Chapter15

1.7K 51 21
                                    


Isinuot ko ang aking kwintas para sa pagtatapos ko ng aking gayak para sa araw na ito.Nagsuot lamang ako ng simpleng pink na off shoulder dress na tinernuhan ko ng isang nude stilleto at kinulot ang dulo ng buhok ko.Tumingin akong muli sa salamin bago ako lumabas ng kwarto ko.

"Ayan na ang prinsesa!" Salubong sa akin ni Louie.Inirapan ko naman ito.Kasama ko ang mga pinsan ko sa opening ng Zuchinni's inimbitahan sila ni Chivas.

"Tara na gutom na ako."sabi naman ni George.Kapwa lamang sila naka semi pormal na kasuotan.Nakalong sleeves sila na malinis na nakatupi hanggang siko at maong na pantalon.Habang sila Ate Mheg at Casey ay parehas din nakadress.Katulad ko ay naka off shoulder blue dress si Ate Mheg habang si Casey naman ay nakabodyhugging assymetrical dress.

"Tara na tara!" Casey keep on chanting habang parang batang inip na inip.Napakunot naman noo ko.Bakit parang ang saya nya.

"Let's go." Yaya ni Ate Mheg at hinawakan ang kamay ko.

Sasakyan ni Louie ang gagamitin namin para daw sabay sabay kami pupunta sabay sabay daw kami uuwi.Sumakay na sila George at Louie sa harap kaya sa likod na kami nagtabi tabi.Habang bumabyahe kami ay parang kiti kiti si Casey as upuan nya.

"Nakakaproud si Chivas nuh.At his young age nakapagestablished na sya ng ganyang business at his own sweat." Sabi ni Casey na akala mo sya ang girlfriend.

Napasimangot naman sila George at Louie sa harapan.

"Are you insulting us Casey?" Nakakunot noong tanong ni George.May business din naman sila at yun nga ang computer shop.Mayroon silang limang branch sa aming lugar pero mga magulang nya ang nagtayo ng mga ito tumutulong lamang sila ni Louie.

"I'm not.I'm just stating a fact.Nakikita ko lang ang mga pangarap ni Chivas.He wants to build his own name by his own way." Kibit balikat na sabi ni Casey na akala mo hindi pinsan ang kausap.

Magsasalita sana ako ng magsalita si Louie.

"We also building our name Casey in own way too.Stop comparing us to others." Madiing sabi ni Louie.

Gosh magaaway ba sila ngayon?

"Casey stop being insensitive think before you open you mouth." Sabi ni Ate Mheg.

Para naman akong pinagpapawisan.Halata kay Ate Mheg ang inis nya.Nakakatakot ito magalit.Huling nagalit ito ay halos mamamatay sa pagpapapansin sila Louie at George dahil isang buwan silang hindi pinapansin nito.

"I'm sorry." Narinig kong bulong ni Casey.Hinawakan ko naman ang kamay nito at ngumiti.Marahan din ito ngumiti at tumingin sa harap na nanatiling nakakunot ang mga noo.

"Ano Louie and George pabebe pa ba?" Sigaw ko sa mga ito.Napailing ang mga ito ng makita si Casey na nakanguso at parang maiiyak na.

"Sorry na po." Sabi ulit ni Casey ng nakanguso.

Isang malakas na tawa ang bumasag sa katahimikan naming lima.

"Napakapanget mo talaga kapag nakanguso Casey!" Halakhak ni George.Na sinundan na din ng tawa ni Louie at Ate Mheg kaya napatawa na din ko mga baliw talaga sila.

Pagdating namin sa restaurant ay sinalubong na kami ng maraming tao.

"Wow mukhang successful ang opening ni Chivas." Sabi ni Ate Mheg.

"Tara pasok na tayo." Sabi nila

Sabay sabay kami pumasok sa loob.Namataan ko si Chivas na kausap ang ilang tao.Nang makita nya ako ay nagpaalam sya rito at tumungo papunta sa amin.

"Congratulations!" Sabi ko sabay yakap dito.

"Thank you Love." Bulong nito sa akin

"Brad congrats ganda nitong restaurant mo."

Isa isa nilang binati si Chivas.Dinala kami ni Chivas kung nasaan sila Angelica at Maki may katabi itong isang babae. Matamang nakatingin sa akin si Maki pero sinimangutan ko lamang ito.

"Hi Maki tagal kitang hindi nakita!"biglang sabi ni Casey at naupo sa tabi nito.

"Papadalhan ko nalang kayo ng food Love I need to entertain other guest." Paalam ni Chivas sa akin tumango na lamang ako bago ako nito hinalikan sa noo at umalis.Agad naman akong tumingin kay Maki pero napasimangot na lamang ako ng makita na busy na ito sa pakikipagusap kay Casey.

***
The opening was successful.Kasalukuyan akong ngayon nakaupo sa sofa sa office ni Chivas.Kasama ko si Chivas at Maki.Maaga umuwi si Angelica at yung babae kanina na si Miranhel pala dahil may mga meeting pa daw ito.Pinauna ko na din pauwiin ang mga pinsan ko dahil sabi ko ay sasamahan ko pa si Chivas.

"Congratulations bro." Sabi ni Maki katabi ko sya sa sofa habang si Chivas ay nakaupo sa swivel chair sa office table nya.

"Hindi ko akalain bro na ganito ang opening.I send invitations but marami din mga walk ins." Masayang pahayag ni Chivas.

Bigla naman tumunog ang cellphone ni Chivas.Napakunot ang noo nya bago ito sagutin.Sumenyas ito na lalabas sya at tumango naman ako.

"Why so beautiful today boss babe?" Biglang may mainit na hininga sa leeg ko.Tinulak ko naman ito.Naalala ko na naman ang pakikipagusap nya kay Casey kanina akala mo magjowa.

"Nakoo wag mo ko mahawak hawakan Maki at baka baliin ko yang kamay." Sabi ko dito na nakapagpalaki ng mata nito.

"Anong ginawa ko?" Bulong nito

"Bakit hindi mo tanungin sarili mo!" Akma itong lalapit muli ng pumasok ang balisang si Chivas.Kaya napaayos ako ng upo.

"A-ah love pahatid ka nalang kay Maki may pupuntahan lang ako emergency." Sabi nito habang inaayos ang gamit nya.

"Anong nangyari?"Tanong ni Maki

"What happened?" Sabi ko ng makalapit ako dito.

"Tsaka ko naang papaliwanag sayo ah bye." Sabi nito at umalis na.

Kinabahan naman ako at parang may nagtutulak sa akin na sundan si Chivas.

"Maki sundan natin si Chivas please."halata ang gulat sa mukha ni Maki.

"Please." Sumamo ko dito.Lumapit ito sa akin at niyakap ako.

"Anything for you Tiff."sabi nito at inalalayan na ako palabas.

Nakita pa namin ang sasakyan ni Chivas na mabilis ang pagpapaandar.Laking pagtataka ko ng mapansing papunta ito sa hospital.

Nang makarating sa parking ng hospital ay mabilis itong bumaba na akala mo mamamatayan.Hinawakan ni Maki ang kamay ko.

"B-bakit sya andito?May kamag anak ba kayong nandito?" Tanong ko

"Hindi ko din alam Tiffany." Bulong ni Maki.

Nagpasya kaming bumaba at hinanap si Chivas.Habang naglalakad sa hallway ng hospital ay nahagip ng mata ko ang babae sa condo unit noon.

Mukhang umiiyak ito ng lumabas sa isang pintuan at tuloy tuloy na umalis.Tumingin naman ako kay Maki.

"Nakita ko sya noon sa unit ni Chivas." Bulong ko

Mahigpit na hinawakan ni Maki ang kamay ko ng magumpisa akong magtungo papunta sa pintuan na nilabasan ng babae.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko mula sa salamin ng pinto si Chivas hawak hawak ang kamay ng isang batang natutulog nasa tingin ko ay nasa tatlong taon gulang.

"Shit." Narinig kong mura ni Maki.

"S-sino?"Parang nahihirapang tanong ko.Umiling naman si Maki at hinila ako palapit sa kanya.

Hanggang sa narinig ko ang sigaw ng isang bata na galing sa tapat ng pintuan na kinatatayuan namin.

"Daddy!"

I Fall(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon