20th: Meet Joker

134 8 14
  • Dedicated kay Richray Fortez
                                    

Chapter Twenty

Meet Joker

~~~

“Anong pinagsasabi mo?”tinaasan ko sya ng kilay para malaman nyang naiirita ako sa kanya. Nanatili syang nakatayo sa harapan ko at nakalagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pants nya. Napangiti sya.

”Eto naman hindi mabiro. Mukha kasing broken hearted ka eh kaya lumapit ako.”sabi nya habang naglalakad papalapit sa akin. Aabutin nya sana ang braso ko pero iniwas ko.

“Wala ako sa mood makipagbiruan sayo..Richard. Kaya pwede ba iwanan mo na ako.”bakas pa rin sa boses na gusto ko pang umiyak, na gusto ko pang ibuhos ang galit ko pero hindi ko kaya. Umupo sya sa harap ko. Tinignan ko lang sya.

“Anong ginagawa mo?”tanong ko sa kanya. Pagod na ako.Halos wala na nga rin akong lakas para magsalita pa sa kanya. Gusto ko na lang umuwi. Tumingin sya sa akin.

“Narinig ko yung sinabi sayo ni Uno kanina.”seryoso nyang sabi. Agad ko naman iniwas ang tingin  ko sa kanya. Masyado naman syang pakilamero kung pati iyon ay pakekelaman nya. Kung tutuusin may problema din sya pero ayokong sabihin dahil ayokong may umiiyak dito bukod sa akin.

“Ano naman sayo? Pareho lang naman kayo eh. Kaya kung pwede tantanan mo na ako dahil uuwi na ako.”galit kong sinabi sa kanya pero wala pa rin syang ginagawa doon. Ayoko munang isipin ang problema ng iba panahon naman na para sarili ko namang problema ang harapin ko. Hindi ko na sya pinansin pa at nagpatuloy akong maglakad. Umuwi ako ng bahay na parang gusgusing bata. Halos para akong nirape sa sobrang gulo ng buhok ko at dumi ng suot ko.

Tuloy tuloy lang akong pumasok sa loob at kumuha ng damit sa drawer. Nababalot ng tensyon ang buong bahay namin. Nandito si mama pero hindi nya ako kinikibo. Alam kong gusto nya akong paggalitan pero hindi nya magawa dahil galit pa rin sya sa akin. Maski rin naman ako ganoon pero ayoko lang talaga na makipag-usap lalo na sa sitwasyon ko ngayon. Natapos ang araw ko ng hindi man lang nagpahinga ang mata ko sa kakaiyak. Bakit kailangan danasin ko ang ganitong mga bagay? Bakit ?

~~~

Nakaupo ako sa dulo ng klase. Katulad pa rin ng dati pero iba ngayon iba. Lahat ng kaklase ko nakapaligid sa akin at pinapatahan ako sa pag-iyak. Kung ano anong komento ang naririnig ko sa kanila pero wala talaga akong ganang sumagot. Maski si Mrs.Burnne ay nag-aalala na rin sa akin kaya pansamantala ay pinayagan nya muna akong lumabas ng classroom.

Agad naman akong lumabas  at binuhos muli ang iyak ko. Nakakapagod  umiyak pero  kailangan ko dahil baka kapag pinigilan ko ay hindi ko kayanin. Umupo ako sa may tabi ng hagdan at nakayuko habang nakatakip ng panyo sa mukha. Nahihiya rin naman ako pero anong magagawa nila. Hindi nila alam ang pakiramdam ng maiwanan.

“Umiiyak ka pa din? Balak mo bang magpagawa ng swimming pool gamit yang luha mo?”napatingin ako kay Richard na nakatayo sa harapan ko. Kahit kailan talaga panira moment tong lalaking ito. Inirapan ko sya bago ako sumagot.”Pakealam mo ba?! Umalis ka nga dito!”sigaw ko sa kanya. Ngumiti lang sya at umupo sa tabi ko.

“Alam mo bang nakipagbreak sa akin si Meicy.”napatingin ako sa kanya. Nakangiti pa rin naman sya. Abnormal ba ito? Nakipagbreak na sa kanya pero masaya pa rin sya?

“Sabi nya sa akin, hindi na daw nya ako mahal at mahal nya na daw si Marwin. Syempre bilang ako. Nagparaya ako.” Hindi pa rin naaalis ang mga ngiti sa labi nya. Siguro ay gusto nya ang nangyari kaya masaya syang wala na si Meicy. “Pero … masakit pala. Masakit pa lang malaman na matapos mong gawin ang lahat at magsakripisyo para sa kanya sa huli hindi pa rin ikaw ang mamahalin nya.”tumango ako sa sinabi nya. Teka, hindi dapat ako nakikinig sa lalaking ito.

Meet IV-Einstein (Whom Will You Trust?) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon