Chapter 14

1.6K 51 26
                                    


"Love ikaw na pumili ng susuotin ko please." Sabi ni Chivas

Kasalukuyan kasi kaming nandito sa mall.Pagkatapos ng umagahan namin kanina ay naisip ni Chivas na mamasyal kami at bumili na din ng susuotin nya para sa opening ng Zuchinni's next week gusto daw nya ako ang pumili nito.

"Bakit ako? Kahit ano namang suotin mo ay bagay sayo." Ani ko.

Ngumuso naman ito.Minsan talaga parang bata eh.Naglakad lakad naman ako sa loob ng shop.Tumingin naman ako sa likod ko upang tignan si Chivas.

Anak ng tukneneng!

Nandoon pa rin ito kung saan ko iniwan.Parang kawawang bata na hindi sinunod ang gusto.Napailing nalang ako at nilapitan ito.

"Ano na akala ko ako pipili ng damit mo?"

Ang simangot at haba ng nguso nito ay napalitan ng maaliwalas na mukha.Ngumiti ito at mabilis akong inakbayan.

"So tara na po Love." Ani nito

Namili lang ako ng simple pero eleganteng damit para sa kanya.

"Ikaw Love hindi ka ba bibili ng damit mo?" Tanong nito.

"Madami pa naman ako damit na hindi nasusuot.Yung mga pasalubong ni Mama." Ani ko

"Bakit hindi natin minsan libutin sila Tita sa Singapore?" Napatingin naman ako sa tanong nito.

"Hmmm.balak ko naman sumama sa kanila after ng graduation ko.Bakasyon lang daw.Sama ka nalang sa akin?"

"Sige.I think we need to unwind." Sabi nito at hinalikan ang sentido ko.Nagikot ikot pa kami sa mall.Tamang lakad lang parang napatagal na ng huli namin ginawa itong paglilibot.

"Nagugutom na ako Love." Sabi ko sa kanya.

"Saan mo gusto kumain Love?"Tumingin tingin naman ako sa paligid.

" Parang gusto ko ng pizza.Tara nalang sa Greenwich."sabi ko at hinila ito sa papunta sa Greenwich.Pinahanap nalang nya ako ng lamesa para sa amin at sya na daw ang oorder sa counter.

Habang naghahanap ako ng lamesa para sa amin ay nakita kong muli ang babae sa unit ni Chivas kanina.Nasa sulok na bahagi ito at mY kasama mukhang seryoso ang pinaguusapan nila.Maganda ang babae maamo ang kanyang mukha at masasabi mo na may sinasabi sa buhay ngunit mahahalata mo ang pagod sa kanyang mukha at lungkot sa kanyang mata.Naramdaman naman nya yata na may nakatingin sa kanya kaya napatingin ito sa gawi ko.Nanlaki ang mata nito at dali daling niyaya ang kasama nya para umalis.

Napakunot noo naman ako dahil sa inasal nya.Ano kaya talaga ang koneksyon nila nila?

"Love may nahanap ka na bang upuan?" Napabalik ako sa isip ko ng marinig ko ang boses ni Chivas.

"Ah oo tara." Sabi ko nalang at hinila sya sa isang malapit na lamesa.

"Ok ka lang ba Love?"napatango na lamang ako.
Nagkwento naman si Chivas tungkol sa pagbubukas ng Zuchinni's kung gaano sya kaexcited kaya nawala na sa isip ko ang babae at bumalik na ako sa wisyo ko.

"Kapag bumukas na ang Zuchinni's yun simula ng mga pangarap natin Love." Sabi ni Chivas at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.

"Alam kong magiging successful yun." Sabi ko habang nakangiti.

Gabi na ng magpasya kaming umuwi.Habang nasa daan kami ay walang tigil ang tawag sa cellphone ni Chivas.

"Bakit hindi mo yan sagutin Love?" Sabi ko

Tumingin naman ito sa akin pagkatapos ay sa cellphone nya.

"Si Maki lang yan.Nasa Zuchinni's sya ngayon.Sabi ko sya muna bahala." Parang aligagang sagot nito.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang pangalan ni Maki kaya tumango nalang ako at muling tumingin sa daan.

Muli na naman tumunog ang cellphone ni Chivas at sa pagkakataon na ito ay sinagot na nya.

"Bakit?" Tanging simula nya.

"Ano!sige pupunta na ako." Sabi lang nito at pinatay na nya.

Mabilis itong bumaba sa sasakyan ng dumating kami sa bahay upang pagbuksan ako ng pinto.

"May problema ba?" Tanong ko

"A-ah pupunta lang ako sa restaurant emergency.Tatawagan nalang kita kapag okay na ." sabi lang nito at mabilis akong hinalikan sa labi tsaka pumasok na ng sasakyan nya.Nagpasya akong itext na lamang ito.

Chivas:
Dahan dahan sa pagdadrive ingat.

Bago ko pa maitago ang cellphone ko ay tumunog na ito.Akala ko ay si Chivas.

Maki:
Are you home?

Napakunot naman ang noo ko akala ko ba ay may emergency sila.

Maki:
Yupe.y?

Muling tumunog ang cellphone ko at nakita ko na tumatawag na ito.Mabilis ko naman itong sinagot.

"Hello boss babe.I miss you." Bungad nito sa akin.

"Hindi ka busy?" Tanong ko.

"Kakauwe ko lang po galing Zuchinni's.Grabe pagod ko boss babe.Buti nalang natapos na pagaayos dun.Ready na for next week." Napatigil naman ako dahil doon.

Anong emergency ang sinasabi ni Chivas?

"Pahinga ka nalang po muna.Pagluluto kita bukas promise."

"Talaga sige po." Sabi nito pinatay na ang phone mukhang pagod nga at hindi makulit.

Tinignan ko naman ang cellphone ko at wala pa din sagot si Chivas doon.

Asaan siya?

Para sayo baby max feel na feel ko inis mo eh.hahahaha 😘😘😘


I Fall(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon