Chapter1

5.2K 106 55
                                    


"Uwi na tayo?" Salubong sa akin ni Maki ng nakita nya akong palabas na ng reception.Napairap naman ako ng makita ko na may dalawang babae nakapulupot dito.

Womanizer indeed.

"Obvious ba? Malamang aalis na sobrang boring kaya sa loob." Sabi ko habang hinahalungkat ang susi ng sasakyan ko sa bag ko.Kasal kasi ng isa sa mga pinsan ko wala ako gaano kilala dahil malayong pinsan ko na ito kaya tumakas ako sa reception.No choice lang ako dahil isa ako sa mga bridesmaid.

Napamura sa isip ko ng maalala ko na wala nga pala akong dalang sasakyan dahil itong damuho na to sa harap ko ang naghatid sa akin dito dahil ang magaling kong boyfriend ay busy kaya itong pinsan nya ang pinakiusapan nya.

"Tara na.Bye girls." Sabi nito at magsimula na maglakad papunta sa sasakyan nito isang itim na Mazda3.

"Hinahanap ka na ba ni Chivas?" Tanong ni Maki

Napatingin ako dito.

"Sadyang bored lang ako kaya umalis na ako doon."walang gana kong sagot.

Napangisi naman ito tila ba may naalala.

"Busy nga pala iyon bakit ka hahanapin." Sabi nito na parang hinayang na hinayang.

Napairap nalang ako.

"Busy sya para sa future namin nuh!" Sabi ko ng buong pagmamalaki.Busy naman kasi talaga si Chivas dahil may kausap ito para sa restaurant na itinatayo nya.

Narinig ko ang pagtawa nito ng mahina.Napatingin naman ako dito.Hindi mo maipagkakaila na gwapo nga ito.Pantay pantay na puting ngipin,matangos na ilong,moreno ang kulay at parang nangungusap na mata.Aakalain mong anghel.No wonder madami na syang nabobola at nabola na babae.

"Nageenjoy kabang titigan ako?" mapanuksong tanong nito.

"Jerk." bulong ko at tumingin sa labas.

"Narinig ko yun!" Sabi nya .

Aba kita mo nga naman ang talas ng pandinig ng damuho na to.

"Eh di wow kung narinig mo!" Sigaw ko dito at humalukipkip ako.

"Alam mo kung ako sayo bawas bawasan mo kasungitan mo kasi nakakaturn off sa iba yan pero kung sakin lalong nakakaturn on yung ganyang ugali." Sabi nito at tumawa ng malakas.

"Bastos!" Sabi ko at pinaghahampas ko ito ng bag ko dahilan upang mawalan sya ng control sa manibela at muntik na kami bumangga sa puno.

"Damn!Tiffany okay ka lang ba?" Histerikal na tanong nito.

Dahil sa sobrang shock ko tango lamang ang nasagot ko dito.

Bumaba ito ng sasakyan at pumunta sa gawi ko upang icheck ako.

"Sorry."bulong ko habang hawak hawak nya ako sa balikat ko at tinitignan kung may galos ako o ano pa man.

"Thank God your okay." Sabi nito at marahan akong niyakap.

Napahikbi ako dahil guilty ako. Paano na lamang kung hindi sya nakapreno agad? Malamang bumangga na kami sa puno.Wala pa naman gano dumadaan dito ngayon sa dinaanan namin.

"Ssshhh.hush now. Ako ang dapat magsorry kung hindi lang kita inaasar Hindi ka maiinis sakin.Tahan ka na please." Sabi nito habang pinapalis ng hinlalaki nya ang mga luha ko na ayaw tumigil kakatulo.

Ilang minuto ng makalma ako ay bumalik na si Maki sa driver seat at nagpatuloy magmaneho.

Tahimik na kami habang nasa byahe.

Papikit na sana ako ng maramdaman kong magvibrate ang cellphone ko.Tinignan ko naman kung sino ito .

From: Chivas
I miss you Love. Take care always.Text me when you get home. I love you.

Napangiti naman ako at agad naman ako nagtipa ng mensahe ko para rito.

To:Chivas
I'm on my way home love .I love you too.

Pagkasend ko ay tinago ko nang muli ang cellphone ko at tumingin sa katabi ko.Seryoso itong nagmamaneho.

"Staring is rude."Masungit na sabi nito na nakapagpaayos sakin sa pagkakaupo ko at tumingin sa labas ng bintana .Hindi na ako magtataka kung magkakastiff neck ako paguwi ko.

Nang huminto ang sasakyan ni Maki sa tapat ng bahay ay para akong nakahinga ng maluwag kaya naman bumaba ako agad.Nakita ko na bumaba din ito at naglalakad papunta sa gate namin.

"Ahm thank you sa paghatid."sabi ko sabay yuko.Agad naman nito iniangat ang mukha ko.

"Your always welcome." Sabi nito na abot tenga ang ngiti.

Bipolar.Kanina nagsusungit ngayon mabait.
Napakagat naman ako sa labi ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko dito.

"Ah sige alis na ako.See you around." Nagumpisa na itong maglakad papunta sa sasakyan nya at kumindat pa ito bago ito pumasok.

Napailing nalang ako at pumasok na sa bahay.

Sumalubong naman sa akin ang isang mabangong amoy.Agad ko naman hinanap ito at dinala ako ng amoy sa kusina.Nagulat ako ng madatnan ko ang dalawang taong nagtatawanan

"Mama!" Sigaw ko at patakbong umakap dito.Ginantihan naman ako ng mas mahigpit na yakap ni Mama.

"Ang hilig nyo sa surprise na paguwi." Sita ko dito.

"I miss you too anak." Sabi nito habang tumatawa.

"I miss you din Mama ikaw lang umuwi si Papa nasaan?" Tanong ko dito

"One week lang naman ako dito anak kaya hindi na sumama Papa mo.Yaan mo next time uuwi na kami ng sabay." Sabi nito habang hinihimas buhok ko.

"Teka pala anak andito yung boyfriend mo mukang kanina ka pa hinihintay nito."sabi ni Mama doon lang ako natauhan at umayos ng tayo dahil nakayakap pa ako kay Mama na parang bata.

" Hi Love.Sorry ah namiss ko lang talaga si Mama." sabi ko dito at umupo sa tabi nito.

"Its fine alam ko naman miss na miss mo na Mama mo lagi mo nakukwento sakin." Sabi nito.Ngumiti naman ako bilang sagot.

Nagtaas baba naman ang kilay ng Mama ko at alam ko na ang ibig sabihin nito.

"Tara nalang kumain Tiffany at si Chivas ang nagluto nyan sabay sabay natin husgahan." Sabi ulit nito at inayos na ang hapag.

"Nasaan pala si Maki hindi ka ba hinatid dito?" Bulong ni Chivas

"Hinatid nya ako pero hindi ko na pinapasok." Sabi ko

"Buti naman.Tara kain na tayo alam kong gutom ka na kahit galing ka sa kasalan." Sabi nito habang nilalagyan ako pagkain sa plato.

Napatingin naman ako Kay mama at nakangiti ito habang pinagmamasdan kami.

I Fall(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon