Chapter 17

1.7K 49 38
                                    


Halo halong emosyon ang nararamdaman ko.Parang gusto ko ipaulit ang mga sinabi ni Chivas pero may parte sa akin na ayaw ko na muling marinig.Dumilat ako nagtagpo ang mga mata namin namin at kitang kita sa mata nya ang pagsisisi.Patuloy ang pagdaloy ng luha ko habang patuloy nanghihingi ng kapatawaran si Chivas.

"G-gusto ko sya makita."bulong ko.

Tumango naman si Chivas at niyakap akong mahigpit.

Para akong tuyong dahon na nililipad ng hangin buong byahe papunta sa ospital ay tahimik lamang ako habang hawak hawak ng mahigpit ni Chivas ang kamay ko.Pilit kong pinakalma ang sarili habang naglalakad kami sa pasilyo at unti unti kumunot ang noo ko ng mapagtanto ko na hindi namin tinatahak ang papunta sa kwarto na pinagkitaan ko sa kanya kagabi.Tumigil kami sa tapat ng isang malaking salamin kung saan makikita mo ang pasyente.Nakaratay doon si Xian habang may nakakabit na ibat ibang aparato habang si LJ ay hawak hawak ang kamay nito.

Intensive Care Unit

Bago pa naman mabuka ang bibig ko ay nagsalita na si Chivas.

"Kinailangan na sya operahan kagabi sa puso.Inatake na naman sya kahapon dahil hinahanap daw ako ni Xian hanggang sa umiyak ito at ayaw tumahan.Hindi madala sa akin ni LJ dahil alam nya na opening ng restaurant ko.Hanggang na inatake na ito at sinabi agad ng doktor na kailangan na operahan."

Napayukom ang mga palad ko.Kailangan si Chivas ni Xian.Kailangan sya nito.Tanging tumatakbo sa isip ko.

"Magmula ng makilala ko si Xian parang nagkaroon ng parte sa sarili ko na nabuo.Sobrang galang at masayahin nyang bata.Nagalit pa ako kay LJ nung una bakit ngayon lang.Ngayon nya lang pinakita at pinaalam na may anak kami.Mukha ba akong takot sa responsibilidad?" Pagak na tawa nya.Hindi man nya sabihin ay alam kong masakit sa kanya na makita si Xian sa ganitong estado.Hinawakan ko kamay nito ng mahigpit.

"Magiging ok din si Xian." Bulong ko dito.Niyakap naman ako nito.

Nasa ganoong posisyon kami ng bumaling si LJ sa pwesto namin.Nakita ko ang pagkagulat nya at pagpapalit ng lungkot sa mga mata.Humiwalay ako kay Chivas at tinanguan ko ito.Mabilis naman itong pumasok sa loob.Sinalubong sya ng isang nurse doon at pinagsuot ng hospital gown at mask.Lumapit sya kay LJ at kinausap ito.

Kumabog ang dibdib ko ng makita ko na si LJ na lumabas ng kwarto at lumakad papalapit sa akin.Mukhang wala pa syang tulog pero nakakangiti pa din sya.

"Hi." Sabi ko dito pagkalapit nito at minuwestra ko ang upuan sa tabi ko.Halata mo ang pagdadalwang isip nya bago sya naupo.Nanatili kaming tahimik na magkatabi na parang nagpapakiramdaman kung sino unang magsasalita.

"I -im sorry." Bulong nya pero nanatiling nakatingin kung saan marahang hinihimas ni Chivas ang buhok ni Xian na parang kinukwentuhan kahit na tulog ito.

"Bakit ka nagsosorry?" Tanong ko .

"Dahil mukhang nagkagulo kayo ni Chivas dahil sa amin ng anak ko."

"Anak nyo ni Chivas." Putol ko sa kanya.Marahan naman itong tumango at bumuntong hininga bago muling magsalita.

"Hindi ko talaga intensyon na makigulo pero anak ko na ang nasa bingit ng kamatayan ayaw nyang magpagamot hanggat hindi pa nya nakikilala ang daddy nya.Para kasi syang matanda na naligaw sa katawan ng apat na taong bata.Kaya sa tuwing makikita kita ako na ang umiiwas dahil nahihiya ako sayo.Ayaw kong magalit sa akin si Chivas kapag nalaman nya na umaaligid ako sa inyo.Ang kailangan ko lang ay maging ama sya sa anak ko kahit ngayon lang dahil sa kanya kaya gusto magpagamot ni Xian kaya patawarin mo ako kung humahati kami sa oras na sana ay para sayo." Mahabang paliwanag nya.

Hinawakan ko ang kamay nya kaya napatingin sya sa kamay ko bago tumingin sa akin na puno ng pagtatanong ang itsura.

"Wag kang magsorry.Bata pa si Xian para maranasan ang lahat ng ito.Kung ako din ang nasa kalagayan mo ay pupuntahan ko din ang ama ng anak ko kahit saang sulok pa ng mundo." Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko.

Marahan ngumiti sa akin si LJ.

"Hindi na ako nagtataka kung bakit minahal ka ni Chivas.Your selfless unlike me." Malungkot na saad nito habang marahan na tumatawa.

"Mahal mo pa sya." Bulong ko. Ramdam na ramdam ko.Hindi lang dahil kay Xian kaya pinipilit nyang muling makalapit kay Chivas.

Napatigalgal naman sya sa sinambit ko at nagpaalam na magccr lamang.Pinanuod ko lamang syang balisang naglalakad palayo.

Sa mga oras na to alam ko na ang nararapat kong gawin.

Napagpasyahan kong pumasok sa loob ng kwarto.Katulad ng kay Chivas ay pinasuot din ako ng hospital gown at mask.

Nakangiti kong sinalubong ang mga mata ni Chivas.Tumabi ako dito.

"Okay ka lang?" Tanong nito tumango lamang ako at pinatili ang tingin ko kay Xian.

"Gusto kong makita na masigla si Xian.Gusto ko makita ang mga bagay na minahal mo sa kanya bukod sa anak mo sya." Bulong ko

Naramdaman ko naman ang pagpulupot ng kamay nya sa bewang ko.

"Makikita mo sya Love.Aalagaan natin sya." Sagot nito. Humarap ako kay Chivas at sinapo ang mga pisngi nito.

"Mahal kita Chivas pero kailangan ka ng magina mo.Ma's kailangan ka nila kumpara sa pangangailangan ko sayo." Magsasalita sana sya pero nilagay ko ang hintuturo ko sa labi nya.Unti unti pumatak ang luha ko.

"Ayaw kong ipagkait kay Xian ang kumpletong pamilya na deserve nya.Ayaw kong maging hadlang.Wag mo isipin na hindi ko tanggap si Xian mahal ko na sya dahil mo sya.Kailangan ka niya Chivas." Pumipiyok na salita ko..

"Iiwan mo na ako Tiffany?" Umiiyak na ding sabi nito.

"Mahal na mahal kita Chivas pero kailangan kita pakawalan." Bulong ko.Mabilis naman itong umiling.

"May sinabi ba si LJ sayo? Sinabi ba nyang iwan mo ko?" Halos sumigaw na nyang sabi at akmang lalabas ng kwarto pero niyakap ko naman ito.

"Wala syang sinabi o anu pa man.Nagsosorry pa nga sya dahil nagulo daw nya tayo.Wag kang magalit sa kanya ako ang may desisyon nito.Sariling desisyon ko." Paliwanag KO

Unti unti naman itong lumuhod sa paanan ko.Pinipilit ko itong itayo ngunit yumakap lamang ito sa mga hita ko.

"Please Tiff don't do this.Please love." Sabi nito

"Ghad Chivas tumayo ka please." Pakiusap ko.

"No hanggat hindi mo binabawi sinabi mo." Pagmamatigas nito.

"I'm sorry Chivas pero nakapagdesisyon na ako.Alagaan mo si Xian." Sabi ko at pilit kumawala sa kanya at naglakad palabas.Nakasalubong ko si LJ.Tumango lamang ako dito at dumiretso palabas.Nakita ko pa sa salamin si Chivas habang nakaluhod at kung paano ito niyakap ni LJ.Pinikit ko na lamang ang mga mata ko at pinalis ang luha ko bago tuluyang umalis sa ospital.








I Fall(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon