Chapter 18

1.7K 55 19
                                    


Puno ng luha na tumakbo ako sa pasilyo ng hospital.Wala na akong pakialam kung magmukha akong tanga.Punong puno ng bakit ang utak ko.Bakit nangyayari to.Pakiramdam ko ay hinang hina ako sa lahat ng nangyari.Sinaktan ko si Chivas.Napahawak ako sa pader ng biglang manlambot ang tuhod ko at muntik nang masubsob sa sahig.Sinubukan kong umayos ng tayo ngunit mas lalo lamang ako napaupo sa sahig dahilan upang humagulgol ako na akala mo wala ako sa ospital.Pwede pala mangyari yung ramdam mo ang sakit ng puso mo na parang namamanhid ang buong katawan mo at nahihirapan ka gumalaw.Nanatili akong nakasalampak sa sahig at sinusubukan bawasan ang sakit na nararamdaman sa tulong ng pagiyak.Hindi ko alam bakit parang sa isang iglap nagbago ang lahat.Sa isang iglap yung masayang relasyon namin ni Chivas ay nabahiran ng kataksilan at lihiman.Sa isang iglap nawasak ang mundo na binuo namin sa maikling panahon.Siguro nga hindi para kami isa't isa.Nakakatawang isipin na nasasaktan ako sa kabila ng ginawa kong panloloko.Parang pinipiga ang puso ko sa tuwing naaalala ko lahat ng nangyare.Totoo ngang sa isang iglap kayang magbago ng lahat.

Patuloy ako sa pagiyak ng maramdaman ko na may yumakap sa akin.Sa klase palang ng yakap ay alam ko na.Wala akong lakas para magsalita patuloy ang pagagos ng luha ko.Nakita ko na lamang ang sarili ko na buhat buhat ni Maki habang palabas ng ospital.Walang salitang nilagay nya ako sa loob ng sasakyan nya at tahimik na nagmaneho papunta sa bahay namin.

Pagdating sa bahay ay akmang bubuhatin nya muli ako pero tumanggi na ako tanging iling lamang ang ginawa ko.Hinatid nya ako hanggang sa gate.Akmang papasok na ako ng hilahin nya ako at yakapin ng mahigpit.Naramdaman ko din ang mainit nyang labi sa noo ko.Muling tumulo ang luha ko kaya nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay namin.

Isinubsob ko pa ang mukha ko sa unan ko at doon humiyaw para mabawasan ang sakit napahagulgol na lamang ako pagkatapos dahil hindi mabawasan ang sakit na nadarama ko.Ilang sandali bago ako kumalma.Napagpasyahan kong maligo at magbabad sa tubig baka sakaling matangay ng tubig ang nararamdaman ko ngayon.

Humarap ako sa salamin pagkatapos ko maligo.Ibang ibang babae ang nakikita ko.Mugtong mugto ang mga mata ko at sobrang putla ko walang sigla.Marahan kong sinusuklay ang buhok ko habang matamang tinitignan ang sarili ko at paulit ulit tinatanong kung bakit.Napapitlag ako ng bigla tumunog ang cellphone ko.Mabilis ko itong kinuha at nakitang si Ate Mheg ang tumatawag.

"A-ate" hirap kong sabi.

"Asan ka Tiff?" Halos pasigaw na sabi nito

"B-bahay a-ate" halos pabulong ko ng sabi dahil parang balon na namang bumalong ang mga mata ko.Napahikbi ako.

"Just stay there Tiff papunta na ako.Dammit" sabi nito at binababa na ng tawag.

Tang*na naman luha tumigil ka na.

Pinalis ko ang luha ko pero patuloy pa din ang pagtulo nito.Halos mabura ang mukha ko sa pagpunas ko ng luha ko.

Humahangos na Ate Mheg ang bumungad sa akin ng biglang bumukas ang pinto.Mabilis itong lumapit sa akin at niyakap ako.

"A-ate ang sakit." Bulong ko

"Sssshhhh..everythings going to be fine." Sabi nito habang marahan hinihimas ang buhok ko na laging nya ginagawa dati pa man upang mapatahan ako at kumalma ako.

"S-sakit aa-ate.sobrang sakit.Bakit ang sakit sakit.Ito ba ang kapalit ng ginawa ko ate.Sobrang sakit ate.Hindi ko naman sinasadya pero bakit naging ganito ang kapalit.Mas kakayanin ko pa kung nagalit si Chivas dahil niloko ko sya.Pero ang malaman na naglihim din sya doble ang sakit ate.Parang hindi na ako makahinga sa sakit ng nararamdaman ko.Bakit ate!Bakit kailangan ko maramdaman to!" Hagulgol ko habang akap akap ako ni Ate Mheg.

"May dahilan ang lahat Tiffany.Hindi nyo ginusto na magkasakitan kayo.Walang may gusto nito.Okay.Youll be fine Tiffany.Youll be fine.Saktan ka man ng lahat.Ako hindi kita sasaktan kahit sa panaginip ate mo ako di ba.Ill stay by your side even if you dont me anymore ill stay and never ever leave you." Bulong nito habang patuloy akong pinapakalma.Patuloy ang pagiyak ko habang yakap akong mahigpit ni Ate Mheg.

Sobrang laking pasasalamat ko na kahit wala ang mga magulang ko ay andito sya at gumagabay sa akin.Andito sya hindi ako iniwan sa mga panahon na kailangan ko ng kasama.

"Thank you Ate." Bulong ko bago pa man pumikit ang mata ko dahil sa pagod sa pagiyak.Yumakap ako ng mahigpit kay Ate Mheg na ginantihan naman nya..






---------

Yung tumutulo talaga ang luha mo habang nagtatype.Mailabas lang nararamdaman mong lungkot.

Mahal kita and im sorry 💔

I Fall(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon