Chapter 6

2K 68 25
                                    


Gabi na ng bumalik si Maki pero hindi ako nito pinapansin.Si Ate Meg lang ang kinakausap nya.Nagtataka man ako ay minabuti ko na lamang hindi magtanong.Nagdesisyon si Ate Meg at Maki dito matulog para mabantayan ako.Kanina pa ako nakahiga pero hindi pa din ako makatulog.Dahan dahan akong tumayo upang lumabas ng kwarto.Pagkalabas ko ng kwarto ay nakarinig ako ng strum ng gitara.Hinanap ko ang tunog at nakita ko si Maki sa garden.Hindi ko akalain na mahusay sya.

Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling in love with you.

Nagdesisyon akong magtago sa gilid ng pinto.Alam kong gwapo si Maki pero bakit parang mas gumwapo sya sa ilalim ng buwan habang kumakanta.

Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?

Napahawak ako sa dibdib ko dahil naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be
Take my hand,
Take my whole life, too
For I can't help falling in love with you

Bakit ganito ang epekto mo sa akin?Alam kong mali pero bakit ganto?Bakit masyado akong apektado sayo?Dahan dahan akong lumapit sa kanya.Mukhang nagulat pa sya pero pinagpatuloy nya lamang ang pagkanta nya at pagtugtog.Nanatiling nakatitig ang mga mata nya sa akin.Parang nanunuyo ang lalamunan ko sa paraan ng pagtitig nya sa akin.

Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be
Take my hand,
Take my whole life, too
For I can't help falling in love with you
For I can't help falling in love with you..

Marahan syang ngumiti sa akin pagkatapos nya kumanta at itinabi nya ang gitara.Tinapik nya ang katabi nyang upuan. Naupo naman ako ng hindi pinuputol ang aming titigan.

"Ang galing mo pala kumanta." Basag ko sa katahimikan.Napangisi naman sya.May kung ano sa mata nya.Hindi man sya nagsasalita parang yung mga mata nya ang daan para makita ko na malungkot sya at nasasaktan.

"Kumakanta lamang ako kapag namimiss kita." Sabi nya at tumingala sa buwan.

Napakagat na lamang ako sa labi ko.Hindi ko alam sasabihin ko.Napansin nya yata na natahimik ako kaya napaharap sya sa akin.

"Let me tell you a story." Simula nya habang hinihimas nya ang buhok ko.

"When I was 7 year old I met a 5 year old girl.Sobrang sweet nya at charming kaya lang bata palang sya mabilis sya makalimot yung tipong kapag may sinabi ka sa kanya ngayon bukas limot na nya.Nakakatawa nga yun sobrang bata pa pero ulyanin na pero ako kahit isang minuto hindi ko sya nakalimutan.Bawat ginagawa ko para sa kanya.Araw araw ko na sya nakakasama.Ngunit dumating yung panahon na kailangan namin umalis at magmigrate sa ibang bansa dahil sa trabaho ng parents ko.Hindi na ako nakapagpaalam sa kanya.Hanggang sa nakauwi kami ay sya agad ang hinanap ko.Alam ko nakalimutan na nya ako.Ulyanin eh haha.Natagpuan ko lamang sya ng may kinukwento ang pinsan ko na babaeng gusto nya hindi ko akalain na sya pala yun.Ikaw.Ikaw ang batang gustong gusto ko na pinangarap ko bata pa lamang ako na mahal naman ng pinsan ko ngayon."

Napanganga naman ako sa confession nya kaya ba magkakilala na sila nila Ate Meg.Kaya ba ganun na lamang nya sabihin na gusto nya ako?
Napapitlag ako ng hawakan nya kamay ko.

"Gusto kita Tiff.Gustong gusto kita at habang tumatagal minamahal na kita."sabi nito.

Bigla na naman naging abnormal ang tibok ng puso habang nakatitig sa kanya.

"Pero hindi pwede boyfriend ko na si Chivas." Bulong ko

Mahina syang napatawa.

"Hindi ako titigil hanggat hindi ka maging akin Tiff wala na ako pakialam kung pinsan ko ang kinakalaban.Alam mo ba simula nung umuwi ako ilang beses ko na hiniling na sana ako nalang.Ako nalang si Chivas para ako ang nakakasama mo.Kaya nang sabihin sa akin ni Chivas na bantayan kita kapag wala sya para akong tumama sa lotto dahil pakiramdam ko magkakaroon na ako ng pagkakataon sayo."

Parang nanunuyo na ang lalamuna ko at huminto ang utak ko sa pagiisip sa mga naririnig ko.Hindi ito magsink-in sa akin.

"Please Tiff let me.Let me enter your life." Sabi nito habang dahan dahan lumalapit sa akin.Bago pa ako makapagsalita at naramdaman ko na ang mainit at malambot nitong labi sa labi ko.Napapikit nalang ako ng gumalaw na ang labi nya at hawakan ng mahigpit ang kamay ko.

Sa ilalim ng buwan unang naganap ang aming unang halik at ang pagtataksil ng puso ko.

Alam kong mali pero bakit pakiramdam ko ay tama.

I Fall(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon