Chapter 13

1.6K 50 38
                                    

"Fuck!"

Hindi ko na mabilang kung pangilan mura na ni Maki iyon.Naaawa na din ako sa manibela nya dahil sa higpit ng hawak nya dito.Para syang bulkan na anumang oras ay muling sasabog.

"Tangina nya!wala syang karapatan!"

Napatalon ako sa kinauupuan ko ng bigla siyang sumigaw.Napatingin naman sya sa akin mula sa puno ng galit na mukha ay lumambot ito pero agad din bumalik sa kalsada ang tingin nito.

"M-maki."

Kinuha ang kamay into at hinawakan ng mahigpit dinala naman nya ito sa mga labi nya kinintalan nya ito ng halik habang seryosong nakatuon pa din sa kalsada.

"Did I scare you babe?" Bulong nito

Mabilis naman ako umiling.Para naman itong nakahinga ng maluwag at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.I feel safe when he's around.

"Damn." Muling mura nya ng makita ang pamumula ng wrist ko.Siguro at dahil sa pagkakahawak ni Chivas kanina.Marahan nya itong hinimas at hinalik halikan.

Huminto kami sa tapat nang bahay namin.Mabilis itong bumaba para pagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan.Pagpasok namin sa loob ay naabutan na namin ang mga pinsan ko sa sala.Napatayo ang mga ito ng makita kami.Mukhang alam na nila ang nangyari.

"Tiff." Sabay sabay nilang sinabi .

Tumabi ako kay Ate Mheg at mabilis ako nitong niyakap.

"Wala naman ako kasalanan Ate hindi ko talaga alam bakit bigla sya nagalit." Ani ko

"Nagselosi si Chivas yun ang sabi nya." Rinig kong sabi ni George.

"Pwede naman sya kausapin si Tiff ng maayos di ba?" Ani ni Casey.

"Wala pa din syang karapatan saktan si Tiffany kahit ano pa ang dahilan nya." May diin na sabi ni Louie.

"Ako nang bahala kay Chivas." Napaayos ako at napatingin kay Maki ng sabihin niya ito.Tumingin ako kay Ate Mheg at umiiling lamang ito.Parang sinasabi nya na wag na ako magsalita pero mabilis din ako umiling.

"No ako ang kakausap sa kaniya."

Napanganga sila sa akin.Isang malaking hindi pagkakaintindihan lamang ito at parte ng relasyon iyon.

"Pero Tiff." Sabi ni Maki.

Tinignan ko lamang sya.Kaya't napabuntong hininga na lamang sya.

"Gulo namin to kaya ako ang aayos.Please." nagsusumamong sabi ko habang isa isa ko silang tinitignan.

"Fine.Hindi na kami mangingialam pero una at huli na ito Tiffany.Kapag nasaktan ka ulit kami na ang makakaharap nya." Sabi ni Ate Mheg ngumiti naman ako dito ng marahan.

Malaki talaga ang pasasalamat ko na andito ang mga pinsan ko may sumusuporta pa rin sa akin kahit na wala ang mga magulang ko.

Sabay sabay na umuwi ang mga pinsan ko kasama si Maki pagkatapos namin magdinner.Nagbilin lamang sila sakin ng ilang bagay tungkol kay Chivas.
Pagkaalis nila ay nagtungo na lamang ako sa kwarto at doon umiyak.

"Ano na ang mangyayari ngayon?" Bulong ko bago ako nilukob ng antok.

Kasalukuyan akong papunta sa condo unit ngayon ni Chivas.Napagisip isip ko na may mali din siguro ako.

"Kailangan ka na nya Chivas." Boses ng isang babae.Napakunot naman ang noo ko.May kasama syang babae.

"Umuwi ka na LJ.wag ngayon please." Halatang frustrated na sabi ni Chivas.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla itong bumukas at niluwa ang isang balingkinitang babae.Mabilis itong naglakad paalis sa unit.Pumasok ako sa loob at naabutan ko si Chivas na nakaupo sa sofa at tutop ang mukha nito.

"Chivas."

Tawag ko sa pansin nito.Halata mo ang pagkagulat dito ng makita ako.Nakatingin lamang ito sa akin.

"A-ahm breakfast." sabay pakita ng mga paper bag na dala ko.

"You're really here." Bulong nya at mabilis na pumunta sa akin.Hinawakan nito ang pisngi na parang tinitignan kung totoo talaga ako.

"Natulog ka ba?" Tanong ko halata kasi dito ang panglalalim ng mata.Hindi ako nito sinagot at niyakap lamang ako na parang mawawala ako.

"I'm really sorry love.Nagselos lang ako hindi ko na kasi matandaan kung kailan ka huling ngumiti sa akin tulad ng pagngiti mo sa lalaking yun.Sorry talaga.Hindi na mauulit yun promise.Siguro nga napapabayaan na kita dahil lagi ako busy sorry talaga.Forgive me Love."

Gumanti lamang ako ng yakap dito.

"Sana sinabi mo agad di ba pero kalimutan na natin yun naiintindihan na kita and iintindihin ko din pagiging busy mo.Wag ka na magalala." Sabi ko

"Thank you Love I love you.Tara kainin na natin yang dala mo.Sayong sayo ako this day hindi ako papasok babawi ako sa magandang girlfriend KO." Sabi nito at hinila na ako papunta sa kusina.

Habang kumakain kami ay gusto ko sana tanungin sino si LJ pero isinantabi ko na lamang ito.Siguro naman ay sasabihin nya din sa akin yun.Susulitin ko muna itong araw na ito.Gusto ko din bumawi dahil na kay Maki lagi ang atensyon ko nitong mga huling araw ...

Feelingerang Authors note.
Para sayo to myljeilapad....
Sana magustuhan mo...sorry ngayon lang ..


I Fall(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon