Chapter 12

1.7K 57 16
                                    


"Ate Mheg."

Napatayo ako sa pagkakaupo ko.Matamang nakatingin sya sa akin.Para bang inaaral nya ako.Hindi ko mabasa sa mga mata nya kung galit ba sya o ano.Lumapit ito sa akin at hinila ako pa maupo.

"Ate." tawag kong muli.

Ngumiti ito ng malungkot sa akin habang marahan na hinihimas ang pisngi ko.

Nakita nya kami! Nakita nya ang pagtataksil ko kay Chivas!

"Sa lahat ng pinsan natin ikaw ang pinakapaborito ko alam mo ba yun Tiff?"mahinang sabi nito pero sapat na upang magunahan tumulo ang mga luha ko.

"Hindi dahil ikaw ang pinakamahina kundi dahil alam ko na ikaw ang may pinakamabuting puso.Alam ko na mas gugustuhin mo unahin ang iba kaysa sa sarili mo."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko.Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa mga naririnig ko.Parang pinipiga ang puso ko.

"Natutuwa ako na sa unang pagkakataon nakita ko na inuna mo ang sarili mo pero bakit sa maling paraan Tiff?"

Napaiyak ako dahil sa sakit ng nararamdaman ko.Binigo ko si Ate Mheg.Sa lahat din ng pinsan ko sya lang ang maasahan ko sa bawat oras.Kahit wala akong kapatid ay hindi ko naramdaman na nagiisa ako dahil sa kanya.

"Im sorry ate.Hindi ko na po napigilan pero sinubukan ko naman po.pero mahal ko na sya ate."

Yinakap naman nya ako habang pilit akong inaalo.

"Alam kong alam mo na ang tama at mali Tiff at inaasahan ko na gagawin mo ang tama.Siguro sa ngayon puro saya ang nararamdaman nyo pero paano kapag nalaman na ng iba yung ginagawa nyo?Ayaw kong masaktan ka Tiff yun ang huli kong gustong mangyari sayo."sabi nya habang hinihimas ang buhok ko.

"Ayaw mo ba sa kanya Ate?" Bulong ko

Tumawa naman ito ng mahina.

"Bakit ko sya aayawan eh alam kong patay na patay sayo si Maki noon pa man.Lagi nya sinasabi sa akin na mahal ka nya."

Nagulat naman ako sa sinabi nya kaya napaayos ako ng upo.

"Ibig sabihin Ate.Ako talaga ang tinutukoy nya noon?"

Tumango naman ito.

"Hindi ko din alam kung bakit hindi mo sya maalala pero nung bata ka at andito pa sya lagi kayo magkasama."

Wala talaga akong maalala.

"Pero Tiff hindi ibig sabihin noon ay hahayaan ko na kayo.Bibigyan ko kayo panahon para umamin sa kanila at itama yang ginagawa nyo."

Tumango naman ako.

"Tama na ang iyak baka magalit na sa akin si Maki." Ani nya habang pinapalis ang mga luha ko.

"Salamat Ate Mheg." Sabi ko at muling umakap dito.

"Dati damit at barbie lang iniiyakan mo ngayon lalaki na." Biro nito sa akin at sabay kaming tumawa.

Dumating si Chivas kinagabihan at sabay kaming nagdinner pero umuwi din ito agad dahil pupunta pa daw sya sa shop ni Miranhel para tignan ang mga furnitures nito.

Chivas:
Saan ka na Love? Nasa labas na ako ng gate.

Basa ko sa text ni Chivas.Pupunta kasi kami sa restaurant nya ngayon para daw makita ko kung may kulang pa o ano.Magbubukas na sya next week kaya sobrang busy nya talaga ngayon.Hindi ko naman na sinagot ito at inayos na ang mga gamit ko.Palabas na ako ng classroom ng makasalubong ko ang isa sa mga kaklase ko na si Miguel na nanligaw sa akin dati.

"Oh hi Tiff pauwi ka na?Tulungan na kita dyan sa mga dala mo."

Hindi pa man ako sumasagot ay kinuha na nito ang gamit ko.

"Lalo kang gumanda ngayon Tiffany!" Sabi nito nginitian ko naman ito.

Namataan ko si Chivas sa labas habang nakasandal sa sasakyan nya.Kumunot ang noo nito ng makita ako.Mabilis itong lumapit sa akin.Kinuha nito ang gamit kay Miguel at hinila ako papasok sa sasakyan.Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Miguel ng makapasok ako.Samantalang ako ay gulat na gulat sa inakto ni Chivas.Sumakay ito sa sasakyan mahigpit nitong hinawakan ang manibela at mabilis itong pinaandar.

"Anong problema mo!"sigaw ko dito pero hindi ako nito pinapansin hanggang sa makarating kami sa Zuchinni's.

Mabilis syang bumaba sa sasakyan at halos kaladkarin na nya ako papasok sa loob nito.Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Maki at si Angelica.Napatayo si Maki sa kinauupuan nya ng makita ako. Kumunot ang noo nya ng mapansin na napapangiwi na ako sa sakit ng hawak ni Chivas.

"Ano ba Chivas nasasaktan na ako!" Sigaw ko dito pero hindi pa din ako nito pinapansin.Pumasok kami sa office nya at pabagsak nyang sinara ang pintuan.Narinig ko pa ang pagtatanong ni Maki.

Binitawan ako ni Chivas.Natatakot ako sa totoo lang parang biglang nag iba ito.

Help me here Maki.

Kitang kita ko kung paano sya nagpipigil sa sarili nya.Ano ba talagang problema nya!

"Anong nangyayari sayo?" Bulong ko ngunit imbis na sagutin ako ay marahas nya akong hinalikan.Dahil sa pagkabigla ay hindi agad ako nakagalaw.Napadaing na lamang ako ng tumama ang likod ko sa may pintuan.Dahilan upang matigil sa paghalik si Chivas sa akin.

"Dahil ba sobrang busy ko kaya ka naghahanap ka na ng iba!" Bulong nya na may diin.

"A---n." Sasagot pa sana ako ng marahas na naman nya ako hinalikan pero sa pagkakataong ito ay naitulak ko  sya at mabilis na sinampal. Parang natauhan naman sya pero mabilis akong lumabas ng pinto.Sinalubong ako ni Maki at Angelica na mukhang kanina pa nakikinig.

"What the hell bakit ka umiiyak Tiff.!"mabilis akong niyakap nito.Narinig ko ang hiyaw ni Chivas.Nanginig ang katawan ko.Natatakot ako sa kanya.Naramdaman yata ito ni Maki kaya mas hinigpitan nya ang yakap sa akin.

"Anong nangyayari!"tanong  ni Angelica.

"I-ialis mo ako dito Maki please."

"Yes ." Bulong nito.

Palabas na kami ng marinig kong muli ang sigaw ni Chivas.

"I'm sorry Tiffany.please magusap tayo." Sabi nito ng abutan kami sa labas.

Kumuyom ang kamao ni Maki at hinarap si Chivas napahiyaw nalang ako at si Angelica na nasa likod na pala ni Chivas ng biglang suntukin ni Maki ito.

"Let her go Chivas.You hurt her.Give her a damn space."

I Fall(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon