"Tangina mo George ang lakas mo uminom!" Sigaw ni Louie
Nagulat nalang ako ng marinig ko ang ingay nila kanina.Halos sabay sabay sila dumating ni Ate Meg.Samantalang si Casey ay may dinner daw kasama ang family kaya hindi na nakabalik kaya lihim akong natuwa.
"Minsan lang to kaya kailangan sulitin na natin." Sagot ni Louie
Pinapanuod ko lamang sila.Kanina ko pa din iniiwasan si Maki.Kaya tinatanong ko ang sarili ko bakit sa kanya ako nakatabi ngayon?
"Nagtaka ka pa Louie eh ganyan naman talaga si George laging uhaw sa alak." Sabi naman ni Ate Meg dito sya ulit matutulog para daw mabantayan nya ako.Kahit sinabi ko na hindi na kailangan ay mapilit ito.
Normal naman ang lahat.Normal na nagsasaya at nagiinuman.Yung nararamdaman ko lang naman ang hindi normal dito.
"Tiff oh pinagtutulungan nila ako." Sabi nito at akmang lalapit sa akin pero nagsalita na agad si Maki.
"George dyan ka lang bawal tumabi kay Tiffany baka masagi mo pa sya." Napa make face ako sa sinabi nya.Simula nung dumating si George at Louie ay hindi ito nakalapit sa akin.
"Eh bakit ikaw katabi!" Nakangusong sabi ni George nagtawanan naman si Louie at Ate Meg.
"Oh common George.Hindi ka mananalo sa bodyguard ni Tiffany.Shut up ka nalang." Ani ni Louie sabay tawa.Lalo naman ngumuso si George kaya binato na sya ng unan ng tatlo.
"Bakla mo tol!"
Napailing nalang ako.Paano kaya nagugustuhan ng mga babae to kadaming kaartehan sa buhay siguradong papasakitin o pinapasakit lang nila ulo ng mga babae nila.Ngayon palang naaawa na ako.
Bumalik sila sa pagkukwentuhan ng kung ano ano ng tumunog ang cellphone ni Maki kaya napatingin ako doon.
Miranhel calling....
Mabilis nya itong sinagot nagexcuse ito at tumayo para lumabas.
Who the hell is Miranhel!
Kinalma ko ang sarili ko at sinabi sa sariling wala akong karapatan magselos.Wait did I say nagseselos ako? No way! Kakasabi ko lang di ba pwede syang makipaglandian kahit kanino.
Napailing nalang ako at napagpasyahan na magpahinga na sa kwarto.Bago ko pa hambalusin ang mukha ni Maki pagbalik nya.
Napatingin sila sa akin ng tumayo ako."San ka punta Tiff? tanong ni Ate Meg.
"I'm sleepy kaya nyo naman na dyan so goodnight ." sabi ko.Tumango naman sila at naggoodnight din.Mabilis akong umakyat sa kwarto at humiga sa kama at pinilit matulog para alisin ang mga iniisip ko.
Nagising ako ng may maramdaman akong humahaplos ng pisngi ko. Hindi ko na kailangan imulat ang mata ko upang makilala ito.Dahil sa pagresponse palang ng katawan ko ay kilala ko na.Nanatili akong nakapikit ng maramdaman ko na hinalikan nya ako sa noo.
"Mahal na mahal kita Tiffany." Bulong nito
Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.Nagwawala ito na akala mo lalabas na sa dibdib ko bagay na hindi ko nararamdaman kay Chivas.Narinig ko naman ang pagbukas sara ng pinto tsaka ako dumilat.
"Umuwi ka na Love bago ako mawala sa sarili." bulong ko bago ko pinikit muli ang mata ko upang matulog.
Mabilis na lumipas ang araw.Natanggal na din ang cast ko sa braso.Maaga kaysa sa sinabi ng doktor ang bilis nga daw ng recovery ko ganun siguro talaga kapag may nagaalaga sayo na dinaig pa nurse.Si Maki ang naging taga hatid at sundo pati na din siguro taga alaga ko.Kahit ayaw ko. Aaminin ko na naging malapit na kami ni Maki sa maikling panahon na iyon at gumagawa na sya ng espasyo sa puso ko.Kahit pinagtutulakan ko ay hindi sya sumusuko.
Kasalukuyan akong nagdadrive papunta kay Chivas ngayon palang sya nakauwi from Manila almost three weeks sya dun.Dumaan muna ako sa favorite nyang cakeshop bago dumiretso sa apartment nya.
Naabutan ko itong natutulog sa sofa ng sala nya.Binaba ko muna ang cake na hawak ko sa center table.Napangiti ako sa ayos nito nakaboxers shorts lang ito at gulo gulo ang buhok habang akap akap ang isang unan.Mukhang pagod na pagod.Nilapitan ko naman ito at hinalikan sa noo.Kumunot ang noo nito na parang nadistorbo ko ang tulog nya.Kaya napatawa ako.Mabilis itong nagmulat ng mata at ngumiti.
"I miss you Love." Sabi nito ngumiti naman ako.
"I miss you too.Tara may dala akong cake pangalis sa mga stress na nakuha mo sa Manila."Ani ko
Pero mabilis lang nito pinulupot at kamay sa bewang ko para mahila ako papunta sa kanya.Napatili ako dahil dun.Magkatabi na kami ngayon sa sofa.Tumagilid sya upang bigyan ako ng space at niyakap ako ng mahigpit.
"I don't need cake para mawala stress ko.Ang makita ka lang after ng nakakapagod na mga linggo ay nakakawala na at nakakarecharge na ako balewala lahat ng pagod na yan." Bulong nito sa akin.
Humagikgik naman ako ng kintalan nya ako ng halik.
"You missed me that much ah." Pangaasar ko pa.
"Yeah."tanging sabi nito at sinakop na ang labi ko.
" I love you so much Love."sabi nito ng maghiwalay ang labi naman.Bago pa ako makasagot ay muli na nitong sinalakay ang labi ko. Naramdaman ko ang paghimas nito sa braso pababa sa tyan ko pabalik balik.Habang tumatagal ay mas lumalalim ang halik nito.Natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa ilalim ni Chivas.Nagsimulang gumalaw ang kamay ko at inilagay ko sa batok nya pababa sa likod nya.Napakagat labi ako ng bumaba ang halik sa leeg ko.Pababa pa sana ang halik nito sa balikat ko ng may magdoorbell.Hindi sana ito papansinin ni Chivas pero parang nakikipagaway sa doorbell ang nasa labas dahil sa patuloy na pagtunog nito.Tumayo ito at inalalayan akong tumayo.
"Fix yourself Love." Sabi nito .Puro mura ang naririnig ko dito ng papunta na ito sa pinto.Pero para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko ang taong nakikipagaway sa doorbell.
"Did I disturb something?" Bungad nito
What the hell!!
BINABASA MO ANG
I Fall(COMPLETED)
General FictionAno nga bang mangyayari kung mahuhulog ka sa isang tao sa maling pagkakataon.. SPG ALERT.. READ AT YOUR OWN RISK. 😘😘😘😘😘