Chapter 19

1.8K 56 18
                                    

Nagising ako na may humahaplos sa buhok ko.Pinilit kong idilat ang mga mata ko upang makita kung sino ito.

Nakangiting mukha ang bumungad sa akin ngunit sa kanyang mga mata ay kitang kita ang pagaalala.

"Youre awake.Kamusta pakiramdam mo?" Paos na sabi nito.

Hindi ko mahagilap ang dapat ko sabihin kaya nanatili lamang ako nakatitig sa kanya.Nasa harap ko ngayon ang taong walang alam gawin kundi ang mahalin at intindihin ako sa bawat bagay.Ang taong hindi ako iniwan ano mang unos ang dumating sa akin.Ang taong alam kong susuporta sa akin.

Nanghihina kong iniangat ang aking mga kamay upang abutin ang pisngi nya at haplusin.Napapikit naman ito at dinaluhan ng kamay nya ang nanlalamig kong kamay ng maiinit nyang palad.

"Thank you Maki." Bulong ko habang nagsisimula na naman mamuo ang mga luha ko.

Hinalikan nito ang likod ng kamay ko at ngumuti sa akin.

"Lahat gagawin ko para sayo.Lahat lahat Tiffany kahit hindi ko kaya kakayanin para sayo dahil mahal na mahal kita." Sabi nito na tuluyang nakapagpaiyak sa akin.

I don't deserve a man like this.

Hindi ako nababagay sa tulad nya.Masasaktan lamang sya sa tulad ko.Hindi ako nababagay sa halos perpektong lalaki sa harapan ko.

"Gusto mo ng tubig o gutom ka ill cook for you."sabi nito paalis na sana ito ng hilahin ko ang kamay nito.

"Stay." Bulong ko

Tumango lamang ito na parang napakahirap na bagay ang pananatili kasama ako.

Pinilit kong tumayo sa kama at tumayo sa harap nya.Ngunit hindi pa nagtatagal ay kinabig na nya ako papalapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.

"I can't stand seeing you like this baby.I can't i just can't."bulong nito

Gumanti naman ako ng yakap sa kanya habang patuloy na tumutulo ang luha ko.

" S-sorry im really sorry."piyok na sabi ko

Humigpit naman ang yakap nito sa akin.

"Sssshh..Wala kang dapat ihingi ng sorry.Walang may gusto na masaktan.Walang may gusto na magkasakitan." Sabi nito habang inaalo ako.

"I-i want to talk to LJ." Ani ko habang parang batang nakayakap kay Maki.

"Yes baby.Anything you want we'll make it possible.Anything baby anything." Sabi nito habang dinadampian ng halik ang  buhok ko.



Tahimik kaming bumyahe papunta sa hospital.Hinanap ko si Ate Mheg ng paalis kami ng bahay ay sinabi ni Maki na umalis ito at may emergency na pupuntahan kaya tinawagan lamang sya upang bantayan ako dahil hindi mahagilap ang mga pinsan ko.

Napahawak ako ng mahigpit kay Maki ng huminto kami sa parking ng ospital.Napatingin ito sa akin at ginantihan ang paghawak ko sa kamay nya.

"Kaya mo yan okay." Ani nya.Tumango lamang ako at inayos ang sarili ko.

Naglakad ako papunta sa garden ng ospital kung saan kami magtatagpo ni LJ.Tinawagan na sya kanina ni Maki upag makipagkita ngunit hindi nya alam na ako ang makikita nya..

Inabutan ko syang nakaupo sa isang bench doon habang nakatingala sa langit gabi na kaya magisa lamang sya.Tumabi ako sa kanya at tumingin din sa langit.Ang gaan talaga sa pakiramdam.

"Kapag naguguluhan ako tumitingin din ako sa langit.Iba kasi nararamdaman ko parang kahit may problema ako ay nawawala kahit ilang segundo habang nakatingin ako sa langit na puno ng bituin.Ganun ka din ba?" Sabi ko sabay tingin sa kanya na kasalukuyan na palang nakatingin sa akin at hindi makapaniwala.

"T-Tiffany A-anong ginagawa mo dito?" Laglag panga nyang turan.

"Gusto kita makausap kaya nakiusap ako kay Maki na tawagan ka.Alam ko kasi na kapag sinabi nya na ako ang makikipagusap hindi ka sisipot." Bulong ko

Narinig ko naman ang paghikbi nito.

Nakayuko na ito ngayon at mukhang umiiyak na.

"Nahihiya kasi ako sayo.Ang bait mo.Ang bait bait mo.Maayos kayo ni Chivas tapos bigla ako susulpot at sasabihin na may anak kami at may sakit pa." Pagak na sabi nito.

Hinawakan ko naman ang balikat nito habang patuloy ang usal ng sorry.

"Naniniwala ako na everything happens for a reason.Gusto ko kita kausapin hindi dahil galit ako.Gusto kita kausapin para matapos ito ng maayos.Gusto ko okay tayo." Sabi ko habang pilit pinapatatag ang sarili ko.

Napaayos ito ng upo at luhaang tumingin sa akin.

"Aalis ako ng Pilipinas.Wala pang may alam ikaw palang.Gusto ko alagaan mo si Chivas at subukan suyuin syang muli.Gusto ko ng buong pamilya para kay Xian wag nyong ipagdamot sa kanya iyon." Sabi ko

Napatulala naman si LJ mukhang hindi makapaniwala na aalis na ako.Tinawagan ko na sila Mama at Papa sabi ko ay pupuntahan ko na sila dun at hindi na ako aattend sa graduation ko.I need some air to breath.Kailangan ko muna buuin ang sarili ko bago ako nagmahal ng iba.

"B-bakit?" Mukhang natauhan na ito sa pagkakatulala.

"I just need new environment.Parang bumaliktad ang mundo natin.Kailangan ko ng oras para sa sarili ko.Kaya alagaan mo mga boys mo at sana wag mo pagsasabi sana sa iba na aalis ako.Sige na aalis na ako.Bye LJ.sana pagbalik ko maging magkaibigan tayo." Hindi ko na napigil at tumulo na ang luha ko.Mabilis akong niyakap ni LJ habang patuloy ang paghingi ng patawad at pasasalamat.

Agad akong dinaluhan ni Maki ng makita ako.Hindi maubos ang luha ko at patuloy ang pagdaloy.

"Uwi na tayo please." Pakiusap na agad nitong sinangayunan...

I Fall(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon