26th: Master of Confusion

123 5 0
                                    

Dedicated to CuteGClef dahil sa mga personal comments mo sakin ay medyo natutuwa akong ipagpatuloy ang kwento ko. Yiiiieee ^_^

~~~

Chapter Twenty-six

Master of Confusion

~~~

Hindi ako makapikit.

Hindi ako makahinga.

Hindi ko alam ang gagawin.

Nakahawak pa rin ng mahigpit si Uno sa kamay ko. Ano nga bang pinag-uusapan namin?

Tama…tungkol sa kapatid nya, sa kaagaw ko sa kanya..si Lyk. Hinihintay ko ang mga susunod pang sasabihin ni Uno. Nakapako ang tingin namin ni Seven sa kanya. Bakit ba padalos dalos pa sya magsalita? Bakit hindi nya na lang kami diretsuhin?

“Ano na kuya? “napawi ang katahimikan namin ng biglang magsalita si Seven. Napatingin kami sa kanya. Ngumiti naman si Uno sa kanya at tumawa.

“Gusto mo na talaga syang makilala eh no?”muli ay nagkatinginan pa kami muli ni Seven. Naiinis na sya. Maski ako pero kailangan kong magpasensya. Gusto ko malaman kung magsasabi sya ng totoo. Kahit ngayon lang.

Sa totoo lang alam ko naman na ang totoo.. nalaman ko ang lahat kay Myk (Meet the Witness). Sa kanya ko nalaman ang mga bagay bagay na tinatago sa akin ni Uno. Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang magsalita si Seven.

“Alam mo nakakainis ka na! Tingin mo ba hindi awkward tong scene na ito? Ikaw na kuya-kuyahan ko, EX ko tapos nandito pa itong walang kwentang girlfriend mo.”

“Excuse me.. hindi pa kami.”singgit ko. Napatingin naman sa akin si Uno.

*ehem

“Ano ba? Mag-aaway pa ba tayo ? hindi ka ba makapaghintay Seven. Hinahanap ko lang ang mga tamang salita para simulan ko ang sasabihin ko. “mahinahong sabi ni Uno. Napatayo naman si Seven sa kinauupuan nya.

“TAMANG SALITA YOUR FACE! Ewan ko sayo! Ang dami mo pangcommercial hindi mo na lang sabihin kung sino pa si Lyk. Bahala na nga kayo dyan! “galit na sabi ni Seven at dire-diretso syang lumabas ng bahay.

I admit it. Ang galing nyang umarte. Napangiti ako pero agad iyong nawala ng biglang ibato ni Uno ang isang vase mula sa cabinet at paulit ulit sumisigaw.

“Bwiset ! “sigaw nya saka pinagtatadyakan at pinagsusuntok ang pader. Gusto kong lumapit para pigilin sya at pakalmahin sya pero hindi ko magawa. Nanatiling nakadikit ang paa ko sa kinatatayuan ko. Nakakatakot sya.

“Bakit ba hindi ko masabi na sya si Lyk?! BAKIT ?! “sigaw pa nya. Napakunot ang noo ko. Anong ibig nyang sabihin? Akala ko ba hindi si…Seven si Lyk ? pero bakit sa tono nya parang galit sya na hindi nya nasabi.

Napahinto sya sa hindi ko malamang dahilan. Nakatingin lang sya sa akin. Napalunok ako sa mga matatalim na titig nya sa akin. Dahan dahan ay naglakad sya papalapit sa akin. Natuon ang pansin ko sa namumula nyang mukha, magulo nyang buhok at dumudugo nyang kamay.

Nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang pisngi ko.”Wag ka nang umiyak..”pinunasan nya ang mga luhang halos hindi ko na namalayang tumutulo na pala sa mga mata ko. Agad naman nya akong niyakap ng mahigpit. “Sorry.”

Hindi ko alam kung para saan ang sorry na iyon. Para ba iyon sa mga kasalanan nya o para sa nangyari ngayon.

Bumitaw agad sya sa pagkakayakap at tinitigan lamang nya ang ako. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil sa hiya,takot at kabang nararamdaman ko.

Meet IV-Einstein (Whom Will You Trust?) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon