Para akong tinulos sa kinatatayuan ko.Naramdaman ko naman na humigpit ang yakap sa akin ni Maki.Mahihinang mura ang naririnig ko mula sa kanya.Maraming tumatakbo sa isip ko pero hindi ko alam paano ko isisiwalat.Madaming tanong pero hindi ko alam paano ko itatanong."Let's go Maki."
Marahan naman tumango si Maki at inalalayan akong maglakad.Palabas na kami ng makasalubong namin ang babae na kasama noon ni Chivas.Tulad ng reaksyon nya palagi kapag nakikita nya ako ay gulat ito at iiwas sa akin.Tumingin naman ako kay Maki na nakatingin na din pala sa akin hinalikan lamang ako nito sa noo at nagpatuloy kami maglakad papunta sa parking lot.
Hinatid lamang ako ni Maki at agad din itong umuwi.Buong byahe namin pauwi ay tahimik lamang ito at patingin tingin sa akin na parang pinakikiramdaman lamang ako.
Pabagsak akong nahiga sa kama ko pagkatapos ko makapagshower.Niyakap ko ang isang unan ko at mariing pumikit upang pilitin makatulog dahil baka sakaling bukas paggising ko ay isang panaginip lamang ang nangyari ngayon araw.Hindi ko talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.Alam kong hindi pa ako dapat gumawa ng konklusyon dahil kailangan ko pa kausapin si Chivas pero hindi ko maiwasan isipin na niloko nya ako.
///
Alasais palang ng umaga ng umalis ng bahay upang puntahan si Chivas sa unit nya.Hindi ko alam kung ano mangyayari ngayon pero hinanda ko na ang sarili ko.Mabuti na lamang at may spare key ako ng unit nya para makapasok ako kahit tulog pa sya.
Pagdating ko ay dumiretso ako sa kwarto nya.Ngunit laking dismaya ko ng makitang wala pa ito dito.Nagayos na lamang ako ng kwarto nya ng may mapansin akong isang kahitang kulay pink.Kinuha ko ito at binuksan mabilis na nagunahan ang mga luha ko ng makita ko ang laman nito.Isang diamond ring ito simple ngunit elegante.Pinalis ko ang luha at mabilis na inayos ang sarili ko at isinauli ang kahita sa pinaglalagyan nito.Dumiretso ako sa kusina upang ipagluto ng pagkain si Chivas.Simpleng umagahan lamang ang inihanda ko.Pagkababa ko ng pitsel ng orange juice ay narinig ko na bumukas ang pinto kaya agad ko itong tinungo.
"Goodmorning Love." Bati ko kay Chivas na mukhang sa hospital ito nagpalipas ng gabi.Mukhang nagulat ito ng makita ako.
"A-ang aga mo yata Love." Sabi nito at lumapit sa akin.
"Namiss kitang ipagluto ng breakfast kaya andito ako."masiglang sabi ko.Mataman akong tinignan nito bago ngumiti at niyakap akong mahigpit.
"Mahal na mahal kita Love." Bulong nito. Bigla naman tumulo ang luha ko kaya agad ko itong pinalis.
"Tara na kain na tayo bago pa lumamig niluto ko." Yaya ko dito sabay hila sa kanya papunta sa kusina.
Naupo na ito kaya naman pinagsilbihan ko sya.Nagsasalin ako ng pagkain sa plato nito ng bigla akong hilahin kaya napaupo sa kandungan nya kaya napatili ako. Niyakap ako nito mula sa likod at pinatong ang ulo sa balikat ko.
"Alam kong namimiss mo pagaalaga sa akin pero sobrang aligaga ka sa pagaasikaso mo sa akin.Dapat ikaw ang pinagsisilbihan ko Love." Bulong nito.
Kinagat ko ang labi ko bago ako magsalita upang mapigil ko ang emosyon ko.
"Alam ko kasing pagod ka.Sige na kain na para makapagpahinga ka wag ka muna pumasok sa restaurant.Tinext ko na si Maki." Sabi ko at pinilit tumayo sa kandungan nya upang maupo sa tabi nitong upuan.
Tinignan lamang ako nito na parang hindi makapaniwala.
"You planned all of this?" Tanong nito
Marahan naman akong tumango.
"Masyado ka kasing naging busy lately kaya gumawa na ako ng paraan para magkabonding tayo.So please pakabait ka muna ngayon ah bawal muna business please." Sabi ko humalakhak naman ito bago tumango at inabot ako upang halikan sa pisngi.
"Im so in love with you silly girl." Sabi nito
Pagkatapos namin kumain ay napagpasyahan namin ni Chivas na manuod nalang ng movie nasa kalagitaan kami ng pinapanuod namin ng sumiksik ito sa tyan ko at nakatulog.Kasalukuyan syang nakaunan sa hita ko habang nakayakap sa bewang ko dahil nakaupo lamang ako at nakasandal sa headboard ng kama nya.Pinagmamasdan ko lamang ito habang natutulog.Hinaplos ko ang buhok nito dahilan upang unti unti itong magising.
"Sorry Love nakatulog pala ako masyado siguro akong napagod kahapon." Paos na sabi nito. Ngumiti naman ako dito.
"It's fine alam kong pagod ka sa dami ng ginagawa mo ngayon." Sagot KO
"Thank you Love." Sabi nito at muling sumiksik sa tyan ko.
"Saan ka pala nagpunta kagabi Love?" Tanong ko naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap nito.Kinagat ko ang labi ko at bumuntong hininga ako bago magsalitang muli.
"Bakit hindi mo agad sinabi?Bakit mo tinago?" Pumiyok ako sa huling tanong ko kaya napatayo si Chivas at umupo sa tapat ko.
"L-love." Tawag nito pero umiling lamang ako.
"Sinundan kita kagabi.Sino yung babae dito noon?Anong koneksyon nya sayo?" Sunod sunod kong tanong.
Lumapit naman sa akin si Chivas at niyakap ako dahilan upang lalo akong umiyak.
"I'm sorry.I'm really sorry kung hindi ko agad sinabi kelan ko lang din nalaman." Umpisa nito habang pinapatahan ako.
"Sya si LJ.Ex girlfriend ko kelan ko lamang nalaman na nabuntis sya at ako ang ama.Hindi naman daw nya gusto ako guluhin pero may sakit si Xian at kailangan ako.Hindi ko alam paano ko sasabihin sayo.Natatakot akong magalit ka sa akin.Isipin mo na niloko kita." Patuloy nya.
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan sya.Hinawakan naman nito ang mga pisngi ko at pinalis ang luha.Hindi ko alam ang dapat ko sabihin patuloy lamang ang pagtulo ng luha ko.Napapikit na lamang ako ng lumapit sya at halikan ako sa noo.
"Masaktan na ako wag ka lang Tiffany."
BINABASA MO ANG
I Fall(COMPLETED)
General FictionAno nga bang mangyayari kung mahuhulog ka sa isang tao sa maling pagkakataon.. SPG ALERT.. READ AT YOUR OWN RISK. 😘😘😘😘😘