23rd: Someone's POV

105 5 2
                                    

Chapter Twenty-three

Someone’s POV

~~~

Katulad po ng sinabi ko ang Someon’s POV po ay maaaring kahit kaninong character sa story. Haha ! Para linawin po ang ginagawa ko. Yung someone’s POV pong ito ay iisa lang din po doon sa pinaka UNANG someone. Tsk. Gets nyo na yan. Enjoy Einstein !

~~~

Nagdaan na ang araw pero pinag-iisipan ko pa rin hanggang ngayon kung itutuloy ko pa rin ba o hindi. Ang gulo.

Gusto ko na ayaw ko. Mahal ko sya pero mahal din kaya nya ako?

Nakaupo lang ako mula sa upuan ko at tahimik na pinapanuod ang maiingay at magugulo kong kaklase.  Wala ako sa mood makipag-usap dahil sa mga iniisip ko.

Napailing ako sa iniisip ko. Hindi dapat ako pinanghihinaan ng loob. Sya ang dahilan kung bakit ko ito ginagawa. Sya ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito. Kaya walang dahilan para hindi ko ito ituloy.

Pero mahal mo sya di ba?

Sa sobrang inis ko sa naiisip ko ay naibato ko ang lahat ng nakapatong sa mesa ko dahilan para mapunta ang atensyon ng lahat sa akin. Tinignan ko silang lahat ng masama at agad naman nilang iniwas ang tingin nila sa akin at bumalik sa kani-kanilang gawain.

Nakita ko si Summer , Jhun at Seven. Agad ko silang tinawag at sumunod naman sila sa akin kaagad.

Pumunta kami sa quadrangle at umupo sa bench.

“Summer, wala sa usapan natin ang ginawa mo noong isang araw.Bakit mo pa iyon sinabi?”tanong ko sa kanya. Ngumiti lang sya sa akin.

“Gusto ko kasi tong ginagawa natin feeling ko artista ako. Sorry nasobrahan. Alam ko dapat hindi ko na iyon sinabi pero pakiramdam ko nakatingin sya sayo sa lahat ng oras. Pampabawas tensyon lang sa inyong dalawa.”huminga ako ng malalim at sinabi kong ayos lang sa akin iyon basta wag na nyang uulitin pa ang ginawa nyang iyon.

“Teka… “napatingin kaming lahat kay Seven.

“Pakiramdam ko nakokonsensya ako sa mga kinikilos ko at pananalita ko nitong mga nakaraang araw. Nagmumukha akong masama , baka mamaya pati iba nating kaklase mainis sa akin. Hindi ba pwedeng ibalik na lang yung dating ako ?”tanong nya sa akin.

Napataas ang kilay ko sa kanya. Bakit nya naman iisipin iyon?Hindi ba sya natutuwa?

“Hindi pwede. Konting tiis na lang naman Seven. Malapit ng matapos ang lahat ng ito. “sinagot ko sya pero walang kasiguraduhan ang tono ko. Maski ako hindi ko pa alam kung paano ko tatapusin ang lahat ng ito pero gusto ko inuunti unti ang paghihirap nya.

Tumango sya at tumayo.“Saan ka pupunta? “tanong ni Jhun sa kanya.Tumingin sya muli sa amin at ngumiti. “Ako ng bahala.”tapos ay dire-diretso na syang lumakad palayo.

Binaling ko ang tingin ko kay Jhun na abala sa pagtetext. “Jhun… kamusta ang plano?”

Pinatay nya muna ang cellphone nya at nilagay sa bulsa bago muling sumagot sa akin.”Okay lang. Hindi naman kami ganoon ka-close kaya hindi nya ako masyadong napapansin pero…”napahinto sya sa pagsasalita at napatingin sa lupa.

“Pero… pakiramdam ko. Alam na nya.”tumawa ako ng mahina sa sinabi nya. Tinatago ko ang kabang nararamdaman ko na baka…baka nga alam na nya.

Napataas ang kilay nya sa akin. “May nakakatawa ba?”umiling ako.

“Alam mo Jhun. Imposibleng malaman nya iyon dahil  TANGA SYA ! “sagot ko sa kanya habang binibigyang diin ang dalawang huling salita.

Meet IV-Einstein (Whom Will You Trust?) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon