25th: The Real Sister

118 4 2
                                    

Chapter Twenty-Five

The Real Sister

~~~

“Pag-aawayan pa rin ba natin ito?”tanong ko kay Uno.

Tumingin naman sya sa akin.”Sorry, hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit mo pa kasi ginawa iyon kahapon.”hinawakan nya ang kamay ko. Ngumiti ako sa kanya.

“Salamat pero hindi mo na ako kailangan intindihin pa.”nandito kami ngayon sa isang chinese restaurant.

Hinigpitan nya ang pagkakahawak nya sa kamay ko. “Hindi..kailangan ko dahil mahal kita.”tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya. Imposible.Ako mahal nya?Ano?! Kailan k aba maniniwala sa kanya ? Dapat nga kahapon nakinig ka sa kanya di ba? Baka naman pwede ngayon pakinggan mo sya.

Tama… pero hindi lang talaga kasi ako makapaniwala eh. “Maniwala ka sa akin. Mahal kita at hindi na ulit kita lolokohin. “ napatingin ako sa kanya. Totoo ba ang mga sinasabi nya sa akin?

“Wag muna natin yan pag-usapan ngayon. Gusto ko bumawe kay Rayne sa ginawa nya sa akin. “Huminga sya ng malalim at tumango.

“Pero ako ng bahala kay Rayne. “napakunot ang noo ko. Anong ibig nyang sabihin?Kakausapin nya?

“Ayoko.Ano namang balak mong gawin aber?”tanong ko habang nakacross-arms.

“Basta.Ako ng bahala.”sa sobrang inis ay tumayo na lang ako at iniwanan sya mag-isa doon kasama ng pinagkainan namin. Bahala ka na talaga !

~~~

(Jeep)

“Kausapin mo na ako..please..”pagmamakaawa nya habang nakaupo kami sa isang punong jeep. Nakakainis lang dahil agaw atensyon.

“Wag dito ano ba?”siniko ko sya pero hindi pa rin sya tumitigil.

“Sige kapag hindi mo pa rin ako kinausap ng matino ipagkakalat ko sa jeep na ito na mahal na mahal kita.” Napatingin akong lahat sa nakasakay. Baka kaya? Hindi ko sya pinansin.

“MAHAL NA MAHAL KITA DANIEL WINTERS ! MAHAL NA MAHAL KITA DANIEL WINTERS !“ nagulat ako ng bigla syang sumigaw. Tinakpan ko naman agad yung bibig nya. Nakatingin sa amin lahat ng nasa jeep.

“Miss, kausapin mo na. “sagot ng isa.

“Oo nga, ang gwapo pa naman ni kuya.”asar ng isang babae kasama ang tatlo pang mga babaeng kaedadan lang namin. Nagtatawanan sila habang nakatingin kay Uno . Ehem…

“Iha, maawa ka naman dyan sa boyfriend mo.” Sita sa akin ni Lola na katabi ko. Nakakahiya.

Tumingin naman ako ng masama kay Uno tsaka ko sya nginitian. Hmp, pasalamat ka sa kanila.

“Ayan, sila na may sabi. Kausapin mo na daw yung gwapo mong BOYFRIEND.”nang-aasar nyang sabi sa akin habang nakakiller smile pa sya. Kainis !napatango lang ako sa kanya.

Pagkababa namin sa jeep at binatukan ko sya. “Siraulo ka talaga! “tumawa kaming dalawa.

“Anong ginagawa nyo dito?”napahinto kami sa pagtawa ng biglang may nagsalita, si Marwin. Wait, kasama din pala nya si Meicy.

Magkahawak kamay silang dalawa. Tinignan ko naman si Meicy at ngumit sya sa akin. Binalik ko ang tingin ko kay Marwin na seryosong nakatitig kay Uno. Parang may tensyon sa pagitan nilang dalawa.

Meet IV-Einstein (Whom Will You Trust?) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon