Bonus Chapter: Meet Someone

196 8 6
                                    

Extra Chapter

Meet Someone

~~~

This chapter is dedicated to BeaOllete, MissShiShi, LOveLOvingYOu ,AileenSeokyu and OhMyLala. Tiyaga tiyaga tumingin sa wattpad kung may update na ako. Hahahaha ! Sana next time wag nyo naman akong awayin kung late ako mag-update. Thanks din sa pagvote and comment. Im inspired by you guys.

~~~

Someone’s POV

Maaga akong gumising sa araw na ito para makipagkita sa kanila. Hindi ko naman iniisip na pupunta silang lahat dahil yung iba sa kanila hindi naman binibigyang importansya ang pagkikita kitang ito. Kung tutuusin ayaw ko din naman talaga pero dahil sa mga pangyayari sa mga lumipas na araw ay palala ng palala ang plano pero sa tingin ko ay hindi pa rin naman nya nahahalata kung ano ito.

Papalapit na ako sa napag-usapang lugar. Isang lugar na kami kami lang ang nakakaalam. Katulad ng inaasahan hindi lahat dumalo. Bilang lang sa daliri ang mga nagpunta pero hindi ko na kasalanan kung maguluhan sila sa mga susunod na plano. Kung ayaw nila sumali edi isasama ko na lang sila sa kanya. Tutal katulad din naman nila sya, walang kwenta.

Nakakapagod din pala ang ginagawa kong ito. Ang magpakalat at magkwento ng isang bagay na hindi naman talaga totoo. Uto uto naman kasi sya eh , idamay na natin sila. Mga inutil.. na walang kaalam alam sa mga pangyayari.

Akala siguro nya ay ganoon talaga ang nangyari sa akin kaya gumawa din sya ng plano. Too bad, mas matalino ako mag-isip sa kanya.

Lumapit ako sa kanila at pumasok na kami sa loob ng secret meeting place namin. Isa isa ko silang kinausap. Umupo muna kami sa sofa tsaka sinimulan ang pagpupulong tungkol sa dapat gawin para sa mga susunod pang araw.

“Katulad pa rin ng dati. Ipagpatuloy nyo lang ang ginagawa ninyong panlilito. Mas nakakatuwang tignan ang mga taong walang kamalay malay sa mga pangyayari sa paligid nila. Hindi ba’t nakakatuwa silang panuorin mahilo at malito sa kung anong totoo?” bakas sa mukha ng bawat isa ang uhaw sa kasiyahan. Kasiyahang makita ang taong iyon na naghihirap at nagmumukhang tanga.

“Hanggang kalian ba natin ito gagawin? “ tanong nya sa akin. Tinitigan ko sya mata sa mata. “Hanggang sa mapagod tayong paglaruan sya pati na rin ang iba.” Sya lang naman kasi talaga ang habol ko dito. Wala na akong pakialam sa ibang tao pero mas sumasaya ang laro kapag maraming biktima..kung maraming nagmumukhang tanga..

“Eh paano kung may isang tumiwalag sa atin ? Paano tayo makakasiguradong walang magtataksil sa dami ng bilang nating ito. “ may punto sya sa sinabi nya pero naitanong ko na iyan sa sarili ko bago ko pa simulan ang planong ito. Ngumiti ako sa kanya,isang ngiting nagpapakita kung gaano ako katiwala sa isasagot ko. “Simple lang iyan.. edi kasama na sila sa laruan natin. Alam kong alam nyo kung sino ang talo kapag nakipaglaban sila sa atin. Oo madami sila pero hindi naman nila tayo kaya. Tandaan nyo iyan. Mahihina sila .”

Apat lang kaming dumating ngayon pero mukhang may humahabol pang isa. “Sorry I’m late. Kailangan ko pa bang magduck walk?”sarkastikong sabi nya. Kahit kalian talaga sya ang malaoko sa aming lahat. “Hindi na kailangan. Ano kamusta ang inutos ko sa iyo ? nagawa mo ba ?” tumango sya sa akin at ikuwento ang napag-usapan nilang dalawa. Hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon ay ganoon pa rin sya kahina. Akala ko ay mas matatag pa sya sa akin pero heto sya ngayon nagmummukhang tanga sa mga pinaggagagawa nya.

“Kamusta naman sya?”

“Ayun, buhay pa. Kailan kaya mamamatay ang loko?” nangiti kaming lahat sa tanong nyang iyon.

“Huwag kang mag-alala. Malapit na. Palyado lang noong una pero ngayon sisiguraduhin ko na. Hindi nya kilala kung sinong kinalaban nya. “ Pagkatapos noon ay sinabi ko na sa kanila ang gagawin ng bawat isa para maipagpatuloy ang napag-usapang plano. Tahimik ang lahat at nakinig sa mga sinasabi ko..

"Sa pagkakataong ito, gusto kong mas lalo silang maguluhan sa lahat ng pangyayari. Gusto kong magalit pa sila sa kanya. Yung tipong gusto na nila syang patayin sa sobrang galit. "seyoso kong sinabi ito sa kanila. Gusto ko pang patagalin ang larong ito kung tutuusin pero ayoko naman na kapag natapos ito ay huhusgahan pati na rin ang section namin. Alam ko naman na hindi lang pangalan ko o ang pangalan nya lang ang maalala.

Kasalanan ng isa kasalanan ng lahat. Pangalan ng section namin ang nakasalalay sa larong ito. Kaya kahit gusto ko syang patayin ay hindi maaari. Kahit paano ay section one pa rin kami at hindi ata magandang pakinggan na nagkakapatayan sa section namin kahit na iyon pa ang gusto kong mangyari.

Kaya hangga't gusto ko ay paglalaruan ko sya pati na sila....

"Masyado ka naming  seryoso sa iniisip mo. Oh eto na nga pala yung maskarang pinaggamit mo sa akin noong isang linggo. " iniabot nya sa akin ang masakara. Napatitig akong mabuti dito. Ano kayang pakiramdam nya ngayon sa ginawa ko?

"Wag ka mag-alala sa susunod ako na ang gagawa nito. " ngumiti ako na para bang nababaliw  sa sobrang tuwa sa ideyang naiisip ko ngayon. Anong gagawin nya kapag ako na ang nakita nya? panigurado magugulat sya ..

Matapos naming mag-usap usap ay umalis na rin sila agad. Sabi nila ay may lalakarin pa sila ngayong araw kaya kailangan na nilang umalis. Naiwan akong mag-isa at nakaupo dito sa sofa. Pinag-isipan ko mabuti kung ano pa ang mga mangyayari sa susunod pang mg araw.

Kung tutuusin hindi ko naman talaga gusto itong mga pangyayaring ito pero wala na akong ibang choice kundi ang maghinganti. Maghinganti sa lahat ng ginawa nya sa akin. Tumulo ang luha sa mga mata ko habang tinitignan sa salamin ang peklat ng malaking hiwa na dulot ng kasakiman nya. Napakasama nyang tao. Pero nagkamali sya ng kinalaban nya. Mas masama magalit ang mga mababait kesa sa inaasahan nya.

Pinunasan ko ang luha sa mga mata. Kailangan kong magpakatatag. Wala ng dahilan para sumuko pa ako. Tatapusin ko ang sinimulan nya. Hangga't kakampi ko sila. Alam kong sa akin ang huling halakhak..

Napatayo ako ng marinig kong may kumatok sa pintuan. Agad akong lumapit dito pero hindi ko agad ito binuksan. Wala naman na akong inaasahang bisita pero malay ko ba kung sila lang ulit ito.

Binuksan ko ang pintuan para lang Makita ang isang taong hindi ko inaasahan...

" Anong ginagawa mo dito? "tanong ko sa kanya. Nagulat ako dahil hindi naman sya kasama sa amin at lalong hindi ako ang nagturo sa kanya ng lugar na ito. Magsasalita pa sana ako ng masalita sya ulit .

"Bakit tingin mo ba makatotohanan ang kasabihang 'Blood is thicker than water'  ?" sa mga salita nya ay parang alam ko na ang gusto nyang ipahiwatig.

" Gusto kong sumali sa laro mo." napangiti ako sa mga sinabi nya. Tutal andito na lang din naman sya . Gagamitin ko na lang din sya laban sa kanya. Mukhang mas sasaya pa ito kesa sa inaasahan ko.

"Tawagin mo na lang akong Lyk."

~~~

-End

Next Chapter: Meet the Emotional Lover

A u T h O r’ S n O t E

So sino sa tingin nyo si Someone? Any wild guess? Thanks pa rin s a inyo na patuloy na bumabasa at  sumusuprta sa story ko. Please leave your comments/opinion/suggestion or just vote for this chapter. Hope you like it. Next week na ulit ang update. Goodluck sa akin sa exam. Pray for me guys na maipasa ko lahat ng test.

Thanks,

Daniee

Meet IV-Einstein (Whom Will You Trust?) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon