Chapter 7

12.8K 252 7
                                    

"Hon' what's this?" Lalo akong kinabahan sa boses ni daddy. Hinawakan ni ate ang kamay ko. Mahigpit. She's making me calm pero hindi ko magawa. Gusto kong tumakbo at tumakas na lang pero alam kong lalala lang 'tong problema.

Habang hawak-hawak ni ate ang kamay ko ay nakapatong sa kamay ko ang pregnancy kit, na pilit tinatago ni ate sa gitna ng kamay namin.

"Come on girls. What is it? May gusto ba kayo?" Mommy asked. Kakarating lang nila at ayokong sirain ang araw nila.

"M-mom-" bago ko dugtungan ang sasabihin ko ay napahagulgol na ako. Ito na ba? Sasabihin ko na ba?

"Yes?"lumapit sakin si mommy at hinaplos ang aking likod. Si daddy naman ay sumunod kay mommy at hawak hawak ni dad ang magkabilang braso ni mom.

"Namiss mo ba kami?" Ngiting sabi ni mommy. Tumango ako niyakap ko sila. I wish mapawi ko ang sakit na mararamdamaan niyo at ang disappointment niyo sakin after kong sabihin ang dapat kong sabihin.

"Anak what's wrong?" Asked dad.

"D-dad. I'm-" bago ko naituloy ang sasabihin ko ay kumalas si mommy sa pagkakayakap ko. Tinignan niya si ate na umiiyak.

"Please tell me what's this?" Kahit di alam ni mommy ay humagulgol na rin siya. Tinignan niya ang kamay ni ate. Which is may hawak si ate na pregnancy kit.

"Kanino yan?" Tanong ni mommy. Si daddy ay naguguluhan parin sa mga nangyayari.

Umiling lang si ate. Binitawan niya ang pregnancy kit at pilit na pinipigil ang pag iyak niya.

"Sorry Keith." Yun lang ang sinabi niya. Alam ko namang hindi sinasadya ni ate na ipakita 'yong pregnancy kit.

"Tell me!" Sigaw ni mommy. Natakot ako sa simpleng sigaw ni mommy. I don't know pero feel ko anytime papalayasin na nila ako dito sa bahay.

Lalong lumapit si dad sakaniya.

"Hon' calm down. What's happening?" Ani daddy na kalmado parin. Hindi parin siya sinagot ni mom. Kahit ako hindi ko masagot si daddy. Tanging hagulgol lang ang kaya kong gawin ngayon. Nanghihina ako.

"M-mom I'm so s-sorry." And I finally said it. At isang malutong na sampal ang natanggap ko kay mommy. I deserve this. Dahil ito sa katangahan ko. This is all my fault. Kung masira man ang magandang relasyon namin ni mom and dad ay dahil 'yon sakin. I lost their trust.

"Tina!" Sigaw ni daddy dahil gulat siya ng sinampal ako ni mommy.

"Anak, why?" Iyon lang ang nasabi ni mom. Nanghihina rin siya. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa dahil natatakot akong umiwas si mommy.

"Tina tell me what's happening." Madiing sabi ni dad kay mommy. Hindi maka tingin si mommy kay daddy. Alam kong natatakot si mommy na pag sinabi niya ay bigla na lang sasabog si dad.

"You're daughter Tamara-" she cried. "She's pregnant." Yun lang ang sinabi ni mommy at humagulgol siya kasabay ko at si ate.

I looked at daddy at tulala siya sakin at umiiling.

"Daddy I'm so so sorry." I said.

"Hey what's happening here?!" Gulat na tanong ni kuya. Hingal na hingal siya dahil sa pagtaas niya dito sa kwarto. He's looking at us at naguguluhan sa gulong nangyayari.

"No you're not Tamara!" Napatalon ako sa sigaw ni dad.

"Dad I am! And I'm really really sorry for this." Matapang kong sinabi.

Carrying The Bad Boy's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon