Chapter3

2.4K 85 36
                                    


F*ck!!

Parang nanuyo ang lalamunan ko sa narinig ko.

"Ano bang sinasabi mo Maki! Lasing ka lang umuwi na tayo!" Madiin kong sabi pagkatapos ko syang itulak.Parang nanlambot ang tuhod ko ganito rin ba ang nararamdaman ng mga babaeng nilalapitan nya.
Nakita ko naman ang pagbaba ng tingin nya.Akala ba nya makukuha ako sa mga galawan nya sa ibang babae.Napatingin ako sa kanya ng mahina syang tumawa.
"Paano ka nga naman maniniwala sa akin. I'm the biggest asshole you ever known." Bulong nito at ngumisi.
"Buti alam mo." bulong ko mas madalas ko sya kasama kesa kay Chivas dahil lagi itong busy.Kaya hindi maiiwasan na makita ko din paano sya mambabae.
Papasok na sana ako ng sasakyan ng bigla syang magsalita dahilan parang nakalimutan ko huminga.
"But this asshole is inlove with you since you were a kid that's why I'll do my very best to make you mine." Sabi nya at nagsimula nang maglakad papunta sa sasakyan nya habang ako ay nanatiling nakatayo kung saan nya ako iniwan.Napabalik lang ako sa sarili ng tawagin ako ni Ate Meg para makauwi na kami.

Ilang araw na ang lumipas simula nung gabing iyon pero paulit ulit ito sa aking isipan.Kung paanong dati pa pala niya ako kilala yun ba ang dahilan kung bakit malapit sya sa mga pinsan ko?Ang daming tanong at sya lang ang makakasagot.

"Love!sobrang lalim ng iniisip mo nakalimutan mo na andito ako sa tabi mo."nakangusong sabi ni Chivas.Kasalukuyan kaming nagmomovie marathon dito sa bahay dahil parehas kaming libre ngayong araw para na din daw may kasama ako dahil umalis na ulit si Mama kahapon.
Napakagat naman ako ng labi.

"Kasalanan to ni Maki eh" sigaw ko sa isip ko.
Dapat sinusulit ko ang oras namin ni Chivas eh.
"Tell me ano bang iniisip mo.Ako ba yan o ako ba yan.Kanina ka pa nakatulala sa akin eh.Sobrang gwapo ko ba talaga at parang masyado kang namemezmerized sa akin." Sabi nito sabay kindat pa sa akin.

Napatawa naman ako.Hindi naman maipagkakaila na gwapo talaga si Chivas.Chinitong mga mata na nawawala kapag tumatawa o kahit ngiti lang,maputi at makinis na balat,mapupulang labi at pantay pantay na ngipin.

"Yes ikaw naman palagi nasa isip ko." I lied.Fuck simula nang naging kami ni Chivas hindi ako nagsinungaling sa kanya.Ngayon lang at ang pinsan nya pa ang dahilan.Nakakapangmura lang talaga.
Yumakap naman sya sa bewang ko at pinaulanan ako ng maliliit na halik.Magsasalita sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at tumili napatayo kaming bigla ni Chivas sa gulat.
"Oh my gosh! My eyes!" Histerikal na sabi ni Casey habang tinatakpan ang mga mata nya.
"Para kang tanga Casey!" Tawa ko dito.
Ngumuso naman ito at naupo sa sofa kaya naman naupo na din kami sa tapat nito.
"Kayo na pala? Kailan pa?" Tanong agad nito.
Bumaling naman sakin si Chivas na nakakunot noo.
"Hindi pa nya alam ngayon lang nakapunta dito yan."bulong ko.
"Wag kayo magbulungan dyan!" Sigaw nito kaya lalo akong napatawa.Masasabi ko kasing si Casey ang number one fan namin ni Chivas nakita nya kasi paano ako niligawan nito nung bakasyon pero dahil nagsimula na muli ang klase kaya naging busy na kami.Kaya madalang na talaga kami nagkakasama sama.
"Relax Casey one month palang simula nung maging kami." Sabi ko dito dahilan para tumili muli ito.Napasiksik sakin si Chivas.
"Ang daya daya ninyo!Kailangan ito malaman nila Ate Meg kailangan natin magcelebrate!"sabi nito habang pumapalakpak kaya napatawa nalang kami dahil sa pagiging isip bata nito.Habang busy ito sa pagtawag sa mga pinsan ko ay tumawag na din ako para magpadeliver ng pagkain namin.
Maya maya lang ay dumating na isa isa ang mga pinsan ko kasabay ng inorder kong pagkain.Nagkanya kanya naman upo ang mga ito sa sala namin.Habang ako ay sumiksik kay Chivas gustong gusto ko kasi lagi nakasiksik sa kanya.Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainis dahil naputol ang alone time namin na once in a blue moon lang nagaganap.

" Damn Dude I can't believe na napasagot mo na talaga yang saksakan ng sungit naming pinsan."ani ni Louie binalingan ko naman ito agad at binalibag ng throw pillow na nakuha ko.
"Kung ikaw kaya saksakin ko dyan!"sabi ko
" Kita mo na ? Good luck nalang sayo Dude!" Sigaw naman ni George habang kumakain ng burger nya kaya naman napatawa ang lahat.

Napanguso naman ako.

"Grabe kayo kay Tiff mabait naman yan kapag tulog!" Dagdag pa ni Ate Meg.

Lalo naman ako napanguso at tumingin kay Chivas ngayon ay kasalukuyan din tawa ng tawa kinurot ko ito sa tagiliran.

"Awwwww" sigaw nito ngunit sinamaan ko lamang ito ng tingin.

"Ayan magsisimula na ang pagiging battered boyfriend mo Chivas!" Ani ulit ni Ate Meg.napairap nalang ako .

Napansin ko naman si Casey na tutok na tutok sa pinapanuod nyang A walk to remember na paboritong paborito nya.Binalibag ko ito ng chips para makuha ang atensyon nito.

"Oi pinagtutulungan na ako dito tulungan mo naman ako ikaw naman may kasalanan bakit andito tong mga to.!" Sigaw ko dito
Tumawa naman sila pero si Casey ay hindi natinag kakapanuod.
"Busy pa ako Tiff later nalang" sabi nito .

Tumikhim naman si Chivas sa gilid ko.
"Alam nyo mabait naman talaga tong Love ko." Simula nya napangiti ako pero napamura ang mga pinsan ko sa narinig nila.Bago pa masundan ni Chivas ang sasabihin niya ay bumukas ang pinto at iniluwa noon ang taong pinakahuli kong gustong makita ngayon.

"Maki!"sabay sabay pa nilang sigaw.Napairap naman ako sa sigaw nila akala mo matagal hindi nagkita kita.Pati si Casey na kanina ay hindi maialis ang atensyon sa tv ay nakasalubong na din.
"Nakita mo?" Sabi ni Chivas agad naman inabot ni Maki ang isang paper bag na pink.

"May pinadala lang tong si Chivas kaya napadaan ako." Sabi nito at naupo ito malapit sa akin langhap na langhap ko ang pabango nito na nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Napamura ako sa isip ko.Ano bang nangyayari sa akin?

"Aalis ka na agad?" Parang malungkot na sabi ni Casey.
"Inom muna tayo brad!"yaya dito ni Chivas " OK lang naman Love di ba?"

Alin ba ang tinatanong nyang ok ang paginom nila o pagstay ni Maki?
Napatingin naman ako sa kanila na mukhang hinihintay ang sagot ko.Nakita ko din kung paano ngumisi si Maki.
Marahan nalang ako tumango kahit hindi ko alam ang dapat isagot..Napayes naman sila.

"A-ah ipagluluto ko nalang kayo." Prisinta ko
Napatingin naman sa akin si Chivas na ngayon ay busyng busy na sa pagbukas ng alak.
"Pwede naman tayong umorder nalang ulit Love kung kukulangin to." Turo nya sa pagkain napailing naman ako kailangan ko kasi ng dahilan para makaalis doon dahil hindi ako mapanatag sa presensya ni Maki.Mabilis nalang ako umalis patungo sa kusina ng hindi na hinintay pa ang sagot ni Chivas.

Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ng maramdaman ko na may pumasok sa kusina at tumungo sa ref.Napasinghap ako ng maamoy ko ang pamilyar na amoy.Nagpatuloy ako sa pagluluto at nagpanggap na hindi ako apektado sa presensya nya.Ngunit muntik ko na mabitawan ang sandok ng maramdaman ko na ang hininga nya sa tenga ko nanginig ang mga tuhod ko.

"Relax Babe lumalapit palang ako sayo kinakabahan ka na."Bulong nito at mabilis na umalis ng kusina nahigit ko ang hininga ko.

Damn! Ano ang nangyayari sa akin! This is fucking wrong.

I Fall(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon