14th: Meet the GC

167 7 2
                                    

Chapter Fourteen

Meet the GC

~~~

Periodic test na namin today pero hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isipan ko ang DOA. Well, siguro dahil sa isa ako sa tatlong nabunot. Andaming nagbago sa laro na ito. Sa pagkakaalam ko ay hindi nila dapat sinabi kung sino ang sumulat pero sinabi pa rin nila.  Isa pa ang pagbunot ng tatlong papel na dapat ay isa lamang. Sa ngayon, walang ibang laman ang utak ko kundi ang kung kaninong mga pangalan pa nga ba ang laman ng mga papel na iyon.

Medyo tanggap ko na nakasali ako sa larong ito pero hindi ako papayag na paglaruan nila ako. Ako ang gumawa, hindi pwedeng ako rin ang biktima dito. Binalik ko ang atensyon ko sa sinasagutan kong papel. Tabi tabi kami pero iba iba ng test.

Konti na lang at tapos ko na rin ang pampasakit ulong test na ito. Sumandal muna akong saglit sa kinauupuan ko. Napahinto ako sa pagsasagot dahil sa ingay na dulot ng mga nasa likuran ko.

“Ano ba yung sagot sa number eight? Dali na isa lang oh. Nakalimutan ko kasi kung pano ito isolve eh.”pagmamakaawa ni Brice kay Rayne na hindi naman sya pinapansin.

Hindi ko na sila masyadong nilingon pero nakita kong sumenyas sa kamay si Rayne kay Brice. Wala naman akong magagawa. Ayokong maging sumbungera at lalo na kung sangkot dito ang Rayne na    yan. Panigurado ay panibagong away na naman iyon.

“Two minutes left. Dalian nyo at malapit ng magring ang bell. “sabi ni Mrs.Burnne habang nakatingin sa relo nya. Ang bilis talaga ng oras , sa bagay hindi mo rin naman yun mamamalayan lalo na kung busy ka .

Nang matapos ko na ang test ay inilagay ko na sa loob ng bag ko ang lapis at bolpen na ginamit ko. Agad naman ng pinapasa ni MrsBurnne ang mga answer sheet. Nagsimula na namang mag-ingay ang mga kaklase ko. Napailing na lang ako sa ingay nila.

“So .. ready na ba kayo para sa revelations ? “napatingin ako sa nagsasalita sa may harapan. Si Summer at hawak hawak na nya ang dalawa pang itim na papel na natitira. “Maaari na bang tumahimik ang lahat at makinig sa akin ?”agad naman nagsiayos ng upo ang lahat at nabalot na naman ng tensyon ang buong paligid. Wala na yung takot at kaba ko na naramdaman ko noong umpisa pero andoon pa rin ang panginginig sa maaaring resulta ng larong ito. Paano kung para sa akin din ang dalawang sulat na ito? Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Unti unti ay binuklat na ni Summer ang  isang papel. Napaayos ako ng upo nang makita ko syang ngumiti at handa ng basahin ang laman ng papel.

“Black note #2 …MMPP by Alecia Moore”napatingin ang lahat kay Alecia. Napahinga sya ng malalim ng malaman nyang sa kanya ang nabunot na papel. Bakas sa mukha nya ang saya. Sino kaya ang sinulat nya ? Ako kaya iyon ? Napayuko ako sa iniisip ko pero agad ko namang binalik ang atensyon ko sa harapan ng magsimula na syang magsalita ulit .

“Alam mo yung pakiramdam ng naiinis ka pero hindi mo masabi sa kanya dahil mas maiinis pa sya sayo. Kagaya na lang nito, nag-uusap kami tungkol sa isang topic sa groupings tapos magkaiba kami ng idea,ayun hindi na kami nagkasundo. Minsan naman kapag wala sya sa mood tapos biniro mo,pati ikaw damay. Nakakainis lang ano po  ? Kasalanan ko ba kung nawala sya sa mood dahil sa iba. Bakit sakin nya ibinubunton di ba? Isa sa mga nakakainis sa kanya yung kapag sya yung nantitrip,nang-aasar o di kaya nakikipagkulitan , ang galing galing nya pero subukan mong sya ang biruin oo tatawa sya pero malalaman mo na lang sa iba na pinepersonal nya pala yun.”napatingin ako kay Alecia habang naririnig itong binabasa ni Summer. Mukhang may pinanghuhugutan sya pero para kanino kaya iyon? Alam kong hindi para sa akin iyon dahil kahit kalian ay hindi ko pa naman sya naging kagrupo sa kahit na anong subj. Napalingon naman ako kay Mrs.Burnne. Parang wala lang ito sa kanya. Nagtaka naman ako agad. Bakit hinahayaan nya lang kami ? Anong meron sa kanya ?

Meet IV-Einstein (Whom Will You Trust?) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon