Ilang buwan akong naging busy dahil sa OJT ko dahil naghahabol ako ng oras.Mukhang approve naman sa nanay ko si Chivas at masaya ito para sa amin.Pauwi na ako sa bahay ng mamataan ko ang mga pinsan ko na pasakay sa isang pamilyar na sasakyan.Kaya naman ng matapat ako sa kanila ay hininto ko ang sasakyan ko.Binaba ko ang bintana sa gawi ko.
"Saan punta nyo?" Tanong ko kay Ate Meg na pasakay sa passenger seat ng sasakyan.
"Foodtrip lang treat daw ni Maki." Sabi nito na nakapagpakunot ng noo ko.Close pala sya sa mga pinsan ko kailan pa? Natanong ko sa sarili ko.
"Sama ka na Tiff mukang stress na stress ka na magunwind ka naman!" Sigaw ng isa kong pinsan na si Casey.
Napatingin naman ako sa seryosong driver nila na tila naghihintay din ng sagot ko.
"Paalam lang ako kay Mama hintayin nyo ako dito ah." Sabi ko
"Sa may 711 nalang tayo magkita puntahan pa namin sila George at Louie sa computer shop nila." Sabi ni Casey
Tumango naman ako.
"Sunod ka ah sasabunutan kita kapag hindi ka sumunod." Biro ni Ate Meg.
Tumawa naman ako at nagpaalam na sa kanila mabilis ko naman narating ang bahay namin nagpaalam ako kay Mama bago dumiretso sa kwarto ko para magbihis simpleng high waist shorts at hanging blouse lang ang sinuot ko tutal foodtrip lang naman kami baka sa plaza lang kami sa bayan tumambay.
Muli akong nagpaalam kay Mama na paalis na ako at mabilis na sumakay sa sasakyan kanina pa tumatawag sila Casey akala yata nila hindi ko na naman sila sisiputin .Nakatayo sila sa labas ng 711 nang dumating ako kasama na nila si George at Louie.
"Tagal ah." Sabi agad ni Casey.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanila ng makalapit na ako sa kinatatayuan nila.
"Maxine's tayo para may drinks din."sigaw ni Louie.
Napakunot noo ako.Akala ko ba foodtrip lang?
" Pwede din tara na." Sabi ni Ate Meg
"Akala ko ba foodtrip lang tayo sapakin ko kayo eh." Sabi ko sa mga ito.
"Naman Tiff minsan ka lang lumabas ng gabi tara na." Sabi ni George.
Napanguso ako sabagay may punto naman sya doon.
"So tara na wag lang tayo papahating gabi may pasok pa ako bukas ah." Sabi ni Casey.
"Sus wag KJ Casey hindi lang ikaw ang may pasok sila din si Maki nga first day pa bukas." buska ni Ate Meg.Napanguso na naman si Casey.
"Tara na ano pa hinihintay nyo pasko?"singit ni Maki.
"Kay Tiff na ako sasabay." Sabi ni Louie at umakbay pa sa akin.Napataas kilay ako ng nakita ko na ngumisi si Maki.
"Ako din!" Sigaw ni Casey nauna pang sumakay sa amin.
"Sige kay Maki na kami convoy nalang tayo." Sabi ni Ate Meg.Sumakay na kami ng sasakyan pero hindi pa din mawala sa isip ko yung ngisi ni Maki.
"Oi Tiff lutang ka naman kanina pa kami nagsasalita dito." Sabi ni Louie habang nagmamaneho.
Napahagikgik naman si Casey.
"Baka iniisip si Chivas." Sabi nito na parang nagdaday dreaming pa.
"Kayo na ba?" Tanong naman agad ni Louie.
"Ano Tiff hindi mo pa din sinasagot kahit na ipinagsigawan na nya na mahal ka nya so romantic diba Louie." Sabat na naman ni Casey.
Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanila na sinagot ko na si Chivas dahil madalang kami magkita kita dahil busy ako sa mga projects at OJT ko dahil graduating na ako."Kaya ayaw ko ng seryosohan na relasyon eh ang baduy." Sabi ni Louie sabay tawa.
"Makakahanap ka din ng katapat mo Louie.Anyway bakit hindi mo pa sinasagot si Chivas tagal na nanliligaw nun ah." Tanong ni Casey.
Pagdating namin ng Maxine's nakita ko agad ang sasakyan ni Maki.
"Andito na pala sila." sabi ko at nginisihan ko si Casey na nakanguso.
Nagpark kami sa tabi ng sasakyan ni Maki.
Napayakap ako sa sarili ko paglabas namin ng sasakyan.Nagsisisi ako dahil hindi ako nakadala ng jacket ang lamig kasi sa likod ng Maxine's ay puro bukid.
BINABASA MO ANG
I Fall(COMPLETED)
General FictionAno nga bang mangyayari kung mahuhulog ka sa isang tao sa maling pagkakataon.. SPG ALERT.. READ AT YOUR OWN RISK. 😘😘😘😘😘