Tamad kong kinakapa habang nakapikit ang cellphone ko na kanina pa tumutunog.Mabuti na lamang at hindi maaga ang pasok ngayon dahil ang bigat bigat ng ulo ko dahil hindi ako nakatulog sa kakaisip sa hinayupak na Maki na yun.Agad kong sinagot ang tawag ng hindi tinitignan ang caller."hello" tamad kong bungad dito.
"Good morning love tanghali ka yata nagising ngayon? Kanina pa ako tumatawag sayo by the way nandito na ako sa Manila and the seminar is about to start so call you again later.Eat your breakfast love I love you."dirediretsong sabi nito.
"Ok I love you too Love." Tamad kong sagot at binaba na nya ang tawag.Napamura nalang ako ng mahina ng marinig ko na may magdoor bell.Tumayo ako para tuluyan nang lumabas ng kwarto ko na hindi na nagaksaya pa na magpalit ng damit.Inis akong bumaba ng hagdan at iniisip kung paano ko papatayin ang taong may balak yatang sirain ang doorbell kakapindot dito.
Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang gwapong nilalang na hanggang tenga ang ngiti.
"Mas maganda ka pa sa umaga babe.Breakfast?" Sabi nito at inangat ang mga paper bag nyang hawak.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ngunit hindi ako nito pinansin nagtuloy tuloy lamang ito papunta sa kusina kaya naman sinundan ko ito.Inabutan ko ito na inaayos na ang kanyang mga daladala.
"Hoy Maki! Ano kako ang ginagawa mo dito?" Sigaw ko dito.Humarap naman ito sa akin at ngumisi.
"Baby magbihis ka muna.You're making me horny." Sabi nito at bumalik na muli sa ginawa nya.
Napatingin naman ako sa suot ko nakacotton shorts and sando lamang ako at wala akong bra!"BASTOS!" sabi ko at dali daling pumanhik pero umiral ang pagiging clumsy ko at napatid ako dahilan para mawalan ako ng balance kaya ang resulta nalaglag ako sa hagdan.Sinubukan kong tumayo pero napahiyaw ako sa sakit.Damn.
"Tiffany!!What the hell happened!" Sigaw ni Maki nang makita akong nakahandusay sa sahig.Napaiyak naman ako.Dali dali naman dumalo sa akin si Maki.
"Tama na babe.Tahan ka na.Dadalin kita sa ospital." Masuyong sabi nito.Dahan dahan nya akong binuhat ngunit napaiyak akong ng mahawakan nya ang likod ko.
"Sorry baby." Sabi nito at hinalikan ako sa noo.Ilang mura pa ang narinig ko sa kanya habang binabalutan nya ako ng jacket na mula sa back seat ng sasakyan nya.
Pagdating namin sa malapit na hospital sa amin ay agad kaming dinaluhan.
Napaiyak akong muli ng suriin ng doktor ang mukhang magang maga na likod ko at mukhang may bali na kanang braso ko.Hindi naman binitiwan ni Maki ang kamay ko habang ginagamot ako bawat iyak ko ay mura ang naririnig ko rito.Sinimento ang braso.Damn hindi ko akalain na kaya akong dalhin ng katangahan ko sa ganitong sitwasyon.
Seryosong nagmamaneho si Maki habang pauwi na kami.Hindi ko alam kung paano ko sya kakausapin.Nakakaramdam ako ng hiya.Gumalaw ako upang humarap sa kanya.Napaigik ako kaya naman mabilis na napatingin sa akin si Maki.
"Ano Tiff may masakit pa ba sayo? Ibabalik kita sa ospital." Sabi nito at dahan dahan ihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
Umiling naman ako.
"Sorry." Mahinang sabi ko at yumuko parang maiiyak na naman ako.Hinawakan naman nya ang baba ko upang magpantay ang mukha namin at umiling ito.
"Ako ang dapat magsorry kung hindi kita sinabihan ng ganun hindi ka magmamadali umakyat sa hagdanan." sabi nito.Kaya ba sya tahimik dahil sinisisi nya sarili nya?
"Wag mo sisihin sarili mo clumsy ako talaga.So pwede ba tayo dumaan sa drive thru at nagugutom na ako." Sabi ko dito kaya marahan itong napatawa.
"Kahit ano para sayo mahal na prinsesa." Sabi nito at nagpatuloy na sa pagdadrive dumaan lamang kami sa isang fast food chain pagkatapos ay umuwi na kami ng bahay.
Nakita namin si Ate Meg sa harap ng bahay pagdating namin.Agad nya akong sinalubong ng makita na ang nakacast kong braso.
"Anong nangyari sayo!" Sabi nito habang inaalalayan ako napasigaw ako ng mahawakan nya ng madiin ang likod ko.
"Careful Ate Meg!" Sigaw ni Maki na nasa likod na pala namin dala dala ang mga binili namin sa drive thru.Ibinigay nito lahat ng hawak nya kay Ate Meg at sya ang umalalay sa akin.
"Sorry naman.Ano ba kasi ang nangyari!" Muling tanong nito.
"Katangahan ko lang Ate Meg nalaglag ako sa hagdanan."Sabi ko na parang sinabi ko na nadapa lamang ako.
"What!" Sigaw nito
"Ate Meg hindi kailangan ni Tiff ang sermon mo kailangan nya ay pagkain dahil gutom na sya." Sabi ni Maki ng maiupo nya ako sa sofa.
"Fine aayusin ko lang ang pagkain.Dyan ka nalang Tiff."tumango na lamang ako sa sinabi ni Ate Meg.
"Maki wag mo sasabihin kay Chivas ang tungkol dito please."Parang nagulat naman ito sa sinabi ko.Nanatili lamang itong nakatingin sa akin.
"Ayaw ko na kasi magalala sya sa akin.Alam ko naman busy sya sa Manila at first day palang ng seminar nya kaya please." Sabi ko dito.Umigting naman ang panga nito at tumango.
"Lucky as fuck!" Sabi nito nang tumayo at dumiretso sa kusina.Sya naman paglabas ni Ate Meg dala dala ang pagkain.
"Hindi ka ba busy Ate Meg? Baka nakakaabala na kita?" Sabi ko dito para akong bata na kailangan alagaan bawat galaw ko masakit.
"Day off ko ngayon napansin ko kanina kasi na bukas ang gate nyo kaya pumasok ako tapos tinatawag kita walang sumasagot.Paalis na ako nung dumating kayo." Sabi nito habang sinusubuan ako.
"Pagkatapos mo sya pakainin Ate Meg painumin mo na sya gamot then icold compress mo sya sa likod then bihisan mo.May pupuntahan lang ako." Sabi ni Maki at lumabas na.Napatingin naman ako kay Ate Meg habang umiiling at natatawa.
"Anong nangyari doon?" Kibit balikat lang ang sagot sa akin nito.
Napailing nalang si Ate Meg.
BINABASA MO ANG
I Fall(COMPLETED)
General FictionAno nga bang mangyayari kung mahuhulog ka sa isang tao sa maling pagkakataon.. SPG ALERT.. READ AT YOUR OWN RISK. 😘😘😘😘😘