Bonus Chapter: Meet Someone

132 7 2
                                    

Bonus Chapter

Meet Someone

~~~

Naglalakad ako papasok sa pintuan ng secret place namin. Nakakapnibago dahil kumpleto kami ngayon bukod sa kasali dito yung bagong saltang si Lyk. Sa nakikita ko sa pag-arte nya sa school ay mukhang maayos naman sya kausap at sumusunod sya sa plano. Umupo ako sa tabi nya. “Hello.. long time no see ah.”biro ko habang nilalapag ang gamit ko sa sahig. Tumawa naman sya ng mahina. “Baka long time ? Niloloko mo ba ako. Nagkita na tayo kahapon sa school eh.”ngumiti lang ako sa sinabi nya.

“So anong nakain mo at nagdesisyon kang sumama sa amin?”tumgin sya sa akin. “Simple lang.  Gusto ko ring magbayad sya sa ginawa nya sa akin. “sagot nya.

“Kahti na ang ibig sabihin noon ay kailangan mong sumama sa taong pinakaaayawan mo?” napangiti sya sa sinabi ko.”Oo,kahit sumama pa ako sa kaaway ko o kung sino pa mang hudas yan.” Tumawa kaming dalawa. Di nagtagal ay pumasok sya sa eksena.

“Anong nangyari sayo? “tanong ko. Iniwas nya lang ang tingin nya na para bang iritable sya.”Ano ba?! Wag mong hawakan masakit pa nga eh.”Napangiti ako pero  hindi nya na ako pinansin.”Eh ikaw, bakit sumali ka dito? “ napawi ang ngiti sa labi ko ng marinig ko ang tanong nya. Umayos ako ng upo ko. “Kasi niloko nya ako. Niloko nya pati ang pamilya ko. Pinaniwala nya kami sa isang bagay na hindi naman pala talaga totoo.”tumango sya sa mga sinabi ko na para bang naintindihan nya ang gusto kong iparating. Napangisi ako. “Pwede ba wag kang ngumiti kung hindi mo naman talaga ako naiintindihan.”sabi ko sa kanya pero hindi pa rin naaalis ang ngiti nya. Huminga ako ng malalim sa pagkatalo.

Umupo na rin silang lahat sa katabi namin. Di ko aakalain na ganito na pala kami kadami ngayon. Na ganito kadami na ang nakasabwat nya para lang sa engrandeng paghihigante nyang ito. Umupo sya sa harapan naming lahat ng may ngiti kahit na puno pa ng pasa ang katawan nya sa pangyayari. Ang tatag din ng taong ito.Tinignan ko si Lyk na para bang tuwang tuwang makinig sa sasabihin nya sa harap. Di nagtagak ay nagsimula na syang magsalita.

“Hindi nyo alintana ang mga pangyayari pero gusto kong sabihin sa inyo na natutuwa ako sa mga pinapakita ninyong pag-arte. “ tahimik pa rin ang lahat naghihintay sa susunod nya pang sasabihin. “Gusto kong ipagpatuloy pa ninyo ang plano at wag kayong papahuli sa kanya. Sa tingin ko ay paniwalang paniwala naman sya sa pag-arte ko. “tumawa sya ng mahina sa sinabi nyang iyon. Halata naman naming lahat iyon eh lalo na kapag magakasama silang dalawa. Paniwalang paniwala talaga sa kanya ang manlolokong iyon pero tama lang iyon sa kanya.

Matapos noon ay pinag-usapan pa namin kung paano namin sya lilituhin at papapaniwalain sa mga kilos namin. Nagtaas ng kamay si Lyk.” Bilang isang kasbwat..gusto kong ipaalala namay plano rin sya katulad mo.”sabi nya sa kanya. Agad syang napangisi at nagsalita.”Alam ko iyon Lyk pero ayos lang iyon dahil lahat naman ng kakampi nya kasabwat ko.” Masaya nyang sagot kay Lyk. Tumango naman si Lyk bilang pagsang-ayon. Paano ba naman kasi isa sya sa kasabwat na nasa panig din ng loko.

Mukhang mas sasaya pa ang mga susunod pang pangyayari sa eskwelahan ng Harton. Lalo akong ginaganahan sa tuwing iisipin ko ang itsura nya habang nagmamakaawa sa amin at umiiyak sa sobrang pighati.

Napahinto ako sa pag-iisip ng bigla syang magsalita sa akin.”Gusto ko ikaw naman mismo ang humarap sa kanya.”lalong luampad ang ngiti ko sa pagkakasabi nya sa akin ng plano.

Ako naman ang babawi ngayon…

~~~

-End

Next Chapter: Meet the Nice Girl

A u T h O r’ S n O t E

Para po sa mga nagbabasa ng bonus chapter. Don’t expect na iisang tao lamang po si SOMEONE. Haha ! at ang tanong ay kung malaptit nap o bang matapos ang kwento? Siguro po ay malapit na po… malapit na po ako sa kalahati ^_^Yepee !Malapit ko nang matapos ang mga chapters ng bawat character only three left and then time for the real revelations ! Wooot wooot! Planning to have 40-60 chapters. What do you think? *sigh * Don’t forget to do the FaComVo.

LovesssssaLot w/ Honey & Lemon,

Daniee

Meet IV-Einstein (Whom Will You Trust?) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon