Chapter 4

2.2K 80 31
                                    


"Will you please stop flirting with me Maki!" Galit na saad.
"Why so cute when your pissed?"sabi nito nang kurutin ang pisngi ko. Para naman akong nakuryente sa hawak nya kaya napaatras ako.
"Babe I'm not flirting with you.Gusto nga kita suntukin sa labi mo gamit ang labi."sabi nito at kinagat ang labi.Napalunok naman ako ng wala sa oras.
Magsasalita pa sana ng biglang pumasok si Chivas sa kusina.
"Oh Maki hinahanap ka ni Casey."sabi nito "Love matagal pa yang niluluto mo?" Baling nito sa akin habang yumakap sa bewang ko. Napatingin naman ako kay Maki na matamang nakatingin sa amin bago lumabas ng kusina.Napayuko na lamang ako at tinuon ang atensyon kay Chivas.
"Saglit nalang to isasalin ko na.Then gagawa nalang ako ng nachos." Sabi ko habang sinasandok yung niluto ko .Hinintay naman ako ni Chivas matapos sabay kaming bumalik sa sala para sa mga pinsan ko. Hindi na muli lumapit sa akin si Maki pero madalas ko itong nahuhuli na nakatingin sa akin.Napapailing nalang ako.

Lumipas ang mga araw na walang paramdam si Maki pero bukambibig sya ni Casey mukang lagi silang magkasama minsan ay nakakaramdam ako ng inis.Nagpakabusy na lamang ako sa mga projects ko. Pilit ko din kinakalimutan ang mga pakiramdam na binibigay sa akin ni Maki.Kasalukuyan akong papunta ngayon kay Chivas ilang araw na kaming hindi nagkikita mula nung nagpunta sya sa bahay kaya naisipan kong puntahan.Pagpasok ko palang ay naririnig ko na ang tawanan mula sa tingin ko ay opisina kaya naman dumiretso na ako dun at parang nagulat pa si Chivas ng makita ako habang napangisi naman si Maki natigil din sa pagtawa ang isang babae na kasama nila kaya naman napataas ako ng kilay sa tagal na hindi kami nagkita ito ang sasalubong sa akin.

"Sobrang busy pala ng hinayupak." Bulong ko

Napakagat ako sa labi habang nakatingin sa kanila. Dali dali naman tumayo si Chivas at sinalubong ako ng yakap at halik.

" Love what a pleasant surprise." Sabi nito at inakay ako sa sofa."Girlfriend ko nga pala si Tiffany."sabi pa nito ngumiti naman ng pagkatamis tamis ang babae na sa mga oras na to hindi ko magugustuhang makita.

"Angelica"inabot nito ang kamay nya sa akin "Chivas interior designer nice to finally meet you."ngumiti ako at inabot ko ang kamay nito mabilis ko din ito binitiwan.

Tumikhim naman si Maki na nakaagaw ng atensyon namin.

"Ah siguro mauna na ako Chivas, Maki bukas nalang papakita yung kulang pa na mga design.Tiffany una na ako." Paalam nito

"Ah sige Angel so see you tomorrow." Sabi ni Chivas ngumiti naman ito.Flirt !

Maagap naman tumayo si Maki.

"Hatid na kita pauwe Angelica." Agad naman itong tumango at lumabas na.Isa pang flirt bagay sila.Pilit kong tinatabunan ang inis na nararamdaman ko.

Naramdaman ko naman ang kamay ni Chivas sa bewang ko habang sinisiksik ang mukha niya sa leeg ko.
Kinurot ko naman sya sa tagiliran may kasalanan pa sya sa akin hindi ko alam ang tungkol sa Angelica na yon kung hindi pa ako magpunta dito ay hindi ko malalaman.

"Aww.anong problema mo Love?" Malambing na sabi nito.

"Bakit hindi mo sinabi na may katrabaho ka palang babae?" Hindi naman ako mahigpit na girlfriend ayaw ko lang ng wala ako alam.Ngumiti naman itong parang baliw at inakap na naman ako mas mahigpit lang ngayon.
"Nagseselos yata ang Love ko." Bulong nito hinampas ko naman ang likod nito.
"Hindi noh kapal mo." Sabi ko kaya naman napatingin ito sa akin habang nakangiti na naman ng nakakaloko.Magsasalita pa sana ako ng bigla nya akong halikan nito kaya naman tuluyang napahiga na kaming dalawa sa sofa."Kanina pa kita gusto halikan Love ang cute cute mo magselos pero wag kang magalala ok ikaw lang mahal ko ikaw lang I love you Tiffany."Napangiti naman ako "I love you too Love."
"Kain tayo Love nagugutom ako." sabi ko napakagat naman ito sa labi at bahagyang umungol.Napahagikgik naman ako.
"You're such a tease." Muli akong dinampian ng halik nito.Inayos namin ang aming sarili at umalis na.Nagpasya kaming sa isang fast food chain na lamang kumain.
"Ah Love may seminar nga pala akong pupuntahan sa Manila bukas." Sabi ni Chivas habang kumakain ng burger.
"Ilang araw?" Tanong ko
"Tatlong araw yung seminar pero baka magstay din ako ng medyo matagal sa Manila." Napakunot naman ang noo ko.
"Bakit?"
"Maghahanap din kasi ako Love ng mga supplier ng mga kailangan sa restaurant kaya habang wala ako si Maki muna bahala sayo ah tulad ng dati." Sabi nito habang hinihimas ang pisngi ko napanguso naman ako.Mukang hindi magandang ideya iyon.
"Bakit kailangan pa ako bantayan ng pinsan mo?Kaya ko naman sarili ko."Dinampian naman ako nito ng halik sa labi bago ako sagutin.Mula nang manligaw ito at kinakailangan nya umalis para sa trabaho ay si Maki lagi ang pinagbabantay nito sa akin.
"Gusto ko lang lagi ka safe." Malambing na sabi nito kaya naman pumayag nalang ako kesa humaba pa ang diskusyon kahit labag sa akin.
Dapat ko bang sabihin ang pagamin ni Maki. Wag nalang siguro.Baka akala nya lang isa ako sa mga babaeng maloloko nya.
Pagkatapos namin ay hinatid ako ni Chivas sa bahay.
"Goodnight Love.I love you." Sabi nito ng nasa gate na kami ng bahay.
"Goodnight Love ingat ka bukas at wag titingin sa ibang babae dun.I love you." Sabi ko habang nakaakap sa bewang nya na parang bata.
Tumawa naman ito at hinalikan ako sa ulo.
"Love no need to remind me.Sayo lang ako ikaw lang mahal ko kahit maghubad pa sila sa harap ko wala akong pakealam, sayo lang ako titingin okay mahal kita." Sabi nito para naman akong aatakihin dahil sa kilig.Sobrang sweet kasi talaga ni Chivas isa sa mga dahilan bakit ako nahulog sa kanya.
"Promise mo yan ah.Tawagan mo ako araw araw.I love you." Sabi ko at pumasok na sa gate.Hinintay ko naman makaalis si Chivas bago ako tuluyan pumasok sa loob at nagtuloy tuloy sa kwarto.Nakahiga na ako ng tumunog ang cellphone ko sa pagaakalang si Chivas ito ay mabilis ko itong kinuha.Laglag ang panga ko ng makita ko kung sino any nagtext.

Maki
I'm so damn jealous when I see you laughing and giggling because of other guy.I don't care if he's my cousin.I love you that's all matters to me.

Bumilis ang tibok ng puso ko at dali daling binalik ang cellphone sa side table ko at nahiga sa kama.

"Damn you Maki just damn you."

I Fall(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon