli ang mata ko at muli itong dinilat. Totoo ang lahat ng ito. Hindi ako nagkakamali sya nga…sya nga si Uno….

“Bakit nagpapaulan ka? Sige ka baka magkasakit ka nyan.” Bumitaw sya sa pagkakayakap nya sa akin. Umuulan pa rin kasabay ng pagpatak ng luha sa mga mata ko. Sa mga oras na ito ay hindi ko maipaliwanag ang saying nararamdaman ko. Niyakap ko syang muli.

“Ikaw na ba talaga iyan Uno? Nanaginip lang ba ako? “Niyakap nya rin ako. Tinignan ko mabuti ang paligid namin. Konti lang naman ang tao at walang masyadong dumadaan sa daanan na ito dahil puro bakanteng lote at gusali lamang ang nandidito.

“Pasensya ka na ah kung ngayon ko lang pinaalam sa’yo. Gusto ko muna kasing mapag-isa at mag-isip isip bago ako bumalik doon sa eskwelahang iyon at dahil na rin sa ayoko nang mangyari pa ang mga nangyari noon.” So totoo na talaga ito.Hanggang ngayon ay nakayakap pa rin ako sa kanya. Ito ba ang pinapahiwatig ng lahat ng panaginip ko? Na magkikita kaming muli ? pero napabitaw ako sa pagkakayakap ng maalala ko yung pinakahuling pangyayari na nakita ko sya.

Meet IV-Einstein (Whom Will You Trust?) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon