Hindi ko na mabilang nakakailang buntong hininga na ako habang nakatingin sa labas upang kalmahin ang sarili ko.
Kasalukuyan pa din kaming nasa parking lot ng hospital.Nananatiling tahimik si Maki sa tabi ko.Humarap ako dito at nagtagpo ang aming mga mata."Hatid mo na ako?" Sabi ko
Tumango lamang ito upang tugon.Blankong blanko ang ekspresyon nya.Ngunit alam ko ramdam ko nasasaktan sya.. nasasaktan ko sya.Bago pa man nya niya maistart ang sasakyan ay kinabig ko sya papalapit sa akin at hinalikan sa labi.Noong una ay hindi ito tumutugon marahil sa pagkagulat ngunit ng magtagal ay naramdaman ko na ang kamay nito sa bewang ko habang tumutugon sa halik ko.Habol hininga kami ng maghiwalay ang aming mga labi.Puno ng pagtatanong ang kanyang mga mata.
"Mahal kita Maki.Mahal kita."bulong ko habang nanatiling magkadikit ang aming mga noo at nakatitig sa isa't isa.
"Mahal na mahal kita."sambit kong muli sa kanya na akala mo kinukumbinsi ko sya.Imbis na sumagot ay muling sinakop ni Maki ang aking mga labi at banayad na hinalikan.
Mahal ko si Maki.Matagal ko na syang mahal.Pilit ko lamang iwinawaksi sa paniniwalang si Chivas ang mahal ko.
Matapos ang halik ay niyakap akong mahigpit ni Maki at hinalikan sa noo.
"Hatid na kita?"
Mabilis akong umiling.
"Tara sa bahay mo ayaw ko muna kumausap ng ibang tao.Okay na yung alam kong andyan ka." Sabi ko habang hinihimas ang pisngi nito.Tumango naman ito at binigyan ng isang mabilis na halik sa labi.
Sigurado ako na nakarating na kila Ate Mheg ang lahat ng ito.Sigurado ako na hinihintay nila ako.Ayaw ko munang sumagot sa mga tanong nila.Hindi ako umiiwas pero gusto ko muna sana humupa muna ang usapin kahit papaano.
Bumuntong hininga muna ito bago muling inistart ang kotse.Tahimik lamang kami sa sasakyan hanggang sa makarating kami sa bahay nya.Pababa na kami ng sasakyan ng tumunog ang cellphone ko.
Mama...
Baby nasend ko na sa email mo ang details ng flight mo.Check mo nalang.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ko ang text ni Mama.Napatingin ako kay Maki na kasalukuyan nang nakatayo sa gilid ko upang pagbuksan ako.Mabilis kong tinago ang cellphone ko at sinalubong ito ng ngiti.
Nilahad nya ang kamay na agad ko naman kinuha.
Pagpasok palang namin sa loob ng bahay ay yumakap na agad si Maki mula sa likuran ko.Umikot naman ako upang mapaharap sa kanya.Inikot ko sa leeg nya mga braso ko.
"May problema ba?" Tanong ko.
Mataman lamang itong nakatingin sa akin.Punong puno ng pagmamahal ang mapupungay nitong mga mata.Hinding hindi ako magsasawang titigan ang mga mata nya.Hanggat maari hanggat pwede pa.
"I just realized that living without you is like living without breathing."puno ng sinseridad na sabi nito.
Parang may pumiga sa puso ng marinig ko ito.Kusang tumulo ang mga luha ko.Anong magandang ginawa ko sa buhay ko sa nakaraan upang bigyan ako ng ganitong klaseng lalaki na walang alam gawin kundi ang mahalin ako.
"Mahal na mahal kita Tiffany.Alam ko magulo ang sitwasyon ngayon.Magulo ang isip mo pero isa lamang ang maipapangako ko.Mamahalin kita at walang magbabago doon sa kahit anong sitwasyon at pagkakataon." Sambit nito bago sinakop ang labi ko at banayad akong hinalikan.
Naramdaman ko ang pagbuhat nya sa akin kaya mas kumapit ako sa mga balikat nya.
Bumaba ang halik nya sa leeg ko.
BINABASA MO ANG
I Fall(COMPLETED)
Художественная прозаAno nga bang mangyayari kung mahuhulog ka sa isang tao sa maling pagkakataon.. SPG ALERT.. READ AT YOUR OWN RISK. 😘😘😘😘😘