6th: Meet Athena

249 8 2
                                    

Chapter Six

Meet Athena

~~~

Pagabi na pala hindi ko man lang namalayan ang oras. Past seven na pero heto ako nakaupo kasama si Seven sa isang ice cream store. Hindi naman kami ganun kaclose ni Seven kahit sabihin pa nating naging kami ng kuya nya. Alam ko naman na dati pa man ay ayaw nya na sa akin dahil na rin sa ginawa kong laro.

Kinuha ko ang basong may lamang coffee crumble at tinignan ko ito hanggang sa malusaw ito unti unti. Wala akong ibang marinig na ingay bukod sa ibang taong nag-uusap at masayang kumakain. Binalik ko ang tingin ko kay Seven. Nakatitg lang din sya sa akin habang nakalagay ang dalawang kamay sa hawak nyang baso na halos lusaw na lusaw na ice cream na lang ang makikita.

“Bakit mo pa ako dinala dito ?” tanong ko sa kanya. Binasag ko na ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nakita kong kumunot ang noo nya , puno ng pagtataka ang mga mata nya.

“Wala ka ba talagang natatandaan ?” rumagasa sa utak ko ang maraming tanong. Wala nga ba talaga akong natatandaan ? Napangisi ako sa tanong nya sa akin. Hanggang ngayon ay alam kong puno rin ng katanungan ang pag-iisip ni Seven. Kung alam nya lang …

“Sa tingin mo ? “tanong ko sa kanya. Nakakatuwang titigan ang pagmumukha ni Seven na para bang isa syang batang musmos na walang kaalam alam sa mundo.

“May nakakatuwa ba sa tanong ko at kanina ka pa nakangisi dyan. Tsaka sa tingin mo ba ay magtatanong ako kung alam ko ang sagot ? “galit nyang tanong sa akin. Mukhang hindi nya nagustuhan ang ngiti ko sa kanya. Sineryoso ko na muli ang usapan naming dalawa.

“Oo,dahil dalawa lang naman ang klase ng taong nagtatanong , isang alam na ang sagot para makisigurado at isang hindi alam ang  sagot para may malaman. So, alin ka doon ? “Nakita kong napatingin si Seven sa ice cream nya. Kinuha nya ito at ininum hanggang sa maubos.

“Wag mo kasi akong sasabihan ng ganyan. Marami rin akong tanong sa sarili ko katulad mo. “tumayo ako at lumabas na ng store. Ayaw ko ng makipag-usap  sa kanya.

“Sandali lang … “napalingon ako sa likod ko. Nakita ko syang tumatakbo papunta sa akin.

“Alam kong hindi tayo magkasundo pero sana pakinggan mo ang payo ko. Kahit kalian wag kang sasama sa kanila at wag na wag mo silang susundan.”pagkatapos nyang sabihin iyon ay tumakbo na sya palayo sa akin.Hindi ko maintindihan. Wag akong sasama at susunod sa kanila ?Sinong sila ?  Habang tumatagal palala ng palala ang sitwasyon ko,parami ng parami ang mga tanong ko sa sarili ko.

Habang naglalakad ako pauwi ay pinag-isipan ko mabuti lahat ng natutuklasan ko sa bawat isa. Simula kay Summer, kay Nam , Luan pati si Marwin. Lahat sila may alam na hindi ko alam. Natandaan ko ang sinabi sa akin ni Marwin tanungin ko daw si Alecia kung gusto ko daw malaman ang lahat. Ang tanong ay kung sasagutin nya ba lahat ng tanong ko o katulad lang din sya ng iba na papaasahin ako sa wala.

Napabuntong hininga ako sa mga iniisip ko. Dahil sa larong ginawa ko hindi ko na alam kung paano ko ba babawiin ang buhay ni Uno. Ang dami ng nagbago.. kung hindi lang sana ako niloko ni Uno siguro hindi ito mang yayari.

Teka….s-si Uno iyon di ba? Hindi , namamalikmata lang ako.. patay na si Uno. Pero bakit kasama nya si Seven …hindi kaya … hindi maaari ito.

Sinundan ko sila hanggang sa makarating kami sa isang liblib na lugar. Hindi ko alam kung saan ito pero parang pamilyar sa akin ang lugar na ito. Tinignan ko ang likod ko para makita kung may ibang tao pa ba bukod sa amin dito pero pagkaharap ko ay wala na sila. Siguro nga ay namalik-mata lang ako.

Meet IV-Einstein (Whom Will You Trust?) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon