Chapter 44

3.6K 60 44
                                    

"Naniniwala ka kay Parko?" Shara asked. Umiwas ako ng tingin at pinag laruan ang aking daliri.

"Hindi dapat." I answered. Hinaplos ko ang aking tiyan. Hindi ako dapat maniwala kay Parko. Last time na pinag usapan namin ni Aron 'yon, he got mad at me. And that's the first time that he really got mad.

"Pero naniniwala ka nga." She stated. I finally looked at her. Damn she really is my bestfriend. Bawal nga akong mag tago kay Shara.

"Yeah. Ayoko naman talaga maniwala. Pero nung lumabas kami ni Aron, may nag text sakaniya na babalik daw siya. And I know, that's Dianne based sa sinabi ni Parko na babalik nga siya." Huminga ako ng malalim. It puzzled me the first moment she texted. But when Parko told us that, it was already clear to me.

"Bakit ka naman naniniwala? Bakit ka natatakot?" Aniya at uminom sa kaniyang kape.

"What ifs." Sagot ko. Humalukipkip siya at tinignan ako ng taimtim. Can't believe I'm saying this. Ngayon pa ako natakot kung kailan nag tatagal kami.

"What if? What if ano? What if bumalik siya kay Dianne?" Iritang tanong niya at muling uminom. I bit my lower lip and nodded.

"Really girl? Edi sana iniwan ka ni Aron ngayon pa lang na nalaman niyang babalik ang ex niyang dahilan ng pagkakabuntis mo." She stated non-stop. Yeah right! Si Dianne din ang isa sa mga dahilan kung bakit nandito ako sa sitwasyon ko.

"You should thank her." Aniya pa at tumawa ng bahagya. Ah? Sinabi ko bang bestfriend ko 'to? Ghad she's teasing me at this moment.

"That's it Sha. Siya ang isang dahilan. Sobrang mahal ni Aron si Dianne at nakapag lasing pa nga siya diba? And remember the day he rejected and pushed me away dahil mahal niya nga ang ex niya?" I pouted. Ugh! This is making me insane.

"That was then. Dati pa 'yon Tamara. You have him now and his baby. May anak na kayo. And I saw how caring he is! Nakikita ko pa nga kung gano ka niya kamahal. Mas mahal ka na nga ata niya kaysa noong mahal na mahal mo siya pero di ka niya pinapansin. Remember? Ano pa bang i-wha-what if mo?." She rolled her eyes nang sabihin iyon.

I sighed at uminom ng gatas. Pang pakalma kahit kaunti. Damn this thoughts.

"Shara, what if naaawa lang siya sa kalagayan ko? What if natatakot lang siyang iwan ako dahil sa anak namin? What if ayaw niya lang matulad ang anak namin sa ibang pamilya na hiwa-hiwalay? What if he just used me to forget Dianne? What if—"

"Alright chill Tam. Sobrang daming what if nga 'yan." Aniya nang pigilan ako sa madami kong 'what if'. I can't help it! Kahit ako nagulat sa mga nasabi ko na dapat nasa utak ko lang.

"Tamara, I'll be honest." Napalunok siya at hinawakan ang aking mga kamay.

"I really hate Aron for being the bad guy in our school. I hate him for doing this to you. Kasi ang problema lang naman natin dati, paano ka niya papansinin. But look at this now. I hate that he's making you overthink. I hate him. Before." Ngumisi siya at umiling.

"Pero ngayon, nakikita ko kung pano siya bumawi sa pagkakamali niya noon. Natutuwa ako kung paano ka niya alagaan. Gusto ko na siyang maging parte ng buhay mo kasi masaya ka pag kasama siya. And he's my godson's father. Diba?" Pareho kaming natawa at muling napa iling. Hinaplos niya ang aking kamay.

"Hindi ko siya pinag tatanggol ngayon pero gusto kong maging panatag ka kagaya ng nararamdaman ko sainyong dalawa. In a short span, I know that he won't let you cry. Mahal ka non. Don't think of 'what if'. Instead, live with 'what is'. Nasayo siya at nasakaniya ka. Mag titiwala ka sa 'kayo'. Mag tiwala ka sa pagmamahal ni Aron." Kumuha siya ng tissue paper at ipinahid iyon saakin. Damn, di ko alam napapaiyak na pala ako sa speech ni Shara.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Carrying The Bad Boy's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon