"Maki ito na yung pinabili mo!"Mabilis ko naitulak si Maki gamit ang kaliwang kamay ko nang marinig ko ang boses ni Casey.Bahagya pang kumirot ang braso ko.
"Get hold of yourself Tiffany.
Paulit ulit ko sinasabi sa isip ko.Tinignan ko naman si Maki pero kibit balikat lamang ito at naupo pa sa kama ko."Lumabas ka na dun at makipagbonding kay Casey.I'm fine here." Ani ko na pilit ko tinatago ang pait sa boses ko.
Ngumisi naman si Maki.Tumayo itong muli at lumapit sa akin.Napaurong naman ako pero hinawakan nito ang kamay ko at pisngi ko.Abot abot ang kaba ko ng marinig ko ang mga yapak mula sa hagdanan mukhang pupunta dito si Casey.
"I'm sorry kung nagiging selfish ako I know this is all wrong but I can't help myself.Cheat with me Tiff please." Sabi nito na nakapagpanganga sa akin. Hinalikan ako nito sa noo at tumungo na sa pinto sakto naman na nasa harapan na ng pinto si Casey.
"Chineck ko lang si Tiff kung ininom talaga ang gamot nya tumawag kasi si Chivas." Maagap na sabi nito.Tumingin naman sa akin si Casey na parang nagtatanong.
"Uminom na ako Casey don't worry." Ani ko.
"Sige tara sa baba nagpabili si Maki ng ice cream nabanggit mo daw sa kanya kanina na nagccrave ka kaya ako na nagprisinta bumili.Bumili na din ako ng makakain natin hanggang mamaya."sabi ni Casey
Nagtaka naman ako parang wala akong nababanggit na gusto ko ng ice cream mga paraan talaga ni Maki eh bwisit.
"A-ah oo sunod na ako magshower lang ako saglit."dahilan ko upang bumaba na sila.Tumango naman ito at hinila na si Maki.Sinarado ko naman agad ang pinto at napahilamos nalang sa mukha ko gamit ang kaliwang kamay ko.
"Anong gagawin ko?"
Pagkatapos ko magshower na hindi ko alam kung ilang oras ang inabot ko ang hirap pala maligo ng isang kamay lang at kaliwa pa.Mapapamura ka nalang talaga.Ilang beses din ako pinuntahan ni Casey sa kwarto.Naabutan ko sila sa sala na nanonood ng movie ng bumaba ako.
"Akala ko nakain ka na ng cr mo Tiff!"napaayos naman ng upo si Maki ng makita ako at tinapik ang tabi nya kung saan sa kabila nya nakaupo si Casey.Ayaw ko sana pero no choice na ako dahil yung dalawang single na sofa ay may mga laman na kung anu anong junkfoods at ilang paper bag ng fast foods.Inalalayan naman ako ni Maki.Nakakaramdam ako ng pagkailang dahil pakiramdam ko ay pinapanuod ni Casey bawat galaw namin.
Nagiging praning na yata ako.
"Nagkakaubusan na ba ng sitchirya sa supermarket o balak nyo magpatayo ng tindahan?" Bati ko sa dalawa. Parehas naman silang natawa sa sinabi ko.
"Eh wala kasi magluluto.I don't know how to cook you know that and hindi din marunong si Maki." Napakagat nalang ako sa labi ko upang pigilin ang emosyon na bigla ko naramdaman.Ilang buwan palang simula ng bumalik si Maki at eto si Casey na parang kilalang kilala na sya.
"A-hm." Naghahanap ako ng dapat ko sabihin.
"T-turuan ko nalang kayo magluto." Bigla nalang lumabas sa bibig ko."You sure?" Ani ni Maki napatingin ako dito at tumango.
"Then let's go simulan na natin." Sabi ni Casey na pumapalakpak pa ang kamay at nagsimula nang maglakad papuntang kusina hila hila ang umiiling na si Maki.
"Tama ba ginawa ko?"
Napagkasunduan namin pork steak nalang ang lulutuin namin para mabilis.Nakaupo lang ako sa lamesa habang sinasabi ko ang mga dapat nilang gawin.
"Imarinate nyo muna sa toyo,paminta at kalamansi yung porkchop."
Nilagay naman nila sa isang container ang porkchop at binuhusan ng toyo ni Casey.
"Tama na Casey!" Nasigaw ako dahil halos kalahati na ng toyo ang naiilalagay nya.Napanguso naman ito.
Nakita naman namin si Maki na sumisinghot na dahil nagbabalat ng sibuyas.Linapitan ito ni Casey at hinawakan ang mukha.
"Kawawa naman ang baby pinapaiyak ng sibuyas." Habang patuloy nitong hinahawakan ang mukha ni Maki.Napaiwas naman ako ng tingin.Maling mali talaga tong naisip ko.
"Hiwain nyo ng pabilog yang sibuyas tapos magdikdik na din kayo bawang para pwede na kayo magsimula magluto." Sabi ko upang mapansin nila na nandito pa ako sa kusina.Kung ilang beses ko na din minura at pinatay si Maki sa isip ko.
"Ako na maghiwa Maki baby kawawa ka naman baka lalo ka maiyak ikaw nalang magdikdik ng bawang." Sabi ni Casey.Nakakaramdam ako talaga ng inis kapag tinatawag nyang baby si Maki yung isa naman parang enjoy na enjoy.
Cheat with me cheat with me pang nalalaman eh harap harapan nakikipaglandian."Isalang nyo na yung kawali at lagyan nyo konting mantika hinaan nyo lang din apoy." Agad naman silang sumunod.
"Nakakaexcite palang magluto." Ani ni Casey na halatang halata na masaya sa ginagawa nya o dahil kasama niya si Maki? Shit.
"Anong nakakaexcite eh ang sakit sa mata ng sibuyas na yan." Simangot na sabi ni Maki.Linapitan naman sya ni Casey agad at parang inaalo.Leche ka Maki.
"Hey Casey mainit na kawali.Put the onion first then the garlic then put the porkchop!" Sabi ko upang I distract sila sa paglalandian nila.Babae din ako alam kong may interest si Casey kay Maki.And I fucking hate it.
Mabilis naman ako sinunod nila Casey.Si Casey naghahalo si Maki taga abot.What a nice view.Naghaharutan sila sa harap ko.Parang nakalimutan na nila na andito ako.Tumayo naman ako upang lumapit sa kanila para icheck.Nang makita ko na okay naman ay nagbilin ako kung paano malalaman kapag luto na.Mabilis akong pumanhik sa kwarto narinig ko pa ang tawag ni Maki pero hindi ko pinansin at nagtuloy tuloy ako pagkasarang pagkasara ng pinto ay napasandal ako sa likod nito at nagunahan tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
Am I falling?
Isang napakatangang tanong ko sa sarili ko.Alam ko ang sagot dito.Ayaw lang nagtanggapin ng sarili ko.
Humiga nalang ako sa kama at pinilit matulog para makalimutan kahit sandali lahat ng bumabagabag sa akin.
Nagising ako ng may humihimas sa pisngi ko.Minulat ko ang mata ko at sinalubong ito ng isang napakaamong mukha."Good morning babe." Sabi nito
Tinulungan naman ako nito maupo.Napatingin ako sa labas at nakitang gabi na ang tagal ko palang nakatulog.
"Asan si Casey?"tanong ko
"Umuwi na dumating kasi sila Tita susubukan daw nya bumalik."sabi nito
"Kahit wag na."isip ko
"Tara paghahain kita kumain ka na.Hindi ka naglunch kanina ayaw naman kitang gisingin dahil mukhang pagod ka."napatingin naman ako dito parang may kakaiba sa kanya.May nangyari ba habang natutulog ako?
Tumango nalang ako dito kaya tinulungan nalang nya ako tumayo at inalalayan hanggang sa kusina.
"Kumain ka na din." Sabi ko dahil sobrang tahimik nya.Naupo naman ito at inasikaso ang pagkain ko.
"Okay ka lang ba?" Napatingin naman ito sa akin.Kitang kita sa mata nito na malungkot sya.Hinawakan nya ang pisngi ko.Ramdam na ramdam ko ang init nito at parang nabubuhayan ang pakiramdam ko.
"I'm sorry.Sorry for being insensitive."sinserong sabi nito.Napamaang naman ako.Magsasalita sana ako pero nilagay nya ang isang daliri nya sa bibig ko bago pa ako makapagsalita.
"Shhh..ako muna.Sorry dahil sa nangyari kanina.sorry.Last na yun promise.Ikaw nalang ang babaeng makakahawak sakin.Ikaw nalang ang babaeng may karapatan sa akin.I love you babe." Sabi nito na nakapagpabilis na naman ng tibok ng puso ko at nagbigay saya sa pagkatao ko.
Damn his effect.
But no I need to hold of myself."Anong sinasabi mo Maki?Wala naman namamagitan sa atin so it's okay na makipaglandian ka kahit kanino."
Sabi ko at iniwan sya sa kusina.
BINABASA MO ANG
I Fall(COMPLETED)
General FictionAno nga bang mangyayari kung mahuhulog ka sa isang tao sa maling pagkakataon.. SPG ALERT.. READ AT YOUR OWN RISK. 😘😘😘😘😘