11th: Meet the Emotional Lover

206 8 8
  • Dedicated kay Bobby Asuncion Jr.
                                    

Chapter Eleven

Meet the Emotional Lover

~~~

Umabsent ako sa school for one week. Feeling ko ay natrauma ako sa nangyari sa akin noong nakaraang linggo. Halos ilang araw din akong nagkulong dito sa loob ng bahay. Takot na takot na rin ako sa mga clown minsan kapag nakakakita ako nito lalo na sa mga birthday parties. Pakiramdam ko ay hindi ako mamatay sa kakatawa sa mga payaso kundi mamamatay ako sa takot.

Hanggang ngayon ay naluluha pa rin ako sa takot na makita ko muli ang itsura ng nakamaskarang iyon. Pinaliwanag ko kay mama ang lahat pero nagsinungaling ako. Hindi ko sinabi ang mga totoong pangyayari. Ayoko lang talaga na mag-alala sya sa akin.

Bumalik ako sa realidad ng biglang may kumatok sa may pintuan. Nagmadali naman akong buksan ito. Pero pagkabukas ko ay walang tao. Sinarado ko muli ang pinto. Muli ay may biglang kumatok sa pintuan. Nagdadalawang isip ako kung muli koi tong bubuksan. Pakiramdam ko ay kahit ano man oras ay maari nang tumalon ang puso ko palabas ng dibdib ko. Dahan dahan ay pinihit ko ang door knob at binuksan ito unti-unti.

“Hay … ikaw lang pala yan eh. Tinakot mo naman ako Liam. “ nakalimutan kong sabihin sa inyo na Liam Brine talaga ang tunay na pangalan ni Thed. Gusto ko kasi yung pangalang Thed tapos nagkataon ayaw nya noon kaya simula noon ay palagi ko na syang tinatawag sa pangalang iyon.

“Ash, tulungan mo naman ako oh, si Nam kasi eh.” Mukhang alam ko na kung anong sasabihin nito ah. “Si Nam kasi hindi ka pinapansin.” Mahinhin kong sinabi sa kanya. Matagal ko nang alam na may gusto sya kay Nam. Pinaupo ko naman sya agad at naghanda ng makakain namin.

Pagkatapos kong makapaghanda ay binitbit ko na ito papasok sa loob at nasimula kaming kumain. “Hulaan ko, sinabi nya sa iyo na naiilang sya.”tumango sya sa sinabi ko.”at kung pwede ay huminto ka na lang sa panliligaw mo. Tama ba ?” tumango ulit sya. Huminga muna ako ng malalim bago muling magsalita. Napahinto na rin sya sa pagkain at napatingin na lamang sa akin ng may hiya sa mga mata nya.

“So susuko ka na nyan ?”umiling sya sa akin. Ano ba naman tong kausap ko parang napipi. Tango at iling lang ang alam gawin. “Sabi nya naman na kung kakayanin ko pa daw maghintay ay pwede.”akala ko susuko na sya pero katulad ng pagkakakilala ko sa kanya.”Paano kung tuluyan syang lumayo sa iyo ?”

“ Bahala na . Push lang daw eh. “ grabe din talaga mag-isip itong si Thed,este si Liam. Minsan talaga hindi alam ng tao ang tamang panahon ng pagsuko kaya kung minsan kahit alam nila ang maaaring mangyari ipinagpapatuloy pa rin nila ito kahit magmukha silang tanga. Yun lang ang ayaw ko sa love, ang gagawin kang tanga. Kahit na hindi mo deserve.

Hindi ko na muli pang dinugtungan ang sagot nyang iyon. Ayoko namang magmukhang nega sa kanya. Matapos ang pag-uusap namin ay napuno ng katahimikan ang buong kwarto. Tinitignan ko sya pero iniiwas ko rin ang tingin ko kapag titingin sya. Mukha lang kaming tanga dalawa pero okay lang. Kumportable naman ako sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pero hindi rin ako nakatiis at binasag ko ito.

“ Thed –este -Liam … wag mong mamasamain ah. Kasi ..paano ba ito? Uhmm, paano kung nalaman mong may iba pang may gusto kay Nam?” medyo kinakabahan ako itanong iyon sa kanya dahil ayaw ko naman na panghinaan sya ng loob at sumuko na lang . Kaya ko lang naman naitanong ito kasi alam nyo na, iba iba ang takbo ng utak ng ibang lalaki. May iba makikipagsabayan samantalang yung iba susuko na lang basta basta.

Tinignan ko syang mabuti. Pinagmasdan ko ang reaksyon nya sa sinabi ko. Ngumiti sya sa akin. “ Hindi dahilan yun para sumuko ako sa kanya. Minsan lang ako magkaganito at hindi ko na ito pakakawalan pa. “ Tama sya, kung ganito lang din sana sa akin noon si Uno edi sana walang problema. Edi sana kami pa at hindi hahantong ang lahat sa ganito…

Meet IV-Einstein (Whom Will You Trust?) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon