9th: Meet Aphrodite

215 8 5
                                    

Chapter Nine

Meet Aphrodite

~~~

Makalipas ang tatlong araw gulat, takot at kaba pa rin ang nararamdaman ng iba sa amin. Hanggang ngayon kasi eh hindi pa rin sinasabi ni Summer sa amin kung sino ba ang nabunot nya sa DOA. Sabado na naman bukas. Ang buong klase ay hindi pa rin natatapos ang bulungan kung sino kaya ang maaring nabunot ni Sum.

Nasa 5th floor kami ngayon ng old building ng school. Dito ako pumwesto sa pag-aakalang malamig at preskong hangin ang mararamdaman ko dito pero nagkamali ako. Tirik na tirik ang araw. Halos lahat ng kaklase ko ay nandidito nakatambay, nag-aabang sa MAPEH teacher namin.

Naupo ako sa isang tabi, medyo siksikan kami dito dahil nga sa maliit lang ang hallway namin. Inilapag ko yung bag ko sa tabi ko at humiga. Napansin kong andito rin pala ang ‘ MasUg’, ayun tulog din sa di kalayuan. Binaling ko muli ang ang pansin ko sa pagkakahiga. Inaantok na talaga ako sa sobrang init.

Tinakpan ko ang mukha ko ng panyo para walang makaistorbo sa akin. Tiniis ko yung init ng sahig kahit sobrang pinagpapawisan na ako. Wala na rin naman akong pakealam kung madumihan ang uniform ko, ako rin naman maglalaba nito eh.

“Uy, bakit nakahiga ka dyan ? “ napabangon ako sa narinig kong boses, si Myk. Humiga muli ako at hindi na lang sya sinagot. Inaantok na talaga ako.. wala na akong lakas para sagutin pa ang tanong nya.

Sinubukan kong pakinggan kung sasagot pa sya pero mukhang hindi na. Ilang sandali pa ay napunta na ako sa dreamland ko… isang dreamland na puno ng pasakit at hinagpis..

Nagising naman ako agad dahil sa pakiramdam na may isang malamig na hanging humaplos sa akin. Napabangon ako agad. Tumutulo ang pawis sa buong mukha ko. Dama ko ang pagtulo nito mula sa gilid ng mga mata ko. Napalibtot ang mata ko sa paligid..

Asaan silang lahat ? Bakit walang tao dito ?

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga.. Gaano na ba ako katagal nakatulog ? Bakit hindi man lang nila ako ginising ? Sinubukan ko silang hanapin sa bawat room pero walang tao. Unti unti ay nilalamon na ako ng takot ko…

Takot na ..

Paano kung … kung iniwan na nila ako?

Paano kung ako pala ang nabunot at sinisimulan na nila ang plano ngayon ?

Nawala na ako sa sarili ko dahil sa mga iniisip ko. Napaupo ako sa isang sulok. Nanaginip ka lang Ash…

“Daniel..”

Hindi .. Ash ang pangalan ko hindi Daniel.. Nagkakamali sila…

“Daniel ako ito si Uno…” napatingala ako at nakita ko sya.. Imposible. Patay na sya. Halos iuntog ko ang sarili kong ulo sa pader para magising na ako sa bangungot kong ito. Ipinikit kong muli ang mga mata ko at muli itong binuksan…

Pagkadilat ko ay… andoon pa rin sya,si Uno. Tahimik syang nakatingin at nakangiti sa akin. Ano bang gusto nya sa akin ? Bakit ayaw pa nya akong tantanan ?

“Hindi mo pa rin ba naaalala ang lahat ?”umiling lang ako sa sobrang takot. Alam kong panaginip lang ang lahat ng ito pero bakit parang totoo ang lahat…

“Alam kong hinahanap mo kung sino ang may sala pero hindi mob a naisip na baka ang taong hinahanap mo ay ang sarili mo mismo ?”halos hindi ako makagalaw sa mga sumunod na binitiwan nyang salita. Ako ba talaga ang may gawa? Hindi, hindi ako iyon panigurado..

Pagkabalik ko ng tingin sa kanya ay wala na sya sa harapan ko. Nilibot ko ang buong lugar pero wala na sya. Tumayo na akong muli para hanapin ang mga kaklase ko. Asan na ba sila? Malapit na ako sa hagdanan ng maramdaman kong may sumusunod sa likuran ko.Rinig ko ang bawat yabag ng paa nya papalapit sa akin. Lalo ko pang binilisan ang lakad ko pababa ng hagdanan. Wala talagang tao sa bawat palapag hanggang makarating ako sa ikalawang palapag ng old building . Naramdaman kong wala nang sumusunod dahil na rin sa nawala ang ingay ng yabag ng paa.

Meet IV-Einstein (Whom Will You Trust?) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon