Chapter 41

6.8K 153 78
                                    

"Aalis ako. Hindi ko alam kung mag tatagal  ako." Pinunasan niya ang kaniyang luha at hinawakan ang aking kamay.

"Bakit? Babalik ka ba?" Humihikbi niyang tanong. Kahit ako ay di maka hinga.

"Kailangan ko 'to. Kailangan niya rin ito. Babalik ako. Pangako. Kung mag tagal man, hindi ako makakalimot." Pinunasan ko ang luhang pumatak at tinalikuran siya.

Agad akong nagising at napa upo sa panaginip na 'yon. Mabigat ang aking pakiramdam. Pinunasan ko ang aking luha. Napa iyak pala ako. Parang totoo ang panaginip na 'yon. Pero di ko alam kung sino ang kausap ko.

Nasapo ko ang aking ulo at pumikit ng mariin. Bakit ganon ang panaginip ko? Bakit nag papaalam ako? Kanino? At para saan?

"Pregnant woman?" Dinig kong tawag ni Aron mula sa labas ng kwarto. Hindi naman na siya humingi ng sagot at pumasok agad ng kwarto.

"Hey... Are you okay?" Tanong niya nang makalapit saakin. Pinunasan kong muli ang luhang pumatak saaking mata. "What happened? May masakit ba?" Umiling ako sa kaniyang tanong.   "Then what is it?" Aniya pa.

"W-wala. I just had a bad dream." Sabi ko at tumingin sakaniya. He's only wearing his sweat shorts at pawis na pawis siya.

"Really? Don't worry nandito na ako and it's just a dream baby." Tumango ako. Inayos niya ang magulo kong buhok at hinalikan ang aking noo.  "Come on. The breakfast is ready." Sambit niya at inalalayan akong tumayo.

"Susunod ako. Mag aayos lang ako." Ngiti kong sabi at tinulak siya ng mahina.

"Sabay na tayo? Pawis ako." Umikot pa siya para ipakitang pawis siya. Tch.

"No. Sige na mag bihis ka na." Muli ko siyang tinulak. Basa ang aking kamay dahil sa pawis niya. Pinang punas ko ang kaniyang sweat shorts.

"Tsk. Alright see you down stairs. Bilisan mo." Aniya at sinara ang pinto pagkalabas.

Agad akong pumasok sa loob ng cr. Tinitigan ko pa ang aking sarili sa salamin. Nag tataka padin sa panaginip. Wala namang ganong mangyayari. Wala.

Ginawa ko na ang dapat kong gawin sa cr. Still thinking of my dream.

"Babe!" Tawag ni Aron mula sa labas ng cr. Doon lamang ako nabalik sa wisyo at tinapos na ang pag shower. Agad akong nag bihis at lumabas. Well alam kong dito ako makakatulog sa bahay nila Aron. Kaya nag dala ako ng damit ko.

"I'm done." Ngiting sabi ko. Kunot ang kaniyang noo at agad hinawakan ang aking kamay.

"Ang tagal mo." Ngusong aniya. Inayos ko ang kaniyang damit at ang kaniyang buhok.

"I'm already here." Natatawa kong sabi. Nag taas siya ng kaniyang kilay at hinila na ako palabas ng kwarto ni Angela. Oh how I miss that kid. Gusto ko ulit sila makasama.

"Aron!" Tawag ko sakaniya habang pababa kami ng hagdan. Hindi siya kumibo at di man lang pinansin ang pag tawag ko.

"Kailan ulit darating sila Avan?" Tanong ko pero di niya ako sinagot. Nang makarating kami sa sala, binitawan niya ang aking kamay at mag isang nag tungo sa dining room.

"Aron uy!" Tawag ko pero di ako pinansin. Kaya sumunod ako sakaniya. Anong problema ng taong 'to? Balik sa pagka abnormal nanaman. Tch.

"Anong problema mo?" Irita kong tanong. Tumabi ako sakaniya at kinalabit pa siya. Umiwas siya pero nilagyan parin ng pancake ang plato ko.

Carrying The Bad Boy's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon