Napaayos ng tayo si Maki at parang hindi makapaniwala sa narinig.
"A-anong sinabi mo Tiffany?" Marahang tanong nito.
Kailangan ba talaga ulitin ko! Ghad! Hindi ba nya alam na hindi ko alam saan ako kumuha ng lakas ng loob para maamin yun.Hindi ba nya alam na hindi ko lang sa kanya inamin kundi pati sa sarili ko.
Nakatingin lamang sya sa akin.Naghihintay ng isasagot.Napailing na lamang ako at bumaba na sa lamesa.
"Babe."Sabi nito habang nanatiling nakatingin sa akin.Tinalikuran ko na sya at nagsimula nang maglakad palabas ng kusina.
"Babe wait."
Naramdaman ko na lamang ang pagpulupot ng mga braso ni Maki mula sa likod ko at mahigpit akong niyakap.
"I really don't know what to say. I'm just really happy.I'm really overwhelmed.I love you babe and I will make you the most happiest girl alive." Bulong nito sa akin.
Naramdaman ko nalang ang maiinit na luha na nagmumula sa mga mata ko.Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.Ang daming paano sa isip ko.Maling mali to boyfriend ko ang pinsan nya.
"Mahal din kita pero mali to Maki.Isang malaking kasalanan ito.Paano nalang si Chivas?" Bulong ko at hindi ko na napigilan na mapahikbi.Mabilis akong hinarap ni Maki sa kanya.Sinalubong ako ng mga matang nangungusap nito.Sinalo nito ang mga pisngi ko at marahang pinapalis ang luha ko.
"Ako ang haharap sa lahat.Just stay with me please.I love you."
"Paano si Chivas? Hindi ko sya pwede iwan ng ganun ganun nalang." Sabi ko
"I'll wait babe.No pressure promise.Hihintayin ko kung kailan na tayo pwede.Ngayon pa ba ako maiinip eh alam kong mahal mo na ako.Ok lang na patago muna tayo.So tama na ang pagiisip huh." Sabi nito at hinalikan ako sa noo.Nang lumayo ito ay ngumiti ito sa akin na punong puno ng adorasyon ang mga mata.
How I love to look to those eyes.
Hindi ko maipagkaila sa sarili ko na masaya ako.Mali man na sa tingin ko ay nagmamahal ako ng dalawa pero hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko.
"Thank you Maki."
"Anything for you Boss babe." Sabi nito at mahigpit akong niyakap.Lumayo ako ng konti ng magsink in sakin ang sinabi ni Maki.
"Anong tawag mo sakin?"tanong ko habang nakapalupot pa din ang braso ko sa batok nya.
"Boss babe.your the boss ikaw lagi ang masusunod but still youre my babe dahil." Hinalikan nya ako sa noo."mahal."hinalikan naman ako sa ilong "na mahal." Bumaba ang halik nya sa labi ko at binigyan ako ng magaan na halik."Kita."
Napangiti naman ako.
"Mahal din kita Maki." Sabi ko at muli syang niyakap.
Nasa ganong posisyon kami ng tumunog ang cellphone nya kinuha naman nya ito at pinakita pa sa akin ang caller.
Angelica Angeles calling..
Napataas ang kilay ko. Ganda pala ng pangalan ng babaeng yun.Anghel kung anghel.Sinagot naman ito ni Maki habang nakayakap pa din sa akin.Nakaglue na yata sya sakin ayaw na mahiwalay.
"May dinaanan lang ako papunta na din ako." Sabi ni Maki sa kausap mukhang hinahanap na sya.Nakaisip naman ako ng kalokohan.Yumakap pa ako at sinisiksik ko ang mukha ko sa leeg nya.
Damn.sobrang manly ng amoy.Hinalik halikan ko ito.Kaya nawala ang atensyon ni Maki sa kausap at bumaling sa akin.
"Babe wait lang po." Bulong nito habang nakalayo ang phone.
Nginisihan ko lang ito kaya pinagpatuloy nya ang pakikipagusap.Pinagpatuloy ko ang paghalik sa kanya na ngayon ay nasa pisngi na nya ako.
"A-ah Angelica sige na papunta na ko bye." Narinig ko nalang na sinabi nya bago bumaling muli sa akin.
"Boss babe your being a bad bad girl so you need to be punish." Sabi nito pero umayos na ako ng tayo at tumakbo na papunta sa sala.Hinabol naman nya ako kaya para kaming mga batang naghahabulan sa sala.Tumakbo ako sa likod ng sofa pero mabilis syang nakatalon at nakorner ako.
"Got yah." Sabi nito ng mahuli ako at binagsak ang mga sarili namin sa sofa.Humarap naman ako sa kanya at yumakap.
"Thank you for loving me babe." Sabi ko. Ngumiti naman ito at hinalikan ako sa labi.
"Mahal na mahal kita I'll do anything for you babe." Ani nito at muli akong hinalikan.
"Sige na puntahan mo na sila demonyita este Angelica pala." Sabi ng maghiwalay ang labi namin.
"Babe wag magisip ng kung anu ano ah.Business lang talaga yun para sa future natin."
"Oo na po.Sige na." Umayos na ako ng upo ng tumayo sya at inayos ang nagusot nyang damit.
"So see you later?" Tanong nito
"A-ahm pupunta daw si Chivas dito mamaya di ba?" Mahina kong sabi.Kapag naiisip ko talaga si Chivas ay nagiguilty ako.Natatauhan ako sa kasalanan kong ginagawa.Hindi ko akalain na mapupunta ako sa sitwasyon na ganito.
Bumuntong hininga naman sya at hinila ako patayo para mayakap.
"Sige.I love you boss babe.Just text or call me if something came up." Sabi nito at hinalikan ako ng madiin sa labi.
"Sorry.I love you Maki.Ingat ka ah." Bulong ko
Napaupo ng makaalis si Maki.Sumandal ako sa sandalan ng maramdaman ko na bumukas ang pinto.
"Tiffany pwede ba tayo magusap?"
Mabilis akong napadilat ng marinig ko ang boses.Parang nanginig ang buo kong katawan.Nakita ba nya kami? Anong gagawin ko?

BINABASA MO ANG
I Fall(COMPLETED)
General FictionAno nga bang mangyayari kung mahuhulog ka sa isang tao sa maling pagkakataon.. SPG ALERT.. READ AT YOUR OWN RISK. 😘😘😘😘😘