21st: Meet Apollo

133 6 4
  • Dedicated kay Jv Bardolasa
                                    

Chapter Twenty- One

Meet Apollo

~~~

Sa sitwasyon ko ngayon hindi ko alam kung anong dapat kong isipin sa mga oras na ito. Halos halo halo ang mga salitang pumapasok sa isipan ko. Halos gusto ko ng bumalik sa pinakasimula at ulitin ang lahat ng ito. Kung pwede lang sana…

Kung pwede lang sana ibalik ang lahat sa pinakasimula, kung pwede lang sana bumalik sa pinag-ugatan ng lahat edi sana kaya kong itama lahat ng ito. Kaya kong ibalik sa ayos ang lahat.

Hindi naman masama mangarap di ba?

Hindi masamang mangarap ng isang bagay kahit minsan man lang. Mangarap na nasaayos ang lahat. Sa totoo lang habang pinag-iisipan ko ito ng mabuti bumabalik sa akin ang lahat. Lahat lahat. Hindi ko alam kung paano koi to sasabihin pero sa tingin ko may mga bagay talaga na nakalaang sabihin sa isang takdang panahon. Nagkataon na ang bagay na tinutukoy ko ay hindi ko pa dapat sabihin ngayon.

Isang malamig na kamay ang gumising sa akin mula sa malalim na pag-iisip ko. Halos hindi ko man lang namalayan ang oras. Matagal na rin pala akong nakaupo dito mula noong tawagin nya ako sa isang pangalang hindi naman ako ang may-ari.

“Pasensya ka na kanina. Wala lang ako sa sarili ko eh parang kamukha mo kasi ..”bago pa man matapos ni Jv ang sasabihin nya ay nagsalita na ako.

“Una sa lahat., hindi ako si Lyk. Pangalawa, wag na wag mong sabihing kamukha ko sya. Pangatlo, wag kang magbabalak na tawagin pa ako sa pangalang iyon kung hindi ay… baka hindi ko alam ang gagawin ko sayo."napaiwas sya ng tingin sa akin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko para sabihin ko iyon sa kanya. Siguro ay sa ideyang ayoko lang talaga sa pangalang Lyk.Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagsimula ng maglakad palayo sa kanya.

“Daniel…sandali.”sigaw nya sa akin pero hindi ako huminto sa paglalakad. Pagod na ako at gusto ko na lang pumunta sa susunod naming klase. Ayaw kong pasakitin ang ulo ko sa isang bagay na alam ko na maiinis lang ako. Sa totoo lang hindi naman na talaga ako nagulat na kilala nya si Lyk pero hindi ko naman akalain na tatawagin nya ako sa pangalang iyon. Ayoko lang talaga.

Bago pa man ako makahabang ay humarang na sya sa daanan ko. Tinignan ko lang sya mabuti para tignan ang susunod nya pang gagawin. “Alam ko na ang lahat. “ napataas ang isa kong kilay. Anong pinagsasabi nito ? Wala na naman ba sya sa sarili nya? Unti unti ay naiirita na ako sa kanya pero siguro mas gugustuhin ko naman na sya ang kasama ko kesa kay Uno.

“Ano bang pinagsasabi mo? “napairap na lang ako at tuloy tuloy na naglakad. Binangga ko na lang sya at hindi na muling tinignan pa. Narinig ko naman ang boses ni Marwin sa di kalayuan. “Jv.. halika na. Akala ko ba si Ansel type mo?”napangiti ako ng konti sa narinig ko. Heto na naman sila sa walang kamatayang asaran. Hindi ko na alam ang mga sumunod pang nangyari sa pagitan nila pero panigurado naghaharutan na naman ang dalawang iyon. Napaisip tuloy ako sa sinabi sa akin ni Meicy. Mahal daw nya si Marwin.Nasabi na kaya nya sa kanya siguro oo kasi palagi ko silang nakikitang magkasama.

Palapit na ako sa classroom namin para sa next subj. Nandoon na rin ang iba sa loob pero kapansin pansin ang katahimikan nila. Ano na naman kayang kababalaghan ang mangyayari ngayon ? Umupo ako agad sa upuan ko at inilapag ang bag sa sahig sa harapan ko. Tinignan ko mabuti ang itsura ng bawat isa. Para bang namatayan sila , napailing na lang ako.

Napatingin ako kay Summer na nakatayo sa harapan habang nakatingin sa sahig. Nakakainis na. Ano bang nangyayari at para bang ako lang hindi nakakaalam. “Ehem..may isa ba sa inyo na gustong magsalita para ipaliwanag sa akin kung bakit ganyang ang mga itsura ninyo.”galit kong sigaw sa kanila. Lahat naman sila ay napatingin sa akin na para bang walang buhay ang kanilang mga mata. Lalo lang nakakainis ang mga pagmumukha nila. Nang akmang magsasalita na ako ay nagsimulang magsalita si Summer.

Meet IV-Einstein (Whom Will You Trust?) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon